Mistaken 24.1

141 8 4
                                    

December 02, 2016, Friday
11:01 a.m.

HANSOL:

Nakalimot ata ako

KALEB:

Naaalala mo lang naman ako kapag may kailangan ka sa 'kin <////3

HANSOL:

Gago seryoso ako

Masyado akong natuwang kausapin si Astrid. Nakalimutan ko iba nga pala ako sa isip niya

And i let that nerd took the credit haha tanginang yan

KALEB:

Kasalanan niya? Diba nasa sayo yan?

Hiniram mo ang pangalan niya. Kinausap mo si Astrid gamit ang pangalan niya

YOU let him took the credit. Walang kinalaman yung "kakambal" mo at wala rin siyang kasalanan dito. Nananahimik nga yung tao habang ginagamit mo yung pangalan na hindi naman iyo

HANSOL:

Right scold me then mom

Isampal mo na sakin lahat ng pagkakamali ko

KALEB:

Itigil mo na kasi. May way na naman para magkausap kayo. Friends na kayo sa Facebook. May conversation na nga kayo eh

Doon ka magpakita ng motibo gamit 'yang sarili mong pangalan. Doon mo siya kausapin. Doon mo ipagpatuloy yang naumpisahan mo. Kasi kung pagpapatuloy mo yan, parang pinababayaan mo na ring mas mahulog si Astrid sa kanya kaysa sayo na nag-e-effort at talagang kausap niya

Nag-e-effort ka tapos iba nagbe-benefit. Yung kilala kong Hansol, di pumapayag sa ganyan

HANSOL:

Ayaw niya kong kausap. Yung nerd na yon ang gusto niyang kausapin

KALEB:

Ge ikaw bahala. Inilalagay ka na sa tama tapos ayaw mo pa rin saking makinig

And btw nag-aya nga pala makipag-inuman kagabi si Czeska. Bat naman sa lahat pa ng babaeng kakilala mo, siya pa pinapili mo nung necklace na binigay mo sa taong gusto mo? Isa't kalahati ka ring tarantado eh

Di naman ako ang umire sa 'yo pero pinapasakit mo ulo kong tarantado ka

Ganto ako kagigil oh

Ganto ako kagigil oh

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.

HANSOL:

My own problem my own way of solving it. Pinakita ko sa kanya na di kami pwede dahil seryoso talaga ako sa babaeng ginugusto ko

How is she now btw? I let her saw how asshole I am. Wag kang mag-alala. Nakatikim naman ako ng isang malakas na sampal mula sa kanya

KALEB:

Well-deserved 👏👏👏 Pero isa lang? Kulang pa 'yan sa pagiging tarantado mo

HANSOL:

I asked her to do that to me again. She didnt

KALEB:

Pero sana hiningi mo muna advice ko bago ka nagpakatarantado

HANSOL:

I already did right? Mahinahong pakiusapan. Hindi niya naman ako pinakinggan

KALEB:

Nagsalita ang nakikinig 😒

HANSOL:

Pero musta na nga siya?

KALEB:

Nag-text ako, hindi naman nag-reply

HANSOL:

Try to call her. Kung wala kang pantawag loloadan kita

KALEB:

I think there's no need for that

She looks fine tho. 'Yon lang, kausap niya ngayon 'yong babaeng ginugusto mo

HANSOL:

Where are u

KALEB:

She's not going to hurt her, no worries

But you know her, she can also play your game

HANSOL:

Im asking where are u

KALEB:

Wala na. They parted ways na

HANSOL:

KALEB CLARIDADES

KALEB:

HAHAHAHAHAHA

Chill tinatakot lang kita 😂

Walang ginagawang kung ano si Czeska. Like what she said to me last night, gusto niya lang muna makilala ung babaeng gusto mo bago ka niya bitiwan

Okay na? Masaya ka na?

HANSOL:

TANGINA MO

KALEB:

Pero sundin mo ko ha? Kausapin mo siya gamit ang pangalan mo

HANSOL:

Ewan bahala na

KALEB:

Sige balitaan mo ko

Read 11:27 a.m.

Mistaken (Epistolary | Revising)Där berättelser lever. Upptäck nu