"So what will be the plan? Save us a seat! Kayo naman ang mga estudyante roon kaya dapat lang na kayo gumawa ng paraan para sa amin."

Reese shook her head.

"Nah-uh. Basta huwag kayong ma-late kung gusto niyo silang makita. Aba, marami-raming mga estudyante rin ang pupunta."

Napasimangot silang dalawa. They have no choice but to come early. Paunahan lang din naman iyon kaya sigurado akong mapupuno kaagad ang field. Masyadong malawak iyon at alam kong mauukupa kaagad.

Napatingin sila sa akin na na tahimik lang habang kumakain ng pasta. They eyed me curiosly before turning their eyes into a slit.

Saglit kong pinunasan ang gilid ng labi bago nagsalita.

"I don't think I can come on that night." They all gasped. Natawa ako sa sabay-sabay nilang reaksyon. Reese immediately protested.

"Hoy! Bakit ayaw mo naman? Dati ikaw naman ang nang-aaya sa amin para makita si Isaac?"

"Yes. And months before the concert, sobrang ready na lahat ng dadalhin mo. What happened now?Y ou look not excited at all, Tan."

"Ayaw mo bang makita si Isaac? Or is it because of Enzo?"

Pinilit ko ang sariling hindi maapektuhan sa sinabi nila. Umiling ako. I tucked some strands of my hair and then rested my chin on my hand.

"No. It's just that I don't really feel watching them at school. Mas gusto kong sa concert nila mismo," I reasoned out. That was a full lie.

And yes, they're right. Dati kasi ako iyong laging nangungulit sa kanila para sa concert. I've been telling them many times to prepare everything so that we can go to the concert grounds without leaving some things behind us.

Sadyang nawawalan lang ako ng gana ngayon. Part of it was because of Enzo. The rest... I don't know. Wala akong masagap na dahilan para sa kalahati niyon.

"It's still the same. They still have their talents. Iyong lugar lang naman ang nag-iba so why bother, Tan?Ngayon ka lang naging ganito, ah?"

"And we already know what happened between you and Enzo. And guess what? I understand you. Kaibigan kita kaya alam kong hindi mo rin naman kasalanang hindi malaman na may nararamdaman siya para sa'yo," Summer added.

"We ship you two pero siguro hindi naman talaga kayo ang para sa isa't isa. Chill. Don't mind him anymore, okay?"

"Isa pa, huwag mong masyadong bigyan lahat ng nararamdaman mo iyong si Enzo. Stop thinking about him."

"I am not thinking about him—"

"Oops, you can't lie to us, Tania."

I don't know how they managed to tell me those. They understood me. At hindi ko alam kung paano na lang kung hindi ko sila kasama ngayon.

It's not that I'm being broken because of Enzo. Sadyang masyado lang akong naapektuhan sa sarili kong kagustuhan.

"Okay, fine. I'll go to the concert. Just like before, I'll create a banner for Isaac."

And they cheered. Napangiti ako dahil doon. They're very supportive to me. Aside from my parents who always pushes me to anything I want, they are here.

Sa huli ay nakisabay ako sa naging plano nila. I happily joined them for real now.

"Guys, since my birthday is fast approaching now, what do you think is the best theme for it?" Emerald asked. Natapos na iyong kinain ko at iniba ang topic pagkatapos noong pag-uusap.

Something Great (Valdemora Series #3)Where stories live. Discover now