Anak ng tokwa. Pinagsasabi ko?

"Kia?" May tumawag sakin. At siya pa. Nakatitig sakin si Leo at naramdaman ko na para bang nawawala na ko sa sarili. "Okay ka lang? Nilalagnat ka na ba?"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at sinalubong ang nagaabang na mata ng girlfriend niya. They were kind and beautiful. Ang ganda ng pilikmata. Ang perfect pa ng eyebrows. Tangina? Ito pala trip niya? Bakit ako napagtripan nito dati? Ano ako? Experiment?

Biglang may humawak sa kamay ko. It was her, not him.

Fuck! Stop thinking about him! May girlfriend na oh!

"Are you okay?" tanong niya.

Binawi ko na ang kamay ko. "Oo. Pero di pa pala ako uuwi. May nakalimutan akong gawin," sabi ko at naglakad na palayo para di na sila makasagot.

Hindi ko maintindihan pero ang sakit parin. Hindi ko naman siya minahal at hindi naman naging kami in any way. Hindi naman ganito dati. Dahil ba nagkita kami ulit ngayon after a long time?

Nababasa ako ng ulan. Pinasok ko yung messenger bag ko sa loob mg hoodie ko. Baka mabasa pa yung iPad ko.

Pero pucha, ang sakit parin. Hayop na yan. Di ko siya minahal! Naging crush ko lang! Bakit ganito?

Nakakainis naman!

Tumawid ako at muntik ng masagasaan. Bakit andito pa sila?

"Kia, tanga! Anong ginagawa mo?" sigaw ni Marge pagkalabas ng sasakyan. Lumabas din sila Leo at yung... mabait na babae na yun.

"Huh?" lang ang lumabas sa bunganga ko.

"Should we bring her to the hospital?" bulong nung babae kay Leo. Siya parin yung may hawak ng payong. At bagay sa kanya. Madali humawak ng payong for the both of them. Matangkad siya eh. Sila parehas. Teka, matangkad din pala ako. Sabog.

Ang awkward at ang gulo na ng sitwasyon at ako pa ang may pakana. So sinubukan kong ayusin.

Tumawa ako ng malakas. "Nababaliw na ata ako! Sige pahatid na sa bahay!" sabi ko at tumakbo na papuntang sasakyan. Pero nadulas ako at naramdaman ang namumuong pasa sa pwet ko.

"Anak ng tokwa," bulong ni Marge na nafufrustrate na. "Ang gaga mo sobra." Lumapit na siya pero naunahan siya ni Leo kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin.

"Jusko, Kia. Ano ba nangyayari sayo?" tanong ni Leo nang lumuhod siya parang tulungan ako. Ang lalim ng boses niya, Lord.

At sinapian ako ng demonyo kasi hindi ko naman to hiniling kay Lord. Sinapian ako kasi hinding hindi ko inexpect na sasabihin ko sa kanya yung hindi ko naman nararamdaman.

Hinawakan ko ang collar ng polo shirt niya. "Mahal parin kita."

Walang umimik sa sasakyan paalis.

"Tangina ka, ang awkward mo, hayop!" pangiinsulto ni Marge sakin nung nag-FaceTime kami pagkagabi. "Kung ano-ano pa pinagsasabi mo! Nakakahiya ka! Shet!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Fuck you, bitch. Alam mo naman epekto ng kuya mo sakin. Judgmental ka."

Kwinento ko kay Marge yung kashungahan na sinabi ko kay Leo na... hindi niya binigyan ng kahit ano mang reaksyon.

Well, reaksyon na gusto ko pero... di ko rin gusto. Ang gulo! Kasi! Hindi naman totoo yun! Pucha!

"Tinawanan ka lang, tangina!" Tumatawa si Marge at di na makahinga. "Bobo! Rejected ka ulit!"

"Tangina mo, hihimatayin ka jan. Magisa ka pa naman," sabi ko at napipikon na. "See your name in the cemetery, bitch." Binaba ko ang tawag at natulog na.

Lumipas ang linggo at sa awa ng Diyos, di na ulit nagpasundo si Marge sa kuya niya. Di ko na rin nakita si Selena, yung girlfriend niya na nagpakilala nalang samin nang hindi na makayanan yung tensyon sa sasakyan nung araw na yon.

"I'm Selena. Nililigawan ako ni Sean. We met at a bar." Yan sabi niya at kinilig-kilig pa ang gaga. Puta, sino ba nagtanong? Share mo lang? And who the fuck uses his second name?

"Wag ka ngang hater, puta ka." Sinabunutan ako ni Marge since nagrarant ako sa kanya. "Ano bang paki mo?"

I sighed. Joke lang. Wala naman talaga.

Kumakain kami ngayon sa tabi-tabi since Friday at walang pabigat bukas. Puta, ayaw naman namin magaral eh. Bakit ba kami andito?

Tinitingnan ko nalang ng masama yung pader sa tawid ng kalsada habang inuubos yung fishball ko. I hate feelings. Ang gulo nila.

"Tara, Conti's tayo. Libre kita." Tumayo na si Marge at pumara ng jeep. Sumakay siya agad nang di man lang ako hinintay. Sumigaw pa ko para huminto ulit yung jeep.

"Ang epal mo kahit kailan," sabi ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako.

Kumain kami ulit at nagpikunan. Muntik ko na siya mabato ng kutsara.

Tumatawa lang siya nang makalabas kami ng restaurant. "Pikon ka talaga," halakhak niya. Nang makakalma, tinanong ang gagawin namin para sa weekend. "O ano na gagawin natin bukas? Ano schedule?"

Aspiring filmmakers kami. Pero according sa parents namin, walang pera dun. Kaya nagaaral kami ng... ay nakalimutan ko course namin. Di namin gusto eh. Char, ungrateful yun. Parehas kaming mass comm para kahit papano, sa kung ano mang dahilan, akma parin sa interes naming dalawa. At tuwing weekends, pumupunta punta kami kung saan-saan para kumuha ng practice shots at gumawa ng kung ano man. Di naman kasi to natural skill samim. Di rin kami nagsimula ng maaga. Kapa-kapa parin kami hanggang ngayon.

"Ikot-ikot lang. Yayain mo sila Jas. Car ko nalang gagamitin," sabi ko at nagsindi ng yosi.

"Puta ang baho mo," reklamo ni Marge at lumayo sakin. Ako naman ang tumawa sa kanya ngayon.

Umuwi muna kami sa bahay nila. Wala naman parents ni Marge kaya di kami dumiretso sa condo niya o condo ko. Kami lang at helpers nila ang nasa bahay nila ngayon.

Supposedly. Kaso syempre, para miserable ako, dapat andito rin sila Leo at ayun. Yung girl. Yung "nililigawan" niya.

Pucha, girlfriend ka na. Tatanggihan mo pa ba yan? Ay wait. I did. Kasi tanga.

"Bakit ka andito?" supladang tanong ni Marge at binagsak ang bag sa sahig ng bahay nila. Naka-pangbahay si Leo kaya di ko maaasahan na aalis sila.

"This is my house too," sagot niya at umakyat na ng hagdanan. Sumunod na rin si Selena. "And wag ka magkalat."

"Ikaw yung kalat," balik ni Marge at umirap. Pinulot niya yung bag niya at dumiretso sa kusina. Sumunod ako.

"Nice to see you're doing well, Kia!" sabi ni Selena na ikinagulat ko. Tumigil ako para kawayan siya. What the hell? Ano sasabihin ko?

"Huh? Haha! You too!" sabi ko. At yung "haha" literal na "haha" talaga.

Nakatitig sakin si Marge sa likod kitchen island nila nung pumasok ako ng kusina nila. Yung titig niya para bang pinapanood niya yung tumutubong puno sa noo ko.

"Ang ganda ko, alam ko," sinabi ko nalang kasi tumititig lang siya.

Umiling nalang siya in exasperation. "What an awkward little fuck."

Puta, I know.

Pangarap At Ikaw Where stories live. Discover now