"Do you have a better suggestion Mr. Dizon?" nauutal na tanong ng teacher.

Umepekto ang pansisindak niya dahil ang invidividual project ay naging group na.

The bell rang. Napaunat ako dahil ang next subject talaga ang hinihintay ko.

Let's see how well he'll handle it.

"Kagaya ng sinabi ko sa inyo kahapon, ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa ating seksuwalidad."

There comes the key word.

"Ah! Tungkol ba sa mga bakla at tomboy Ma'am?" pamimilosopo ng isa kong kaklase.

Sinundan pa ito ng mga biroan at tawanan.

"Alam ninyo, wala namang masama sa pagiging isang bakla o tomboy. Kaya hindi ninyo dapat sila ginagawang biro o katatawanan." pagpapaliwanag ni Ma'am.

Nagpatuloy kami sa klase. Noong una ay sumasabay pa si Uno sa tawanan at kantyawan pero ngayon ay tila natahimik siya.

"Sa usaping seksuwalidad, napakahalaga ng salitang pagtanggap. Bilang isang indibidwal ay kailangang tanggap mo at naiintindihan mo kung sino at ano ka. Kung mayroon na tayong tinatawag na self-acceptance ay doon na pumapasok ang pagtanggap ng pamilya at ng lipunan."

That's my cue. I'm about to start the show.

Nagtaas ako ng kamay.

"Paano Ma'am kung hindi ka tanggap ng 'yong pamilya? Halimbawa. Iyong tatay ko ay bakla. Syempre bilang anak ay ayaw ko ng ganoon. Gusto ko ng normal na tatay. Paano magkakaroon ng pangtanggap sa pamilya?"

"Kadiri naman. Ayoko ng baklang erpats!" hirit ng isa sa harap.

Pasimple na ngayong nagbubulongan ang ilan sa mga kaklase ko. Alam nila kung ano ang pinupunto ko. Nabasa naman nilang lahat 'yong article sa school website.

"Hindi naman masama 'yon. Marami ng mga bakla ngayon ang nag-aasawa at nagiging haligi ng tahanan. Tanggap na ito ng ating lipunan." muling pagpapaliwanag ni Ma'am.

"Parang 'yong dad ni Uno Ma'am noh? Vice Mayor siya kaya tanggap siya ng lipunan. Pero tanggap kaya siya ng pamilya niya? Lalo na ng anak niya?"

That's me trying to get into his nerves

"Takte Uno! Shukla tatay mo?"

Finally, someone made the job easier for me.

"Gago!"

Nasa likod sila pero dinig na dinig ko ang malakas na pagkakasapak sa mukha ng kaklase namin.

Nagkakagulo na. Lumapit na sina Bullet at Blaze para awatin siya.

"Bitawan nyo ako. Babasagin ko ang mukha ng gagong 'to."

Matindi rin palang magalit ang isang 'to. Pero mabuti nga sa kanya. Iyan ang napapala ng mga taong umaagrabyado sa akin.

Lumabas na ang teacher namin para tumawag ng security. May mga ibang estudyante na rin na nakiki-usyoso.

Ang sarap ng ganito. I'm enjoying the show. Sana may popcorn para mas masaya.

Ayaw talagang tumigil at magpaawat ni Uno. Para siyang tigre na lalapain lahat ng lalapit sa kanya.

"Hindi bakla si dad! Bawiin mo sinabi mo!"

Hinila niya ang silyang nasa tabi niya. Ihahampas na sana niya ito nang tumayo si Damon.

"Uno! Stop it!

Natigilan siya. Agad namang pumunta sa tabi niya sina Ice at Scott.

"Everyone. Stop this drama."

Dead silence. Wala nang kumikibo o nagsasalita sa kanila.

Damon is indeed the authority. Now I understand why he's the king of hell section.

Dumating na ang mga security personnel pero bago pa nila mailabas si Uno ay tumakbo na ito.

What an entertaining show. Hindi ko mapigilang mapangiti. Kung pwede lang sana ay gusto kung pumalakpak o magtatalon sa tuwa.

Napansin ko namang nakatayo si Roni sa harap ko.

"Ikaw ba ang may gawa 'non?" tanong niya.

Ngayon lang niya ulit ako kinausap. His gaze is so intense. Parang pinipilit niya akong umamin.

Tumayo ako at tinignan ko rin siya sa mga mata. Humakbang ako nang dalawang beses at ngayon ay isang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa.

"Answer me." he demanded.

I know what to answer him. Hindi ako takot mabisto. Mabuti nga't alam na nila kung paano ako rumesbak.

"What do you think?" sagot ko.

I saw his disappointed face, but I shrugged it off. No one can burst my bubble at this moment.

I sat down, brought out my phone and texted Jacob.

"No one should mess with a Dela Rosa."

#

Hell Section 2.0Where stories live. Discover now