Chapter 2

84 6 2
                                    

Sydney's POV



Nandito ako ngayon sa Starbucks at inaantay si Francia.




Namo-mroblema talaga kami ngayon sa pera, tanging pag benta lang ng sigarilyo at candy sa kalsada ang aming negosyo.



Hindi rin nag tagal ay nakita ko na si Francia ng bumaba sa kaniyang sasakyan. Tumayo ako mula sa kina uupuan ko para makita niya ako agad.



"Sydney!" sigaw niya dahilan para pag tinginan siya ng mga tao. Nag yakapan muna kami bago umupo.



"Ano, may nahanap ka bang trabaho para saakin?" yun agad ang lumabas sa bibig ko.



"Oo meron," sagot niya kaya naman napangiti ako. "Actually matagal ng naghahanap si uncle ng gagawa nito."



"Uncle?" tanong ko.



"Oo, si tito. Yung sinasabi kong sobrang yaman?"



"Ahh... eh anong gagawin ko?" kinakabahang tanong ko.



"Uhm... babysitting?" nag aalangang tanong nya.



"Babysitting? Yun lang naman pala ehh, kayang kaya ko yan." mayabang na sagot ko.



"Okay! Kaya mo naman pala," sabi niya habang may kinukuha sa bag. "This are the papers that you need." may binigay siyang folder sa akin. "Since my other cousin is an agency, nag pagawa na ako ng ID mo. Ipapasa mo yan pag mag aaply ka na."



"Sige."



"Sydney, i need to go na kasi. Nandito kasi sila mommy at daddy."



"Ganon ba?" magiliw na sabi ko. "Ikumusta mo ko ah."



"Sure!" masayang sabi niya. "Bye."



"Bye."



Matapos naming mag paalam sa isa't isa ay pumunta na agad ako sa hospital. Malapit lang naman ito sa hospital kaya nilakad ko nalang.


Bago ako magpatuloy ay may nadaanan ako prutasan sa gilid ng hospital. Kaya naman napag desisyunan kong bumili ng prutas. Mukang bagong pitas  ang mga prutas dahil makukulay ang mga ito. Ang naka agay talaga ng pansin ko ay yung grapes. Paborito namin ni Jairi ang grapes dahil lagi kaming inuuwian ni nanay ng ganito noong mga bata palang kami.



"Ate," tawag ko sa nagtitinda. "Magkano po yung grapes?"



"70 pesos po madam." sabi ng tindera.



Kinuha ko ang wallet kong nasa bulsa ng pantalon ko at tinignan ang laman non.



Singkwenta...



"Wala na po bang bawas nay?" nay ang tawag ko dahil sa puti nitong mga buhok at kulubot na balat.



"Magkano ba pera mo diyan hija?" tanong ng tindera.



"Singkwenta lang po eh..." 



"Oh siya, singkwenta nalang para sayo." nakangiting sagot ng tindera.



"Talaga po? Salamat po!" masayang sabi ko.



Nang matanggap ko ang nabili kong ubas ay nag desisyon na akong pumasok sa hospital. Ngunit hindi pa nakakapasok ng buo ang katawan ko ay...



Babysitting The Billionaire's Hot Son's (Molunuave Series #1)Where stories live. Discover now