Kabanata 02

562 32 14
                                    

Kabanata 02

May ann penishale pov.

Huminga muna siya ng malalim bago siya pumasok sa mansion ni xander.

"Buti naman dumating ka na may ann.."salubong sa kanya ni helen na isa sa katulong ni xander.

"Bakit may problema ba??"tanong niya.

"Hindi pa kasi kumakain si sir xander. Natatakot naman kami na magdala ng pagkain sa kanya."sabi nito.

Nagbuntong hininga siya at tinignan ang oras 12pm na pala..

"Sige ako na ang magdadala sa kanya. Magbibihis lang ako."sabi niya kaya ngumiti ito at tumango.

"Haayyy salamat naman may ann. Ikaw lang kasi ang nagtatagal sa ugali ni sir xander."sabi nito.

Ngumiti nalang siya ng alanganin.

"Gusto ko lang siyang tulungan helen. Saka kailangan niya ng tulong natin. Alam mo naman ang sitwasyon niya ngayon diba."sabi niya dito.

"Pero iba ang care mo sa kanya may ann. Iisipin ko nga na baka may nakaraan kayo dahil sobra-sobra kang nag aalala sa kanya.."sabi ni helen kaya natigilan siya.

Ngumiti siya ng alanganin dito.

"Ikaw talaga kong ano ano pinagsasabi mo. Ohh siya magbibihis lang ako.."sabi niya dito saka naglakad siya papunta sa guest room katabi lang sa kwarto ni xander.

Pagpasok niya sa loob ng kwarto ay nagbihis na siya agad bago siya pumunta sa kusina para ipaghanda ng pagkain si xander.

"Ohh may ann ipaghahanda mo ba ng pagkain si sir xander."sabi naman ni flex na private chef ni xander.

Nagulat naman siya dito dahil hindi naman ito stay in sa bahay ni xander. Hindi rin ito araw araw nagluluto dito sa mansion dahil tinatawag lang ito ni xander kong kinakailangan para sa guest nito o gusto nito kumain ng luto ni flex. Member din si flex ng fw..

"May inuluto akong beef steak and mushroom soap mga favorite ni xander ang mga yun baka gusto mong yun nalang ang ibigay mo sa kanya."sabi nito.

Ngumiti naman siya dito..

"Salamat flex at nandyan ka para kay xander kayo ng fw......"sabi niya dito.

"Kaibigan namin yun kahit may pagkamasungit.."nakangiting sabi nito at ito na ang nagprepare ng pagkain ni xander.

"Hanga nga ako sa inyo.. Kahit gumagawa kayo ng katarantaduhan sa isat isa nandyan parin kayo kong nangangailangan ang isat isa sa inyo."sabi niya dito.

"Ganyan talaga kong alam mong totoong kaibigan sila. Hindi ka magdadalawang isip na tumulong kong kinakailangan."sabi nito sa kanya saka binigay ang tray na may lamang pagkain. "Sige na ibigay mo na sa kanya yan. Hindi siya kumain ng breakfast kaya alam kong gutom na gutom na yun."sabi nito.

Tumango naman siya dito bago siya umalis at naglakad sa hagdan patungo sa kwarto ni xander.

Huminga muna siya bago  binuksan ang kwarto ni xander..

"Kumain kana.."sabi niya dito ng maramdaman niyang gising ito kahit nakapikit.

"You can take the tray back,hindi ako nagugutom."seryosong sabi nito sa kanya kahit nakapikit ito.

Hindi niya alam kong bakit ito na aksidente. Sabi naman ni sir thorn may ginawa itong mission pero anong mission iyun.

Nasasaktan siya sa nakikita niya....

"Xander please wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Kumain kana.."seryosong sabi naman niya.

"I told you i dont want you hare! Hindi kita kailangan kaya bumalik kana kay thorn."malamig na sabi nito..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FUCKING WOMEN 09: ALEXANDER URIEL ADAMSONWhere stories live. Discover now