"Interesting."

"Mmm. Let's see."

"Bullying nowadays is. Ahh. Ahh. Tsk."

Tumingin siya sa akin at.

"Ano bang sasabihin ko?" mahinang bulong niya.

"Lakas mo manguna hindi mo naman pala alam sasabihin mo. Tabi nga." inis na sabi ko sa kanya.

"Ano?"

"Tabi." inirapan ko pa siya at sinimangutan niya naman ako at saka ako humarap ng maayos sa lahat. "Good afternoon everybody. It will be our pleasure for the next 30 minutes or so to cover the following topics regarding Bullying. On our presentation, we will be able to describe methods and programs designed to overcome and prevent bullying behavior." sabi ko sa kanila habang tumitingin isa isa sa kanilang mga mata. Nagpalakad lakad ako sa harap nila habang si Deib ang tagalipat ko ng page. "Bullying is said to be the act of intentionally causing harm to others, through verbal harassment, physical assault, or other more subtle methods of coercion such as manipulation. Bullying in school is also referred to as peer abuse. In colloquial speech, bullying often describes a form of harassment." pagdidiin ko habang nakatingin kay Deib. "Perpetrated by an abuser who possesses more physical or social power and dominance than the victim. The victim of bullying is sometimes referred to as a target." tumingin ulit ako sa kanya. "The harassment can be verbal, physical or emotional. Sometimes bullies will pick on people bigger or smaller than their size. Bullies hurt people verbally and physically. There are many reasons for that. One of them is because the bullies themselves are or have been the victim of bullying."

Okay naman ang pananalita ko pero nagtataka ako dahil tuwing si Deib na, nauutal siya parati.

'Memorize pala ah. Tsk tsk!'

"It's been said that teenagers who do not get attention or emotional support at home are get---Oh sorry sorry. I mean t-they may try to get n-noticed even in negative ways. To do this, they may try to become the center of attention by hu...*sighs* humiliating s-someone else."

Napatingin ako sa kanya pagkatapos niyang magsalita. Pasimple akong pumunta sa likod niya nung makita kong nakatingin ang lahat sa powerpoint.

"Excuse me." nakangiting sabi ko sa lahat.

"Take your time." nakangiting sabi ni Mr. Sullivan.

Humarap ako kay Deib at seryoso siyang tinitigan.

"Pwede bang mag-relax ka?"

"K-Kinakabahan ako e. Natatakot akong magkamali." halatang kabadong sabi niya.

"Tss. Hindi ka nila papatayin kapag nagkamali ka okay? Kesa naman sa ganyan halatang halatang natatakot ka."

"E-Eh kasi."

"Sabihin mo lang kung ano ang alam mo wag yung kung ano lang ang natatandaan mo, sabihin mo kung ano lang ang naintindihan mo. Hindi mo kailangang sabihin lahat ng nandyan." turo ko sa powerpoint. "Nasabi na natin ang definition, hindi na nila kailangang alamin pa lahat. Mag-relax ka lang at isipin mong ikaw ang pinakamagaling na reporter."

"Pwede ba yun?"

"Mmm. Ilagay mo lahat ng yabang mo sa ulo mo. Then okay na."

HE'S INTO HER Season 1Where stories live. Discover now