7. Hell Section

9 1 0
                                    

RHYGEL

Lahat kami ay nasa harap na ng main building. The other sections are still having their classes kaya naman agaw-eksena ang paglabas namin kanina sa classroom.

I'm amazed on how the teachers and other students just simply ignored us. Wala man lang umawat o sumita sa amin. Nabulabog ang mga klase kanina dahil sobrang ingay nila. Mayroon pang kamuntikang magsuntokan.

Nakasalubong ko rin si Sir Henz na adviser daw namin pero kagaya ng iba ay hindi niya kami pinansin o pinaki-alaman.

If this same thing happened in my old school, lahat ay siguradong sa disciplinary office ang bagsak.

"Attention everyone!"

Anim na mga lalaki ang nakatayo sa harapan namin ngayon. Since this is my first day, hindi pamilyar sa akin ang iba.

The guy chewing a gum is Uno. Siya iyong muntikan ko nang maka-initan kanina. Sa tabi naman niya ay iyong lalaking nambugbog ng estudyante. If I remember it right, I think his name is Bullet. The guy who just spoke might be Blaze.

Everyone is waiting for the so called announcement. Maging ako ay nahawa na sa kanila.

"I'm sure you already heard about the party this coming weekend." pagpapatuloy niya.

So this announcement has something to do with the devil's circle. Tungkol ito sa narinig kong usapan ng mga kaklase ko kanina.

"Is it true that the devil's circle has a new member?" someone from the group threw the question.

"Yes. We will be introducing to you our seventh member."

Tila napakaraming bubuyog sa paligid. There is a buzz of anticipation.

Kanina pa talaga ako curious sa devil's circle na 'yan. Is it a club or an organization? Ano bang mayroon sa kanila?

"Unfortunately, not everyone is coming. You know how things work, right?"

Bakit nila kami pinatawag kung hindi naman pala open ang party para sa lahat? I don't get it.

Magsasalita na sana ako pero naunahan ako nitong katabi ko.

"How can we join the party? What do we need to do?" he asked.

Mukhang itong si Blaze ang spokeperson ng grupo dahil siya na naman ang sasagot.

"Nothing. The party is private. Papadalhan na lang ng invitation ang mga mapipili namin. Check your lockers tomorrow before class."

Pagkatapos nitong sabihin ni Blaze ay nagsibalikan na sila sa classroom.

Hindi lahat ay makakadalo. Pakiramdam ko naman ay may invitation ako bukas kahit na bagong dating lang ako.

I'm a Dela Rosa, so I must be there.

For the meantime, I must do some digging. Kailangan kong malaman kung ano ang devil's circle at kung sino ang mga members nito.

When it comes to things like this, isang tao lang lagi ang nasa isip ko.

I'll give the bastard a call later.

***

Sa wakas ay dismissal na. Kanina pa ako uwing-uwi.

Nakaka-tamad at nakaka-antok talaga ang afternoon classes. Pero dahil sa mga nangyari kanina ay nawala 'yong pagkabagot ko. I was very entertained. The guys deserve a standing ovation.

Hindi na bago sa akin ang mga pasaway sa klase lalo pa't isa rin ako sa mga ito pero ibang klase din talaga ang mga estudyante ng section 10-D. Ibang level ang pagka-pasaway at pagka-tarantado nila.

First subject sa hapon ay Mathematics. Mga sampung minuto bago ang klase ay napansin kong may inilagay sa may teacher's chair 'yong isa kong kaklase.

Pagdating ng teacher ay kaagad itong nagsulat ng mga mathematical equations na kailangan naming i-solve.

Pagkatapos niyang magdiscuss ng kaunti at magbigay ng ilang instructions ay umupo na ito.

I know that something will happen dahil nga nakita kong may inilagay na kung ano 'yong kaklase ko kanina. I'm just waiting for it.

At nangyari na nga. Napatayo kaagad ang teacher at napaaray sa sakit. Tumalikod siya at nakita namin 'yong mga thumbtacks na bumaon sa puwet niya.

Humagalpak sa tawa ang mga boys. The teacher was embarrassed. Tahimik na lang itong lumabas ng classroom. Hindi man lang niya nagawang pagalitan kami.

English naman ang sumunod na klase. Nalaman ko na may group presentation pala.

Our English teacher is a young lady. Tingin ko ay nasa mid-twenties lang ito. She seems confident. Unlike the other teachers, mukhang kayang-kaya niyang i-handle ang klase.

"Alright. Let's now have the group presentations. Group 1, come in front please." ngiting-ngiti pa siya.

The presentations will be re-enactments of social issues reflected in the story they had discussed last time.

Himala. Ang mga tinawag na members ay tumayo at nagpunta sa harapan. Kasali sa group 1 si Uno.

Ang eksena nila ay tungkol sa illegal drugs. Natahimik ang klase dahil lahat kami ay naka-abang.

Uno, obviously, is the star of the presentation. Nagsimula na silang magbatohan ng linya. Maayos na sana ang presentation nang bigla siyang maglabas ng sigarilyo.

Sinindihan niya ito, sabay hithit at buga ng usok.

Our teacher interrupted. Halatang hindi niya gusto ang ginagawa ni Uno.

"Class, smoking is prohibited in our school premises. Mr. Dizon, please throw that cigarette."

Nabadtrip na nga itong si Uno at sinigawan niya ang teacher.

"What's wrong with you?! We were doing fine! Bakit kailangan mong umeksena, ha? Badtrip! Bakit mo pinapatapon sa akin ito? This is our props."

Nagtalo na nga ang teacher at si Uno. She tried to explain that they could have used a fake cigarette.

Sa sobrang inis ni Uno ay tinapon niya ang may sindi pang sigarilyo sa mismong mukha ng teacher.

Gulat na gulat ito. Hindi na maipinta ang kanyang mukha. She became so hysterical.

She walked out of class saying, "I will never come back to this hell section again! Never again!"

Pagka-alis niya ay isa-isa nilang pinuri si Uno. Para bang mayroon siyang maganda o nakakatuwang ginawa kanina.

Napa-ngiti na lang ako. Hindi lang pala ako ang gago sa mundo.

Nagyabang pa lalo si Uno. Maybe he's proud that he has done such thing to a teacher.

"Wala kang kupas Uno." Bullet said to him.

Ngumisi naman ito sabay sabing, "I'm just continuing the legacy of this section. Section 10-D is and will always be the Hell Section."

#

Hell Section 2.0Where stories live. Discover now