"Galingan mo bietriz!"

"Su-suportahan ka ng section naten bietriz!"

"GO BIETRIZ! GO BIETRIZ! GO BIETRIZ!"

Natatawa akong umiling sa mga kaklase ko, mga baliw. Pero naa-appreciate ko yung pag cheer nila sa'ken. Buuuut!!! Kinakabahan pa din akoooo! I can do it!! For grades!!!

"Go girl! Cheer ka namen!" Pinisil ni zoey ang pisngi ko.

"Dahil d'yan, baba tayo!!" Tumayo na ako at kinuha yung wallet sa bag. Kahit wala sa mood ay sasama pa din ako, hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood, kahapon pa 'to, siguro ay dadalawin na naman ako.

Nang makababa ay juice and sandwich lang ang in-order namin dahil hindi pa naman lunch. Tatambay lang daw kami at magke-kwentuhan.

"Hoy alam n'yo ba ang chika" Naka ngiwing sabi ni amelia.

"Ano, may lalaitin ka na naman?!" Pambabara sa kanya ni lucy.

"Pag may chika, lait agad? 'di ba pwedeng nalaman ko lang na kayo na pala nung guy sa club mo?" Nanlaki ang mata ko at hinampas si lucy sa braso.

"Akala ko ba getting to know each other level muna ha!" Tumawa naman sya at parang kiliti ang panghahampas namin sa kanya.

"Napaka pokpok mo talaga!" Natatawang sabi sa kanya ni zoey.

"Ano ka ba, ako lang to" She said while flipping her hair.

"Kapag ikaw nga sinaktan niyan, wag kang lalapit sa'min ha!"

"Okay, friend ship over" Umakto pa syang nagpupunahas ng luha.

"Eh bakit naman kasi hindi mo sinabi ha?!"

"Eh kase naman po, I'm about to say it nung birthday ko,eh kaso ang rapunzel natin na si Bietriz, gumawa ng eksena" Naka ngiwing sabi nya.

"Ano?! Edi nung birthday mo kayo na pala?!"

"Uhmmm, yeah hihihi" Napatakip pa sya kuno sa mukha.

"Pokpokka talaga!May patanggi-tanggi ka pa nung inutos na halikan mo"Nagtawanan kaming lahat.

" Enebe,eh keshe.. "Nilagay nya ang buhok sa likod ng tenga habang nagpa-pabebe.Nagtawanan kaming lahat at nahinto lang ng dumating na ang order.

Napagdesisyunan na naming bumalik sa room dahil medyo napatagal na kami.

" Babe!!"Napalingon ako sa kaliwang corridor at naabutan si cy na tumatakbo.Umiwas ako ng a-amba syang yayakapin ako. Hello, nasa school po tayo.

"Hoy baket?!" At tuluyan na nya akong niyakap patalikod.

"May tagos ka,wag ka munang gumalaw." Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko. Fuck! Sabi ko na eh!!! Nakakahiya oh my goood!!! "Kuya may jacket kayo dyan?" Tanong n'ya dun sa nagbabantay.Inabot sa kanya nung lalaking mataba yung jacket. Nagpasalamat sya at pinalibot sa balakang ko.

"Samahan mo s'ya sa cr,kukuha lang kami ng ano, alam mo na hehe" Umalis sila amelia at inalalayan ako ni cy papunta sa cr ng girls.

"Fuck! Buti ako lang ang naka kita" Naka ngusong sabi ni cy.

The One That got Away Where stories live. Discover now