CHAPTER 16 - A Truce, Maybe?

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakakainis! 


 "What? Why are you glaring? Nag pasalamat na ako, hindi pa ba yun sapat? Or baka naman gusto mo ng pera kapalit ng effort mo? Sure, yun lang pala eh." 


Lalo lang sumama ang tingin ni Santillan sa akin. Ano bang problema niya. 


“Hindi mo kailangan mag pasalamat at hindi ko din naman hinihingi na pasalamatan mo ako. At LALO nang hindi ko kailangan ng pera mo. Hinihintay ko lang kung mag kukusa ka man lang na alukin ako na pumasok muna sa loob. Pero, mukhang wala eh so ako na mag sasabi. Papasukin mo naman muna ako bago mo ako paalisin. Pahiramin mo na din ako ng damit para makapag palit ako. Ayoko bumyahe na ganito itsura ko."


I can't help but rolled my eyes with that. Tss. 

I heard the clicking sound of her tongue as if telling me that she cannot believe how I was acting right now. I'm not comfortable inviting someone I barely knew inside my home. I can't help it, may bad experience ako diyan before. Even though Santillan looked like she wouldn't hurt a fly, still, hindi pa din ako kumportable na papasukin siya sa bahay ko. 

“Siguro nung nagsabog ng kagandahang-asal si Lord, lasing ka kaya hindi ka man lang naambunan ng kahit konti."


Well, aminado naman akong maldita ako kaya hindi na ako kumontra pa. Pero hindi ibig sabihin nun hindi ako nainsulto sa sinabi niya. 


Oh, di ikaw na mabait. Ikaw na! 



“Shut up!” sabi ko pa sabay abot nang 1000 pesos para sa pamasahe namin kanina. "How much do I owe you para sa effort mo kanina?" 


Hinihintay kong abutin niya na yung pera pero hindi niya ginawa. Pinaningkitan niya pa ako ng mga mata. The nerve of this girl. 


“Hindi ko nga kailangan ng pera mo. Makikiligo lang ako. MA-KI-KI-LI-GO."


Umirap na lang ako sa sinabi niya sabay senyas sa kanya na sumunod sa akin. Mukhang wala naman siyang balak tantanan ako eh kaya napilitan na ako. Para matapos na at makauwi na siya. 

Nagsalita na ako sa intercom para ipaalam na nasa labas na ako ng gate. Maya-maya lang bumukas na ito. Nakita ko din yung isa naming guard na ilang taon ng nagta-trabaho sa amin pero hindi ko pa rin alam ang pangalan. Hindi ko naman kailangang alamin diba, dahil gwardiya lang naman siya. Wala namang benefit sa akin kung makikilala ko siya.


“Good evening po, Ma'am.” bati nito sa akin. Tumango lang ako bilang tugon. Pero si Santillan, ayun at bumati din sa kanya.



“Si Yaya Miling?” tanong ko pa. 



“Ay wala pa po. Nasa ospital pa. Tinakbo po nila ni Emil si Mang Robert kanina.”


Si Emil yung isa pa naming guard/driver na din paminsan minsan. Apat lang naman kasi sila dito. Si Yaya Miling, si Mang Robert na driver ko talaga at yung dalawang gwardiya. Madami pa kaming mga maids before pero nung nag simulang mag stay ang parents ko ng matagal sa San Francisco, sinesante ko na yung iba. Hindi ko naman sila kailangan. The less poor people I had to deal with, the better. May trust issues kasi ako sa mga katulad nila. Si Yaya nga lang yung pinagkakatiwalaan ko dito. Baby palang naman kasi ako, andiyan na siya.

Tuluyan na akong pumasok ng bahay. Patay lahat ng ilaw. Well, obviously kasi wala si Yaya. Siya lang naman kasi ang pinapayagan kong pumasok sa loob. Yung iba kasi doon sila nag-stay sa maliit na bahay sa likod ng mansion.

Diretso akyat na ako. Pinasunod ko na si Santillan. Doon na lang siya sa kwarto ko. Powder rooms lang kasi ang meron sa first floor. Sarado din kasi yung ibang rooms at ayoko ng mag abala pa na hanapin kung nasaan ang mga keys nila. Si Yaya ang nag tatabi nun for safe keeping. I didn't bother for a duplicate. 


QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon