Mistaken 24.0

144 8 7
                                    

December 02, 2016, Friday
05:31 a.m.

HANSOL:

Good morning

-

05:46 a.m.

ASTRID:

Naks, siya unang nag-good morning oh. Good morning din sa 'yoooo! 😊

HANSOL:

Hows sleep

ASTRID:

Ayun, kulang pa sa tulog :(

HANSOL:

Matulog ka pa

ASTRID:

Kung pwede nga lang eh kaso may pasok pa :(

HANSOL:

Dinalhan lang kita ng pizza di ka na nakatulog? Haha

ASTRID:

Wow, 'di ba pwedeng nabusog lang kaya nagpahinga muna bago matulog? 😂

HANSOL:

Dalhan pa nga kita nang tumangkad tangkad na

ASTRID:

BAD HMP

HANSOL:

Hahaha jk

ASTRID:

Bakit mapang-inis ka yata ngayon? Daming energy today ah 🤔

HANSOL:

Ganda ng gising ko ngayon eh

ASTRID:

Ay same. Well spent kasi 'yong kagabi 🤭

Pero for real, inaantok pa rin talaga akoooo

HANSOL:

Sorry na nga :))

ASTRID:

Ay kabog yung smiley na sinend, marunong ka pala gumanyan hahaha!

Pero 'di eh kasalanan mo talaga eh :(

HANSOL:

Hahahaha I just wanna make u happy so...

ASTRID:

Mission accomplished ka naman do'n 😊

HANSOL:

:)

Good to know that

Nwy nagcocommute ka lang ba?

ASTRID:

Yup, why?

HANSOL:

Gusto mo mag-uber? Para tuloy tuloy lang din byahe mo mamaya. Di na masyadong hassle makakatulog ka pa

Ano? Book kita?

ASTRID:

HOOOOY ANO? Hahahahaha baliw 'wag na. Isang sakay lang din naman ako. No worries, kaya ko pa namang bumiyahe kahit inaantok 😅

HANSOL:

U sure? Mahirap makatulog sa byahe. Baka may manamantala habang tulog ka

ASTRID:

'Di na lang ako matutulog hahaha

HANSOL:

Eh

ASTRID:

Okay lang talaga pramis!!!! 😆

Pero grabe ah? Kapag nagka-gf ka siguro, i-spoil-in mo sa mga "materyal" na bagay

HANSOL:

Maybe? Idk. Prolly


Do you want a guy like that? Who will give you everything that u want

-

07:12 a.m.

ASTRID:

Depende. Ano ba ang needs and wants ko? Kung sa materyal na bagay, siguro minsanan lang? Syempre 'pag nandiyan na, alangang tanggihan ko pa, 'di ba?

Pero mas gusto ko yung pinaglalaanan ako ng effort at time kaysa 'yong palaging pinagkakagastusan. Gets mo 'yong point? Malay natin, mas need and want ko pala na makita lang presensya nung tao

Kumbaga mas gusto ko yung mga bagay na priceless, mga bagay na hindi ginagamitan ng pera. Kasi kung mapapansin mo sa life, mas mahalaga yung mga bagay na hindi mo nakikita at nahahawakan kaysa sa materyal na bagay

Yun bang maramdaman ko lang sa tao yung appeciation, love, at effort, hindi na mapapantayan ng kahit anong pera 'yon. At para sa 'kin, mas magandang iyon ang binibigay kaysa sa mga bagay na nabibili ng pera

HANSOL:

I see. So u dont want a guy like me

ASTRID:

Uy, wala naman akong sinasabing ganyan! Hahaha ramdam ko naman 'yong effort na gusto mo 'kong mapaayos saka mapasaya.

Medyo ano lang siguro ako na gumagastos ka para sa 'kin? Hahahaha wala lang. Bukod sa nakakahiya, baka isipin mo sa 'kin, nananamantala na

E.g. handouts, pizza, yung necklace... 👀

HANSOL:

Di naman kita pag iisipan ng ganun. Binigay ko lahat yon kasi yon lang nakikita kong way para mapangiti ka

ASTRID:

So confirmed. Sa 'yo nga nanggaling 'yong necklace na 'to?

HANSOL:

Oh. Right

No. It was from someone else i think

ASTRID:

Ay, akala ko sa 'yo rin nanggaling 😅 Sorry hahaha kanino naman kaya 'to nanggaling?

Anyway, may prof na. Laters na lang ulit!

HANSOL:

Maybe from someone who rly likes u, Astrid

Read 9:32 a.m.

Mistaken (Epistolary | Revising)Where stories live. Discover now