Kabanata 01

2.7K 57 18
                                    

Kabanata 01

May ann Penishale pov.

"Yon lang ba ang kaya mo P?"tanong sa kanya ni L na parang minamaliit siya..

Alam niyang hinihintay lang siya ni P na umatake para maisahan siya..

Ngumisi siya dito.

"Hindi mo ako kaya L. Kahit ilang beses mo akong labanan hindi ka parin mananalo sa akin."nakangising sabi niya at kita niya ang pagkainis sa mukha nito at doon na niya kinuha ang pagkakataong hinugot niya ang knife na nasa legs niya saka binato iyun dito pero inalagan lang nito ang binato niya. Saka masamang tinignan siya. Kanina pa sila naglalabang dalawa at basag na rin ang salamin doon..

"Too bad, I win this time.."sabi nito at sinugod siya ng suntok pero inilagan niya iyun at hindi niya nailagan ang sipa nito sa kanyang balakang..

"Fuck.."napamura nalang siya at kita niya ang pagngisi nito at tatadayakan ulit sana siya ng mabilis na hinawakan niya ang paa nito at pinilipit iyun kaya ito natumba sa sahig. Mas diniinan niya ang pagpilipit ang paa nito at kita niya sa mukha nito ang sakit..

"Fuck.. Shit.."mura na sabi nito at kita niyang gumalaw ang isang kamay nito kaya mabilis na inapakan niya iyun na lalong nasaktan ito.

"Better next time L.. Practice ka muna bago mo ulit ako kalabanin."nakangising sabi niya bago niya narinig ang tunong ng bell na nasasabing tapos na ang laban..

Binitawan naman niya ang paa nito at tinanggal ang pagka apak niya sa kamay nito bago siya tumayo.

"Good job P. Kahit ilang buwan kang wala dito sa training room pero mahusay ka parin."nakangiting sabi ng captain nila na si X.

Mga code name ang gamit nilang lahat at walang nakakaalam kong ano ba ang mga totoong pangalan at pagkatao nila. Si captain na si X at ang head ng Fix na hindi pa nila kilala ang nakakaalam lang kong sino ba sila. Dahil ang patakaran dito sa sa FIX AGENCY na kung saan siya nag tratrabaho bilang undercover agent ay work is work.. Die is die.. Walang personalan.. Saka lahat sila ay puro babae.

"Wala ka paring kupas P."sabi rin ni K na kakarating lang. Alam niyang may mission itong ginawa dahil sa ayos nitong pang college student..

"You here K. Any updated."sabi ni X kay K.

"Nothing. Hambog parin ang binabantayan ko.."sabi nito kaya nagtawanan naman ang ibang agents sa sinabi ni K.

Napatingin siya kay L na nasa sahig parin kaya inilahad niya ang kamay niya dito at kita niyang napatingin ito sa kanya pero kinuha din nito saka niya ito hinila para makatayo ito. Siguradong masakit pa ang ginawa niya dito..

"Thanks.. Pero next time matatalo na kita."nakangiting sabi nito. Ngumisi din siya dito. Walang personalan ang ginagawa nilang training dahil lahat sila dito magkakaibigan.

"P Follow me.."sabi ni X sa kanya bago ito naglakad paalis.

"Ohhh may mission ka atang bago P."sabi ni L sa kanya.

Ngumisi nalang siya bago niya sinundan ang captain nila na si X.

Pagpasok niya sa loob ng office nito nakita niyang nakaupo na ito sa upuan nito.

"Anong balita sa pinapagawa ko."sabi nito sa kanya.

Lumapit naman siya saka umupo sa tapat nito.

"Maayos na ang lahat at walang masyadong kalaban ang fucking womens."sabi niya. Pinapabantayan kasi nito ang buong fucking womens sa kanya kaya nagtratrabaho siya kay thorn bilang secretary nito.

"Good.."sabi naman nito.

"Yun lang ba at pinapunta mo pa ako dito.?"takang tanong niya.

Ngumisi naman ito..

"No.. Sasabihin ko sa iyo na pwede ka nang umalis bilang secretary ni thorn. Saka pwede mo nang bantayan 24 hours ang iyong ex.."sabi ni X na nakangisi sa kanya..

Alam din kasi nito na nakiusap siya kay thorn na mag leave para bantayan si xander. Naaksidente kasi ito sa ginawa daw nitong mission na hindi niya alam kong ano yun dahil ayaw naman sabihin ni thorn sa kanya.

Nagbuntong hininga siya at masamang tinignan niya ito.

"Hindi ako mag reresign. Mag leleave lang ako."sabi niya.

"Okay ikaw ang bahala. Pero kapag may bago kang mission kailangan mo nang mag resign kay thorn dahil hindi mo magagawa ng maayos ang trabaho mo kong nagtratrabaho ka pa s kanya.."sabi nito.

Tumango naman siya dito..

"I know.. Salamat."sabi niya bago siya tumayo.

"By the way P. Good luck sa paglalambot ng puso ng ex mo. Alam mo naman na iniwan mo siya sa ere noon."seryosong sabi nito sa kanya.

Napakuyom ang kamao niya.

"Alam mong hindi ko gusto ang ginawa ko X."Seryosong sabi niya. Isang mission kasi ang ginawa niya kaya iniwan niya si xander na walang pasabi dito at si x ang gumawa ng isang kwento na alam ng lahat na kaya niya iniwan si xander dahil sumama siya sa ibang lalaki na hindi naman iyun totoo. Hindi kasi pwedeng sabihin ang trabaho nila dahil isa iyun sa patakaran kapag nilabag mo mapaparusahan ka.

"I know. Pero paano kong may mission ka nanaman at kailangan mo ulit iwan si xander. Iiwan mo ulit ba siya??"seryosong sabi nito na napatigil siya sa sinabi nito..

Hindi niya mapigilan na mapakuyom ang kamao..

"Siguro.."sabi niya ulit bago siya tumalikod.

"Kong yan ang sagot mo. Mas makakabuti sigurong wag kang masyadong lumapit kay xander. Dahil masakit ang masaktan."sabi nito kaya napatingin siya dito.

Iniwan din nito ang asawa nito para sa trabahong sinumpaan nila. Pero ang alam niya binabantayan din nito ang ex husband nito.

"Alam ko..."sabi nalang niya bago siya naglakad paalis at nasalubong niya si L na nakahawak sa kamay nito.

"Ipatingin mo kay Y yan." Sabi niya ng huminto siya at huminto rin ito.

"Mamaya nalang.."sabi nito saka tinignan siya.

"What??"taas kilay na sabi niya.

"If you love him. Fight him.."sabi nito na lalo siyang kumunot noo.

"Anong ibig mong sabihin??"seryosong sabi niya.

Ngumisi naman ito.

"Nabasa ko lang sa isang libro.. Ganda ng minsahe no. Maiwan na kita at kakausapin ko lang si X."sabi ni L bago ito pumasok sa loob ng office ni X.

Hindi maalis ang isip niya sa sinabi nito sa kanya kaya napailing nalang siya..

------))))))

Yaaahhhh...

Enjoy...

Dont forget to like.

Comment

Share

Follow me.

laifox14 this is your story.. Enjoy.. Muah muah..

FUCKING WOMEN 09: ALEXANDER URIEL ADAMSONWhere stories live. Discover now