He smiled at me. "You looked good."

"Good lang?" Sumimangot ako.

Tumawa siya at nagkibit-balikat. Sinarado niya na ang pinto sa front seat at umikot para makapasok.

"Susunduin rin ba natin si Jane?" Tanong ni Louie.

Nagulat ako.  "Ah hindi na. May maghahatid na raw sa kaniya."

Nangunot ang noo niya at tumango na sa akin.

Bakit bigla naman pagtatanong nito kay April? Halos magkaaway nga sila lagi eh.

Hindi na kami nagkausap nang magsimula ng umandar ang sasakyan niya. Tahimik ako habang pinagmamasdan ang labas.

Anong ibig sabihin ni Mommy roon? At alam rin niya na nakabalik na si Drain pero hindi niya sinabi sa akin. Gusto ko tuloy malaman.

Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon sa purse.

From: Chenny.

Hi, Je! Good luck! Enjoy ka lang sa party! Take care! Labyu!

Nangiti ako at nireplyan siya. Bago ako umuwi kanina ay nagkausap na kami. Syempre dahil mangkukulam si April ay kasama rin siya. Pinaliwanag niya lahat at naiintindihan ko na kung bakit kailangan niyang umalis. Kahit ako rin, kung ako sa sitwasyon niya. Mas pipiliin kong magpakalayo.

Ops. Spoiler.

My phone vibrated again. Akala ko si Chenny pero 'yong isa pala.

From: April

Hoy! Asan na raw kayo? Iyong nguso ng ex mo nahaba na.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Siraulo talaga 'to. At ang bilis niya ah?

I replied. Gaga ka! Malapit na kami.

Hindi ko pa man naiibaba ay bumungad na sa akin ang numero niya! Naks tumawag pa talaga.

"Oh bakit?" Bungad ko. Napatingin sa akin si Louie.

"Hoy, asaan na kayo ah? Anong malapit na? Malapit saan?" Tumawa siya.

Nangunot ang noo ko sa kahalayan ng iniisip niya. "Iyong utak mo baliktad na naman."

"Ah baliktad? Teka sandali." Narinig kong lumakad siya. "Oh? Asan na kayo?"

Bakit paulit-ulit 'to?

"Malapit na nga! Unlimited?" Inis na sambit ko.

Rinig ko ang tawa niya. "Teka! Pagsalitain mo nga si Louie!"

"Ha?"

"Ha? Iniwan."

Napairap ako. Tiningnan ko si Louie na kunot-noong pasulyap-sulyap sa akin.

"Magsalita ka nga."

"Why? Sino 'yan?"

"Si April." Inayos ko ang damit.

"Bakit ba ang baba niyan? Itaas mo. I can see your cleavage, Je."

Nagulat ako sa sinabi niya. Mabilis akong napatingin sa cellphone nang may pamilyar na nagmura sa background.

"Go, Jerace!" Tumawa si April. "Malapit na pala ah? Ano kaya 'yan?"

Pinumulahan ako ng mukha nang marinig na rin ang pang-aasar ni Axel sa pinsan!

A-Anong?!

"Mr. CEO! Hala ka! They're coming na!" Humalakhak na naman ang punyeta kong kaibigan.

Buti na lang hindi 'to nakaloudspeaker kaya agad kong nailayo kay Louie. Hindi ako nakapagsalita sa kahihiyan at mabilis na pinatay ang tawag.

Naguguluhang napatingin sa akin si Louie.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now