Chapter One

38 1 1
                                    

Malamig ang simoy ng hangin at makulimlim ang kalangitan. Niyakap ni Leela ang sarili para kahit papaano ay bawasan ang lamig na nararamdaman. She bitterly smiled when she felt her cold hands on her arms. Wala ng ibang yayakap sa kanya kundi ang sarili.

Hindi siya makapaniwalang wala na ang kanyang ina. Ang kahuli-hulihan niyang pamilya ay iniwan na rin siya. Tinitigan niya ang puntod nito na nasa kanyang harapan.

"Pano mo ako nagawang iwan ma?" Mahina niyang usal na puno ng hinanakit at pighati. Hindi niya magawang umiyak, tila ubos na ang lahat ng kanyang mga luha.

Alam ni Leela na ito ang kahahantungan ng kanyang ina pero hindi niya naisip na ganito kabilis itong kukunin sa kanya. Na diagnose ng sakit na cancer ang mama niya two months ago. She did everything she can to support her medication.

She's a freelance web developer and is earning a generous amount of money pero tumanggap pa siya ng mas maraming projects para mas makapag-ipon para sa pagpapagamot ng ina. Halos hindi na siya natutulog para matapos ng maaga ang projects at makakuha ng panibago, na pinagsisihan niya sa huli. She should have spent those times with her. Sana ay mas inuna niya ang makasama ang ina. She should have hugged her tighter. Kung alam niya lang, sana'y hindi ito binawian ng buhay ng nag-iisa.

Ngayon ay hindi niya na alam ang gagawin. All she dreamt of was to pamper her mother. To let her travel anywhere she wants, buy anything she likes and be happy. But it's already too late. Wala na ito at nawalan na rin ng direksyon ang buhay niya.

Marahan siyang lumuhod sa harap ng puntod. Siya na lang ang naiwan doon. Ang iilang mga dumalo at nakiramay na kamag-anak ay nagsiuwian na. Tinitigan niya ang nakangiting larawan ng ina. The picture was taken on her mother's birthday a year ago. She recalled how happy her mother was that time.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday Happy birthday. Happy birthday to you."

Masiglang kanta ni Leela habang bitbit ang cake. Hindi na siya na tulog at naghintay hanggang alas-dose ng hating gabi para batiin ang ina.
Nakapikit ang mga mata nito pero may matamis na ngiti sa labi.

"Blow and make a wish." Inilapit niya dito ang cake.

Matagal siya nitong tinitigan bago nag salita.
"Wala na akong mahihiling pa anak. Binigay na ng Panginoon ang pinaka magandang regalo sa akin. Ang maging ina mo at ni Nathan ay lubos-lubos na."

Bahagyang pumiyok ang tinig ng ina ng banggit ang pangalan ni Nathan. Nakababata niya itong kapatid na namatay walong taon na ang nakalilipas. Pinilit niyang ikinubli ang nararamdamang lungkot.

"Ay ano ba yan ang drama. Hipan mo na ang kandila ma at mag wish. Sigurado ka bang ayaw mong humiling? Sabi mo gusto mo na ng apo?" biro niya dito. Dahil kikunulit na siya nitong mag-asawa.

"Ay oo nga pala. Matanda na ako at ikaw ay hindi na rin bumabata. Kailangan mo ng makakasama sa buhay anak." nakangiting sabi nito.

Agad itong pumikit bago pinatay ang apoy sa mga kandila. Inilapag niya ang cake sa bedside table at tumabi sa ina sa kama.

"Ma hindi ko kailangan ng asawa. Magkasama tayong tatanda at maglilibot sa buong Pilipinas." She flashed her sweetest smile and hugged her.

"Iba pa rin ang may sariling pamilya anak." Malumanay nitong sabi habang marahang hinahaplos ang buhok niya.

Nagising ang naglalakbay na diwa ni Leela dahil sa malamig na patak ng ulan. Hindi niya namalayan na umuulan na pala. Muli niyang tiningnan ang puntod bago tumayo. Nilibot niya ang paningin sa sementeryo. Papalubog na ang araw at lumalakas na ang buhos ng ulan na parang nakikiiyak sa kanya. Mabigat ang mga paang naglakad palabas ng sementeryo si Leela, hindi alintana ang ulan. Kung hindi dahil sa lamig ay hindi niya mapapansin na basa na ang kanyang damit.

Nang makarating sa kanyang sasakyan ay isinuot niya ang naiwang itim na cardigan dahil basang-basa na ang suot niyang itim din na turtleneck. She started the engine and drove aimlessly for hours. All in mind is to runaway and hide from reality. She stepped harder on the gas pedal, when she reached a dark and quite area well aware that she's over speeding. Either she'll be stopped by a traffic police or she'll meet an accident, she does not care. Ready for both she shut her eyes but suddenly her car slowed down then completely stopped. Nang tingnan ang dashboard na realise niyang empty na ang gas tank ng sasakyan.

"Why? Why me? Why?" Humahagulgol na sigaw niya. Lahat nalang ay hindi umaayon sa plano niya. Lahat nalang ng mahal niya ay iniwan siya.

When will this end? Will this ever end?

Wala sa sariling bumaba ng sasakyan si Leela. Malakas pa rin ang buhos ng ulan pero hindi niya iyon alintana because her heart felt colder. She's walking aimlessly. She no longer have a home to go back to, and no family to be with.

"Excuse me Miss, do you need help?"
Nag-aalalang tanong ng isang motorista.

Tila walang naririnig at kahit nangangatog ang tuhod ay nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad, pakiramdam niya nasa loob siya ng madilim na tunnel. And she will soon escape from the darkness and find the light if she continue walking.

Napatigil si Leela sa paghakbang dahil biglang umikot ang kanyang paligid. Must be because she haven't had a proper sleep for the passed three days. Sinikap niyang humakbag pero unti-unting tinatakasan ng lakas ang kanyang mga paa. Her body was numb, she realised her feet are no longer moving, and surrounding is turning. Napangiti siya habang nakatingala sa madilim na kalangitan.

"Is this already the end?" she uttered before losing consciousness.

Cody saw a woman wearing all black walking in the rain. He saw a car parked few meters from her. Naisip niyang baka nasiraan ito ng sasakyan kaya naisipan niyang tanungin ito.

He rolled down the car window to check on her but to his surprise the woman is drenched and is walking bare foot. Mas lalong nakaramdam ng pag-aalala si Cody.

"Excuse me, Miss, do you need help?"

The woman slowly raised her head and Cody saw the loneliest pair of eyes he had ever seen in his life.

Tinigil niya ang sasakyan at bumaba para lapitan ang babae. Huminto ito sa mabuway na paglalakad. He instantly knew what's going to happen so he ran as fast as he could, probably the fastest he had ever did. The woman looked up and before falling, Cody barely managed to catch her. He looked at the unconscious woman, dahil sa liwanag na nagmula sa street light ay mas natunghayan niya ang mukha ng babae. Mugto at nangingitim ang ilalim ng mata nito. But she has a serene smile on her face.

"What on earth happened to you?" Cody heard himself saying before carrying the woman to his car.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mon Parapluie (My Umbrella) Where stories live. Discover now