"Magdadalawang buwan na siya rito, yung deposit niyang pera na kay Manang pati yung upa niya noong unang buwan kaso hiningi ko kay Manang binili ko ng material para sa painting ko."

"Uy utang mo saakin yun, bayaran mo yun. O, sige-sige, pupunta na ako sa kabila. Bukas na tayo mag-usap ng maayos dahil nagugutom na ako, kulang pa itong tinapay, kailangan ko ng maayos na pagkain." saad niya at agad na ring pumunta sa sarili niyang unit. Naiwan naman kaming dalawa ni Jelay dito.

"Dave, siya ang may-ari nitong buong apartment, kung naaalala mo siya yung kinokontact natin noong uupa ka na dito kaso ang nakausap natin ay si Manang diba. Mabait naman yun, siguro kaya ganun lang yun makareact dahil nagulat lang talaga siya, kaya wag ka nang magalala dyan. Iiwan na rin kita, sorry sa abala pwede ka nang magpahinga." paliwanag nito at sinundan na si Kean sa kanyang sariling apartment. Dumiretso naman ako sa kwarto para matulog na.

It's been a week simula ng makilala ko ang may-ari ng apartment na ito. Hindi ko naman nakikita o nakakasalubong siya simula noon. Ten in the evening ang simula ng shift ko at seven am naman ang tapos kaya pagdating ko rito ay baka tulog pa siya o baka nasa trabaho na rin niya at ako naman ay madalang namang lumabas ng bahay dahil lagi lang din akong tulog.

Hindi ko pa siya nakakausap at hindi ko pa rin alam kung babae o lalaki siya. Balot na balot ang buo niyang katawan at ni hindi ko nga rin nakita ang mata niya kaya paano ko malalaman. Palaisipan rin saakin ang nangyari sakanya sa dalawang buwan.

When I first moved here I never see her/him o kahit ang anino niya kaya paano nangyari na nasa kabilang bahay lang siya. Magkatabi lang ang apartment unit naming kaya dapat manlang may narinig akong ingay mula sa bahay niya o makita ko manlang siya.

Iba ngayong araw sa nakasanayan ko, wala na kasing grocery ang fridge ko kaya I decided na sa malapit na eatery kumain. Pagkabukas ko nang pinto ay bumungad saakin si Kean, akmang kakatok na siya ngunit parehas kaming nagulat ng makita namin ang isat-isa. Ilang segundong katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Ganung pananamit pa rin ang suot niya. Bonnet,hoodie,pajama, siguro may sakit siya kaya ganun siyang manamit.

"Hi! nagluto kasi ako, baka kamo gusto mo?" mahinang saad niya na nagpabasag sa katahimikan. Agad naman niyang inabot saakin ang isang tupperware na may lamang ulam.

"Ah, sige, salamat, balik ko na lang ito mamaya," saad ko habang tinataas ang tupperware na sinagot lang niya ng tango at agad na ring pumasok sa sariling unit niya.

Bakit naman niya ako dadalhan ng ulam. Magkapit-bahay kami pero hindi naman kami close. Baka mabait lang siya o naramdaman niya na wala na akong pagkain.

Hapon na, mag-gogrocery ako ngayon pero dumaan muna ako sa unit ni Kean para sana isauli yung tupperware pero naka-ilang tawag na ako at paulit-ulit na katok pero walang sumasagot, siguro ay umalis siya. Bukas ko na lang ito isasauli.

Ten pm ang simula ng duty at kadalasan ay mga nine na ako umaalis pero ngayon ay seven pa lang ay nakagayak na ako sa aking all-white uniform para umalis dadaan pa kasi ako Jaimie. Dahil kararating lang niya I decided to pay her a visit at baka may pasalubong din siya saakin.

Mabuti at at hindi na ganun katraffic, ibigsabihin ko ay nakakausad na ang mga sasakyan kasi kadalasan ay isang oras ka nang nakaupo pero hindi manlang umuusad.

"Akala ko hindi ka na dadalaw eh," bati niya saakin ng makarating ako. Busy niyang nililinis ang box ng pizza at ilang plato na ginamit na sa coffee table na nasa sala niya.

"May bisita ka kanina? Sila Yuan ba yan, di mo ko inaya?" tanong ko at pinalungkot ko ang mukha at boses ko. Napatingin naman siya saakin at nag-aalangan ang mukha niya kung sasabihin niya ba kung sino ang bisita niya.

My Girl In Loose ShirtWhere stories live. Discover now