Makakasabay ko ba araw-araw sa breakfast ang mukong na ito? I'm a morning person kaya maaga ako laging nagigising. Breakfast is my most favorite meal of the day. Tuwing nandito ako sa bahay ni tito ay laging ako ang nagluluto ng agahan.

I can't help but glare at him. Naalala ko kasi 'yong nangyari kahapon. Muntikan na kaming magpatayan. I honestly don't know that uncle has a visitor. Tulog na kasi ang mga tao dito nang dumating ako. Besides, I didn't tell tito that I'm coming over.

Rhygel Dela Rosa. Ibig sabihin ay hindi isinunod sa kanya ang apelyido ng tatay niya.

Sometimes families are damn complicated. Mine is no exception. Dad and I had an argument. Every time it happens, I run here. Dito ako lagi nagpapalamig ng ulo.

There are things that we can never settle. I refuse to be a dummy. Like what he always say, he has a stubborn child.

"Uncle wala ba tayong cereals?"

The first time I saw him, I already knew that he's the rich kid, spoiled brat type.

Lalaki siya pero daig pa niya ang babae sa kaartehan. Sa dami ng nakahaing pagkain ay cereals pa talaga ang hinanap niya. Kape na nga lang ay ipapatimpla pa niya kay manang.

I learned from tito that he got expelled. This guy's a troublemaker. Sabagay nasa itsura naman niya talaga. Mukhang siyang sigang unggoy.

Nalaman ko din na sa PHS siya mag-aaral.

"Uncle marami bang mga bebot doon?"

Naibuga ko nang wala sa oras ang juice na iniinom ko. What the?! Hindi niya alam na all-boys school ang papasokan niya? Sa inis ko ay nabato ko siya ng pandesal.

PHS is the most exclusive school in this city. Hindi basta-basta ang mga nakakapasok doon. The students there are mostly sons of high ranking politicians and multi-millionaire businessmen. Kilalang paaralan ang PHS kaya nakakatawang isipin na hindi niya alam na all-boys school ito. Someone had forgotten to do some research.

Kitang-kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya nang malaman ito. Babaero pero pangit naman. Walang matinong babae ang lalapit sa kanya at mas lalong walang magkakagusto sa kanya. Puro lang naman siya angas at yabang.

Then uncle asked the section he was assigned to.

"Sa section 10-D ako uncle."

What I heard came as a surprise. Ibig sabihin ay magiging magkaklase silang dalawa.

Section 10-D. May balat siguro sa puwet ang mukong dahil napaka-malas niya.

***

RHYGEL

Huminto kami dito sa tapat ng main building. Uncle said that my classroom is located here. Inikot ko ang aking mga mata. Kahit saan ka tumingin ay hindi maipagkakailang isa talaga itong exclusive school. This school really suits me.

"Ihahatid pa ba kita sa classroom mo?" pabirong tanong ni uncle.

"Uncle naman! Hindi na ako bata. I can manage."

Pagkatapos magmuni-muni saglit ay umalis na si Uncle Ace at pumasok na rin ako sa building.

Hindi pa tumutunog ang bell kaya hindi pa nagsisimula ang first period. Some students are still walking to their classrooms.

Nasa third floor ang classroom ko. Instead of riding the elevator, I decided to take the stairs. Wala pa kasi akong workout. Mayaya nga si uncle this weekend.

Habang paakyat ako ay may narinig akong kumalabog. Sinundan ito ng mga boses.

"Sa susunod hindi na lang sakit sa katawan ang aabotin mo sa akin. Know your place, dimwit."

Woah! Seems like someone got a good beating.

"Pasensiya ka na Bullet. Hindi na mauulit." Mukhang takot na takot ito sa kausap niya.

I heard their footsteps. Paalis na sila. When the sound faded, nagpatuloy na ako sa pag-akyat.

Bumungad sa akin ang isang estudyanteng nakasandal sa pader. His nose and lips are bleeding. Putok rin ang kaliwa niyang mata.

I glanced at him and whispered, "Weakling."

Bugbog talaga ang aabotin mo kung hindi ka marunong lumaban. The world is like a jungle. The weak becomes the prey.

When I reached our floor, I noticed that all the classrooms are silent except for the one at the end of the corridor.

Naglakad pa ako saglit hanggang sa marating ko ito. Nasa tapat na ako ng pintoan at rinig na rinig ko ang ingay mula sa loob. May mga nagsisigawan. Tila ba may nagrarambolan.

I started to feel confused, so I double checked the room number. Hindi naman ako nagkamali. This is room number 7.

I opened the door and my eyes saw chaos. Everything is a mess. Chairs are disarranged. Iyong mga iba ay may mga bali at sira na. Empty bottles and crumpled papers are scattered on the floor. Is this even a classroom?

At the back, students are busy watching a boxing match. Literal kasi na may mga nagbubogbogan. Walang umaawat sa kanila dahil parang pinagpupustahan nila ang mga ito.

No one has noticed my presence. I looked around and found an empty chair. Tahimik akong umupo.

I know that PHS is an exclusive school, but what I'm seeing now is very far from what I've expected. Para akong pumasok sa lungga ng mga gangsters.

After a while, the school bell rang. Mukhang ako lang ang nakarinig dahil hindi pa rin sila humihinto.

So this is how my first day looks like. Interesting. Call me crazy, but I like it.

There's no doubt. I'm going to love my new school.

#

Hell Section 2.0Where stories live. Discover now