IMML II-8

5.5K 91 7
                                    

A/N: Guys. FastForward tayo ah

Jaden's POV

After 3years

"Dad. I have a question" sabi ni Jason habang ako ay busy sa pagbabasa ng documents
.
"Pag nag'18 na ba ako, ita'traine mo na ako sa company?" tanong nya. Nahinto ako sa pagbabasa ta tumingin sa kanya
.
"Kurt, your only 10 para isipin mo yung mga bagay nayan. And your mom won't let me either" sabi ko
.
"Pero ang sabi ni lolo, sa ganung edad mo daw dapat ako turuan" sabi nya. Tsk! Si papa talaga
.
"Alam mo Jason, ayaw ko na bata ka palang masabak ka na sa mga ganitong bagay. At higit sa lahat, gusto kong mag'enjoy ka sa buhay mo hangga't bata ka pa. At alam mong alam natingin pareho na hindi papayag ako mom mo" sabi ko
.
"Fine, hindi na ako mangungulit about dun" sabi nya. At nagtuloy na ako sa pagbabasa
.
"Pero dad, one last question. Please" sabi nya
.
"What is it?" kinuha ko nama yung baso ng tubig atska uminom
.
"Kelan nyo balak sundan sila Jeffrey at Jillian?" tanong nya. Nagulat ako sa tinanung nya. Buti nalang at hindi ko nabuga yung iniinom ko sa kanya
.
"San mo narinig yan?" takang tanong ko
.
"Nung isang araw po, pinag'uusapan nyo ni mom" sabi nya
.
"Alam mo Jason, tinuro namin sa inyo ng mom mo na wag na wag makikinig sa usapan ng matatanda. Pero tinanung mo na din naman, sasagutin ko na. Wala pa kaming balak ng mom mo, ayaw nya pa" sabi ko
.
"Sayang naman dad, gusto ko na ulit magkaron ng baby sibling eh. Masyadon malaki si Jeff at Jillian" sabi nya
.
"In time son, tska na yun. Intindihin mo na alagaan mo muna yung mga nakababatang kapatid mo. Ok?" tanong ko, tumango naman sya
.
.
"Dad, pero hindi nga. Wala pa talaga?" kulit talaga nito.
.
"Ang kulit mo talaga Kurt! Halika nga dito ng makiliti kita ng hindi mo na ako guluhin" sabi ko, bigla naman syang tumakbo sa sala kung nasan yung dalawang kapatid nya na nanunuod ng cartoons
.
.
"At anung kaguluhan ang ngyayari dito!?" biglang singit ni Kristine sa pinto
.
"Mom/Mommy!" sigaw nung tatlo at tumakbo sa mommy nila
.
"Mommy? San ka nagpunta? At nasan na po si ate Jaime?" takang tanong ni Jillian
.
"Ah, nasa ospital pa sya eh" sabi ni Kristine at tumingin sa akin
.
Nagtataka kayo kung bakit nasa ospital yun? Nadengue kasi. Buti nalang talaga at nadala namin sya agad sa ospital at naagapan agad. Kung hindi baka, magbigay ako ng dugo ng wala sa oras. Pasalamat nalang sa diyos at ok sya
.
So, anung ngyari sa amin this past 3years. Well, after a year nung ngyari kay Jason nagdoble ingat na kami sa mga bata pero naatyempo yung hayop na yun, kinidnap si Jason at Jaime nung nasa school sila. Wala naman kaming magawa, kaya ang ginawa ko. Nagpaka'action star ulit ako
.
Pasalamat nalang ako at hindi lang ako ang pumunta dun. Kasama ko si tito Ricky, yung head ng swat team. At buti mabilis silang nakagawa ng plano at nasagip yung dalawa. Halos dalawang buwan na trauma yung kambal pero gumawa kami ng paraan para makalimuta nila yun
.
Wala naman kaming ginawa dun sa lalaki, hinuli nila tito yun. Pero after a year, napakawalan din. Ang sabi nya napag'utusan lang daw sya. Pero hindi ako naniniwala sa kanya kaya nagsampa ako ng kaso pero wala din pinatunguhan. Buti nga't hindi na nagparamdam sa amin yung after nyang makalaya. Dahil makakapatay talaga ako ng tao, pero iba ang pakiramdam ko. Feeling ko may binabalak pa yun at halatang nagsisinungalin sya.
.
.
.
"Daddy? Pwede ba kaming maglaro sa Tab mo. Promise hindi namin sisirain" tawag pansin ni Jeffrey sa akin
.
"Ok Jeff, but be careful ah. Daddy have some files in there, baka mabura" sabi ko at tumango naman sya at lumabas na
.
.
"Oh. Dhey, baka mamaya ikaw naman ang magkasakit sa ginagawa mo ah" sabi ni Kristine at inabot sa akin yung kape
.
"Hindi toh mhey. Tska nung isang araw pa toh eh, hindi ko lang ginawa kasi binantayan ko si Jaime sa ospital, natambakan lang talaga ako" sabi ko at uminom ng kape
.
"Bakit kasi binabantayan mo pa si Jaime? Eh kaya ko naman na yun" sabi nya
.
"Alam ko pero bawal sayo mapagod hindi ba" sabi ko
.
"Kasama ko naman si mommy eh, hindi ako napapagod kasi nandun si mommy. Kaya hindi ako namomrblema" sabi nya
.
"Nga pala? Kasama ba ni mommy si mama?" tanong ko sa kanya
.
"Oo, binbantayan nya din si Jaime" sabi nya
.
"May sinabi ba sya?" tanong ko pa
.
"Wag ka daw masyadong magpapagod kasi masama sayo" sabi nya
.
"Fine. Anu nga pala sabi ni ate minzy sayo?" tanong ko, well. OB/GYN nya si ate minzy kaya nagtatanong ako. Tska nagpacheck'up sya, no harm naman
.
"Same lang. Katulad dati, no stress. Uminom ng vitamis at kung anu pang bawal at pwede" sabi nya. Well, hindi naman katakataka yun. Nakadalawang ulit naman na sya eh, kaya alam na namin yun
.
"Meron pa ba syang sinabi bukod dun?" tanong ko
.
"Meron, mag'iingat daw ako. Kasi hindi pa naman ganun ka lakas ang kapit nung baby" sabi nya. Yup, hindi kayo namamali ng basa. Buntis na ulit sya, almost 2 months na nga eh, sa hinabahaba ng pagsuyo ko sa kanya pumayag na din sya. Laking tuwa ko nga nung sa sinabi nya eh
.
Buti nalang talaga hindi narinig ni Jason yung pinag'uusapan namin ni Kristine about dun sa baby, akala nya wala pa. Pero meron na
.
"Deh magdo'doble ang pag'iingat ko sayo" sabi ko sa kanya at tumayo ako sa pagkakaupo ko, kumapit naman ako sa bewang nya, sya naman inikot yung braso nya sa batok ko
.
"Hindi noh. Kilala mo ako, sobrang maingat ako sa sarili ko" sabi nya
.
"Kristine, alam mo ako. Hindi ako papayag na matalo sa mga bagay na ganito" sabi ko
.
"Fine. Ikaw na ang panalo at alam ko din na wala akong laban sayo eh" sabi nya
.
"Good. *Chup* I love you" sabi ko at ngumiti sa kanya
.
"I love you too" sabi nya
.
.
"Ay! Bago  ko pala makalimutan, nag'iimbita si ate Vanessa.Party yata para sa kasal nya" sabi nya
.
"Oh. Kelan naman yun?" tanong ko sa kanya
.
"Hmm, saturday daw" sabi nya. Nako!
.
"Mhey, mukhang hindi ako maakasama. Meron akong meeting kasama si Camille at Jacklyn about dun sa building eh" sabi ko. Well, kung si Camille ay stockholder namin. Sa company naman ni Jacklyn, isa sya sa mga co-partner/owner dun. Alam namam ni Kristine yun
.
"Tss." yun lang ang nasabi nya
.
"Mhey. It's just pure business, at alam mong wala yun. Ocge, ganito nalang. Anung oras ba yung party?" tanong ko sa kanya
.
"2pm hanggang 8pm" sabi nya
.
"Ok, umaga ko ipapa'schedule yung meeting namin nila Camille para makahabol ako" sabi ko. Medyo natuwa naman sya
.
"Talaga?" tanong nya
.
"Oo mhey" sabi ko at ngumiti sa kanya
.
"Promise?" medyo nngingiti na sya
.
"Promise na promise mhey." sabi ko. Kiniss ko ulit sya sa labi at bumitaw na sa bewang nya nung naghiwalay ang labi namin, naupo na ako sa swivel chair ko sya naman sa lap ko
.
"Nga pala mhey, kelan labas ni Jaime ng ospital?" tanong ko sa kanya
.
"Friday pa dhey, uwing'uwi na nga eh" sabi nya at sinandal nya yung ulo nya sa ulo ko
.
"Ok, papaclear ko naman yung araw na yun. Bonding na din natin" sabi ko
.
"Pero dhey, hindi naman tayo pwedeng lumabas kasi mabibinat si Jaime" sabi nya
.
"Alam ko. Kaya nga hindi tayo aalis, sa bahay lang tayo para mag'movie marathon tapos maglarong XBox or Wii, kung ok lang" sabi ko
.
"Ok na din yun dhey. Hindi na ako kokontra dyan" sabi nya at natawa
.
"Alam kong hindi ka papalag dun, haha" sabi ko
.
"Kanino nga pala natin iiwan yung mga bata pagpunta natin ng party?" tanong ko sa kanya
.
"Hmm. Kaila mama nalang, tutal sabi nya namimiss na daw ni papa yung apat" sabi nya
.
"Ocge, tapos dun na tayo matulog, kinabukasan na tayo umuwi?" tanong ko
.
"Oo na, ikaw na nakabasa ng nasa isip ko" sabi nya at hinalikan ulit ako
.
"Naman" sabi ko sa pagitan ng halik namin na mainit
.
.
.
.
.
"Daddy! Anung ginagawa nyo ni mommy?" tili ni Jillian, hay nako! Cnu kaya pinagmanahan nito? Ang lakas ng boses eh
.
Agad kaming naghiwalay ng halik ni Kristine at tinignan ko si Jillian, si Kris namantumingin sa bintana sa likod namin
.
"Wala baby. Bakit nga pala nandito ka?" tanong ko sa kanya, hindi kasi nilock yung pinto
.
"Kasi si kuya ayaw akong pahiramin ng tab mo" sabi nya
.
"Ako na dhey. Tapusin mo na yang trabaho mo" sabi ni Kris at tumayo na galing sa pagkakaupo sa lap ko
.Hay! Bakit ba lagi nalang ako nabibitin sa kanya? Makabawi nga lang next time. Tatapusin ko muna tong mga papeles na toh
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ate! I miss you" yakap ni Jillian sa ate nya. Natuwa naman si Jaime kaya niyakap nya din ito at hinalikan sa pisngi. Ang sweet talaga nila
.
"Ate, pwede ba tayong magplay? Namiss din kita eh" sabi naman ni Jeffrey
.
"Oo naman, basta walang makulit ah" natatawang sabi nya. Hay! Ang se'sweet ng mga batang toh, hindi nag'aaway. Well, hindi ganun kadalas :D
.
"Hi daddy" lapit nya sa akin tska ako niyakap
.
"Hi princess, I missed you" sabi ko at niyakap din sya
.
"I miss you too" sabi nya at bumitaw na sa yakap
.
"So, how do you feel? Ok ka na ba?" tanong ko sa kanya
.
"Daddy, ok na ako. Iinum nalang ng gamot, ok na ulit. Pwede na akong bumalik sa school" sabi nya
.
"Good. KAla ko kung anung ngyari sayo nung isang araw eh" sabi ko
.
"Wala yung daddy, medyo nilagnat lang ulit ako. Tapos bumaba yung platelets ko ng konti" sabi nya at natawa pa
.
"Tawa ka dyan. Buti nalang at may bantay ka nun, kung hindi lagot ka talaga sa akin" sabi ko sa kanya
.
"Daddy naman, takutin daw ba ang anak" biglang singit ni Kristine sa gilid
.
"I'm just worried, akala ko kasi kung anung ngyari, ikaw tong OA kung magreact eh" sabi ko
.
"Hindi ko naman kasi ma'intindihan yung sinabi nung doctor kasi ang taas talala ng lagnat nya kaya kung anu anu ng nasabi ko sayo" sabi nya at nagpout. Tumingin naman ako kay Jaime at natawa nalang sya
.
"Sabi ko kasi sayo tutulong ako sa pagbabantay sa kanya ayaw mo pang pumayag" sabi ko, may sasabihin pa sana sya ng pinahinto kami ni Jaime ng pagsasalita
.
"Hep! Mommy, daddy. Halika na, iwan na tayo nung tatlo. Nandun na sa loob ng kotse" sabi nya at tinuro yung kotse kung san naghaharutan yung tatlo. Haha, nainip na sa tagal namin
.
.
"Halika na nga mhey, mga excited yung mga bata sa pag'uw ni Jaime" sabi ko at hinawakan ko na sya sa kamay. Tumango nalang sya at naglakad na kami papunta sa kotse
.
.
.
.
"Nga pala Jason at Jaime saturday kaila lolo muna kayo ah. May pupuntahan kami ni mommy nyo" sabi ko sa dalawa
.
"San kayo pupunta daddy? Sama kami!" singit bigla ni Jeffrey
.
"Hindi pwede Jeff, kami lang pwede ni mommy kasi party yun for adults" sabi ko at tumingin s rear view mirror at tumingin ulit sa daan
.
"Fine" sabi nya at nagpout at cross'arms
.
"Nandun naman si tita Rachel eh, kasama ni Riley eh, pwede naman kayong magplay habang wala kami ni mommy. Tska Jeff, saglit lang kami. Ha?" sabi ko pero nakasibangot pa din sya
.
"Ok, you can borrow daddy's PSP." sabi ko at sumilip ako sa rear view
.
Sumimpleng ngiti lang sya, kaya natawa lang kaming pareho ni Kristine
.
.
.
RIIINNNGG!! RIIINNNGG!!


"Ako na dhey" sabi ni Kristine at kinuha yung phone ko sa gitna namin
.
"Si Jam" sabi nya. Tumingin naman ako sa kanya, anu naman kaya kailngan ng secretary ko
.
Sinagot ni Kristine yung tawag at tinapat sa tenga ko. Hinawakan ko naman na yun at tuloy lang sa pagmamaneho tska ko niliko sa subdivision namin
.
"Yes Jam?" tanong ko sa kanya
.
(Sir.  I'm sorry to disturb you but Mr. Reyes is asking if you are free for today?) sabi nya
.
"Jam, I told you. I'm having a family day" sabi ko sa kanya at pinarada ko na yung kotse sa garahe at bumaba na
.
(But sir, sya po ang nagpupumilit na kausapin kayo ng personal) sabi nya
.
"Fine. Give him my number at ako na mismo ang kakausap sa kanya" sabi ko, um'oo nalang sya at pinatay ko na yung tawag
.
.
(Hello Jaden) sabi nito
.
"Yes tito Richard, gusto mo daw akong makausap" sabi ko
.
(Oo, kailangan kasi kita ngayon, Nagkulang kami ng isang model, gusto ko sanang itanung kung pwede ka ba ngayon) sabi nya. Wait. what!?
.
"Eh tito, family da--" sasabihin ko na sana yung reason ko pero natigil ako kasi pinahinto nya ako
.
(Please Jaden, ngayon lang ulit ako humingi ng pabor sayo) sabi nya
.
"Ok tito. Kakausapin ko lang po si Kristine" sabi ko
.
(Thank you Jaden) sabi nya at binaba nya na yung tawag.
.
Yari na naman ako kay Kristine. Hay! Bahala na nga

**********
Sorry, late yung UD ko. Naging busy lang nung isang araw dahil family reunion tapos kakauwi ko lang din ng bulacan kaya hindi ko natapos ang tinatype ko, nasa MC ko lang yung Draft, tapos nabura pa. Banas diba? Bitin tuloy kayo

Enjoy reading kahit pa medyo boring toh tska short. Sorry, hahabaan ko nalang next time

#JRMCSRDBo4

I'm Married to Ms. Lesbian♡ [Book 2] (COMPLETED!)Where stories live. Discover now