PART ONE: THE OTHER SIDE OF THE COIN

Start from the beginning
                                    

Tapos mag co-confess sila sa 'kin nang sabay sa foundation day?

Tapos during 'yun ng performance namin sa stage?

I bit my lower lip as I suppressed myself from laughing.

AAAAAAAAA, AYOKO NAAAAAAAA!

I grinned as I fixed my last school year's I.D. There, I saw my name engraved on it.

'Neska Ellinor Harriett.'

Naks, pang Oscar!

Iba talaga itong tatay ko.

Kada nga may magtatanong anong history ng pangalan ko, nagsisinungaling nalang ako. Eh, paano, nakuha lang naman iyon ng tatay ko sa paborito n'yang pornstar.

The grin on my lips widened.

AAAAA AYOKO NA TALAGAAAA!

The smile on my face faded when there was a flash report on the screen.

"KASO NG ISANG LALAKING NAPAGBINTANGAN PINATAY UMANO ANG SARILING AMA NA NIYANIG ANG BUONG BANSA ILANG TAON NA ANG NAKARARAAN," the news anchor said. "MABUBUKSAN MULI MATAPOS APRUBAHAN NG KORTE ANG ISINUMITE NA MOTION FOR NEW TRIAL DAHIL UMANO SA MGA BAGONG EBIDENSYANG NAKALAP NG ABOGADO NITO."

My eyes widened.

Ayan ba 'yung kaso ng lalaking pinatay daw ang sariling ama?

Nakalimutan ko na 'yung pangalan n'ung lalaki pero ang alam ko, crush na crush ko noon 'yung prosecutor na tumanggap ng kaso.

Grabe. 18 na 'ko ngayon, mahigit 10 years old palang ako nang mangyari iyon. Ang aga ko lumandi.

"BILANG TUGON NG PROSEKYUSYON, ANG KASO AY SISINTENSYAHAN NG MGA HURADO O TINATAWAG NA JURY NA BINUBUO NG IBA'T IBANG ABOGADO MULA SA KORTE SUPREMA MISMO. ILANG KABABAYAN NATIN ANG NAALARMA AT ANG ILAN PA NGA'Y ISINISIGAW NA BIGYAN DAW ANG AKUSADO NG SINTENSYANG BITAY."

Napangiwi ako. For sure, magiging national topic nanaman ito. Naaalala ko noon kung gaano kagulo ang bansa dahil doon.

Daily topic kaya 'yun dati ng mga chismosa sa 'min at ginawang political and law experts ang mga lasinggero sa kanto.

I sighed.

"Ano ba naman 'to, kailan ba 'to aandar," rinig kong angal ng katabi ko.

At doon ko lang napansin na ilang minuto na palang hindi umaandar ang tren.

"Naku naman, bakit dito pa sa Shaw station huminto? Ito 'yung may pinakamalayong agwat sa next station. Putragis naman..." bulong ng isa.

Okay.

Siguro nga, ito na ang proof na nasa Maynila ka na talaga.

Perwisyo.

Naaalala ko tuloy 'yung isang public figure na ang sabi wala raw transportation crisis sa bansa. Pero nang i-try n'ya mag-,commute, nag-tricycle at angkas na s'ya't lahat at 4 hours pa time allowance for travel, na-late pa rin s'ya in the end.

Awit.

I bit my lower lip again.

Kaya minsan 'di ko rin kailangan ng kaibigan, eh. Utak ko palang ang dami ng kwento.

"TULONG! TULONG!"

Natigil ang pagkahibang ko sa sarili nang tingnan ko ang sumisigaw.

I felt my heart took a leap.

Hindi pa pala sapat na stranded kami sa kalagitnaan ng byahe. To add more fuel, a guy was currently having seizures while lying on the floor that made everyone panic more.

"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)Where stories live. Discover now