Chapter 1

12 0 0
                                    

Kaia's POV

"Kaia, first day of school hindi kaba papasok?"

Aish ano ba naman yan ang aga-aga naninigaw agad. Naalimpungatan ako ng marinig ko ang sigaw ni mama galing sa baba.

"Bababa napo." Pasigaw kong sagot sa kanya, first day of school pala namin ngayon, anong strand kaya kinuha ni Meisha.

Bago ang lahat magpapakilala muna ako, I'm Kaia Allaine De Guzman, 16 years old and Grade 11 nako ngayon, finally. Mahilig din ako sa anime.

First day of school namin ngayon, kinakabahan ako, pano pag may mga transferee? Pano pag diko kaklase si Meisha? Pano pag diko maka-close yung mga bago naming classmates? I'm so doomed.

Bumaba nako sa kusina para kumain ng almusal.

"Ma anong oras na po ba?" Inosente kong tanong kay mama.

"Alas-siyete na ng umaga Kaia." Mahinahong sagot nya sakin.

"Ahh oka--- wait ma? 7 na? Bakit di nyoko ginising ng mas maaga? Malelate nako neto" sagot ko sa kanya, ohmygas 7 na, 7:30 start ng class namin, late nako, maliligo pa ako, mag bibihis tapos baka mag traffic pa, lagot ako neto sa teacher ko.

"Sige ma maliligo napo ako at mag bibihis, itutuloy ko nalang mamaya sa school yung pagkain ko, malelate napo talaga ako." Paalam ko sa kanya sabay takbo paakyat sa aking kwarto. Mabilis akong naligo at nag bihis para di naman ako masyadong late. Mapapagalitan ako neto.

Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos nakong maligo at mag bihis, di nako mag lalagay ng powder at baka mas pagalitan ako.

Agad kong kinuha ang mga gamit ko na nakapatong sa kama ko, at agad na pumunta sa garahe, opo tama po, may sasakyan po akong papasok sa school may student license narin ako tutal dalawang subdivision lang naman ang lalampasan mula dito samin hanggang sa school, sana lang talaga ay di traffic sa highway dahil pag nagkataon, baka di na ako papasukin sa first class ko.

Pagsakay ko sa kotse ko ay agad ko itong pina andar para makarating nako sa school.

Nakalabas nako sa subdivision at highway na, ohmygosh salamat at hindi traffic ngayon, thank you papa G.

Mabilis akong nakarating sa school namin dahil hindi naman traffic. It's already 7:43 am, patay ako neto.

"Sana wala pang teacher pag dating ko sa room" Ilang ulit kong bulong sa aking sarili habang nag lalakad papunta sa classroom namin, naku sana nga wala pa yung teacher namin.

Laking pasasalamat ko naman ng makita ko yung mga students sa labas ng room dala dala ang mga gamit nila. Pag dating ko sa mga nag kukumpulang students, agad kong tinanong kung bakit nasa labas pa sila.

"Ba't dipa kayo pumasok?"

"Wala pa yung mga teachers, may meeting yata eh sila lang naman may hawak ng susi sa bawat classrooms dito kaya di pa kami makapasok." Sagot ni Ash sakin, classmate ko nung JH.

'Hays salamat naman wala pang mga teachers hooo, di ako mapapagalitan.'

Agad kong hinanap si Meisha nung naayos kona sarili ko. And as expected nakita ko sya kasama yung mga cute na bakla ng school namin, in short mga crush nya. Ewan ko ba sa babaitang 'to, sinabi na ngang bakla yung mga nagiging crush nya go parin, parang walang makakapigil sa kanya.

"Hoy Meisha halika nga dito, kanina pa kita hinahanap kasama mo lang pala yang baklang yan." Pag tawag ko sa kanya habang papalapit ako sa pwesto nila.

"Antagal mo kasi eh, kung sana mas inagahan mo pag gising mo at pag dating mo dito edi tayong dalawa sana nag dadaldalan ngayon." Mataray nyang sagot sakin, eto akala mo talaga kaya nya akong di pansinin mag hapon.

"Halika nga dito, wag kana mag tampo, alam mo namang tulog mantika ako diba?" Sabi ko habang nakatingin ako ng masama sa kanya.

"Oo na, basta bukas agahan mo." Sagot nya sakin sabay irap.

"Ahm sige Meisha, Kai mauna na ako, puntahan ko narin yung mga kaibigan ko." Bago ko makalimutan kasama pala ni Meisha si Hundryx, yung baklang crush na crush nya simula JH haynaku.

"Ayy sige, bye Baby Hundyx." Malambing na sabi ni Mei, haynaku babaeng to talaga. Habang ako ay irap lang ang naging tugon kay Hundryx.

"Anjan na mga teachers, tignan nyo narin kung anong room kayo mapupunta." Sigaw ng pabida naming classmate nung JH.

"Mei, anong strand ka?" Tanong ko kay Meisha.

"STEM ako, ikaw ba?"

"Ohmygosh sis, STEM din ako, classmates tayo panigurado." Sagot nya, para naman akong nabunutan ng tinik nung nalaman kong magiging classmate ko sya, atleast di nako ma-oop.

"Tara na sa room hahaha." Pag yaya ko sa kanya para pumasok na sa room namin.

Inlove With A Fictional Character (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon