Horoscope O Tadhana (One-Shot) - Part 1

Start from the beginning
                                    

"Huy, order daw natin." Ani Khit sabay sipa sa aking paanan na nakatago sa ilalim ng mesa.

"Kape. Ah, dalawang kape." Nauutal kong sabi.

"Hot coffee po ba?" nakangiti nitong tanong.

"Oo, hot, hot, yung mainit." Nauutal ko pa ring sabi.

"Black coffee or with cream?"

"Black, na hot coffee."

"Meron pa po ba?"

"Yun lang, hot coffee lang."

"Sige po, two hot coffee coming up." Nakangiti pa rin niyang sabi sabay talikod at lakad palayo.

Nang makalayo ang waitress ay agad kaming nagkatinginan ni Khit na tila nagkakaintindihan ang aming mga iniisip.

"Ano, di ba sabi ko sa'yo maganda?" Pagyayabang na tanong nito.

Tango sabay ngiti lang ang isinagot ko.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Aileen dala ang aming inorder na kape. Nakangiti itong inilapag sa aming mesa. "Anything else sir?"

Umiling ako sabay thank you. At nakita ko na lang na tumalikod si Aileen at lumakad palayo sa amin.

Hindi ko alam kung sadyang mabilis ang oras ngunit ng tingnan ko ang oras sa aking relo ay nakita kong sampung minuto na lang at matatapos na ang aming lunch break. Kinakailangan na naming magmadali. Gusto sana naming balikan kami ni Aileen para kunin ang bayad ngunit hindi namin siya makita, marahil ay pumasok ng kusina. Kinawayan na lang namin kung sino mang waiter ang naroon at saka iniabot ang bayad. Lumabas kaming nililingon-lingon pa rin ang restaurant upang sa huling pagkakataon ay muling makita si Aileen.

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Nasa isipan ko pa rin ang hitsura ni Aileen. Kailangang maging magkaibigan kami. Iyon ang unang pumasok sa aking isipan.

----------

Hindi ko alam, ngunit para akong sira ng ang una kong hanapin upang basahin sa diyaryong parati kong binibili ay horoscope.

Virgo - Magkakaroon ka ng kaalaman ukol sa taong magpapasigla sa buong araw mo. Lucky number 12, lucky color gray.

Tamang-tama, gray ang kulay ng suot kong damit ngayon, malamang maganda ang magiging araw ko ngayon.

"Magandang umaga." Bati ko kay Aileen ng muli kong bisitahin ang Chili's and Cream para mag-lunch. Tamang-tama at kakaunti lang ang tao noong araw na 'yon at isa siya sa mga waitress na wala pang ginagawa.

"Good Morning din Sir." Nakangiti niyang bati sa akin.

Pinagmasdan ko ang kanyang ngiti. Ang kanyang ipin, ang linis. At ang kanyang mga labi, ang pula. Haaay, at agad akong kinilig. "Chris."

"Chris?" Nagtataka niyang sabi sa akin.

"Chris. Chris ang pangalan ko." Pagpapakilala ko sa aking sarili.

"Ah, Chris. Nice meeting you Sir Chris." Ani Aileen sabay ngiti.

Muli akong kinilig matapos niyang sambitin ang aking pangalan.

"Kayo lang yata mag-isa?"

"Ay oo, may ginagawa pa kasi yung kasama ko kaya nauna na ako."

"I see. So what's your order sir?"

"Coffee, this time yung may cream at isang Blueberry cheesecake."

"Anything else?"

"That's it."

"Coffee with cream and blueberry cheesecake, coming up."

Lumakad palayo si Aileen at hindi ko naman inalis ang tingin ko sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako sa ganda ng hubog ng kanyang katawan. Kahit nakatalikod ay masasabi kong maganda siya.

Ilang sandali pa ay bumalik na siya dala ang inorder kong cake at kape.

"Enjoy your food Chris."

"I will." Abot tenga ang ngiti kong sagot.

Papaalis na siya ng hindi ko napigilang muli siyang tawagin. Nnag marinig niya ang kanyang pangalan ay agad siyang humarap at muling lumapit sa akin.

"Yes Chris, anything else?"

"I have a question and I hope you don't mind me asking?" Kinakabahan akong simula. "May boyfriend ka na ba?" Hindi na napigilang lumabas ang tanong na 'yon sa aking bibig.

Tila nagulat si Aileen sa tanong ko na 'yon. Pilit ang ngiting lumabas sa kanyang mukha.

"I'm sorry! You don't have to answer my question if you don't want to." Pag-aalangan ko.

"No, it's okay. Wala, wala akong boyfriend. At kung itatanong mo kung meron na akong asawa, wala, wala akong asawa. I'm single." Nakangiti niyang sagot.

Totoo nga ang horoscope, magiging maganda ang araw ko ngayon.

Nasa ganoon kaming pag-uusap ng biglang may tumawag sa 'king likuran. Nang lingunin ko, nakita ko si Khit nakangiting papalapit sa amin.

"Zhac? Akala ko ba Chris ang pangalan mo?" Naguguluhang tanong ni Aileen.

"Chris talaga ang pangalan ko. Mga kababata ko lang ang tumatawag sa akin ng Zac." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin na waring nagtatanong.

"Kasi kilalang sacristan si Chris sa barangay namin."

"Pari kasi ang tito ko at sagrado katoliko ang pamilya namin kaya ayun kinuha akong sacristan. Mula noon Zac na ang tawag nila sa akin mula sa salitang sacristan.' Nakangiti kong pagpapaliwanag.

Ngumiti lang si Aileen sa eksplanayon kong iyon pero bakas sa mukha niya na naliwanagan siya sa mga sinabi ko.

"Paano alis muna ako. If you need anything tawagin ninyo na lang ako." Paalam ni Aileen.

"Sige." Iyon na lang ang nasabi ko.

Maikli lang ang aming pag-uusap ng araw na 'yon pero para sa akin ay sapat na 'yon para pakiligin ako ng buong araw. Sana maganda ulit ang nakasulat sa horoscope ko bukas, iyon ang naisip ko habang nakahiga ako sa aking kama at hinihintay na dapuan ng antok.

My Romantic Textmate (Message Sent)Where stories live. Discover now