CINCO

20 2 0
                                    

John Paul's POV

after naming mag lunch, umuwi muna ako para kuhain ang t-square ko dahil naiwan ko kakamadali and natandaan kong kailangan sa subject ko ngayon ang t-square. sa lahat na pwedeng maiwan ko, yun pa talagang importante sa mga arki students. apakagaling jp!

"nak, kumusta first day? napa-aga ata ang uwi mo ngayong araw" sambit ni papa habang kumakain. as usual wala si mama, busy sa hospital.

"naiwan ko ang t-square ko, pa. kailangan ko sa last subject ko kaya umuwi ako ngayong vacant time ko." pagmamadaling sambit ko.

"kumain ka na? samahan mo muna ako dito, nagluto akong paborito mong adobo" pag anyaya niya.

"mamaya nalang gabi, pa. naglunch na ako kanina sa A. ave bago umuwi dito. aalis na rin naman ako as in ngayon na." akma na akong aalis nang magsalita si papa.

"mag focus ka muna sa Architecture, nak. wag muna sa mosiko." seryosong sambit ni papa.

"kaya ko namang pag sabayin ang mosiko at arkitekto pa. mag aaral akong Conservatory pagkatapos ko sa Architecture. masayang sabi ko.

"akala mo may aabutin ka sa pagiging mosiko? isipin mo ang hinaharap hindi yung ngayon jp. bakit? malaki ba ang makukuha mong sahod dyan? hindi naman stable ang trabahong makukuha mo dyan!"

"aba ganyan ba ang tingin mo sa mga mosiko, pa? kung ganyan ang tingin mo sa mga mosiko, ganyan na rin ang tingin mo sakin. aalis na ako." sambit ko bago ko pinalagapak ang pinto sa pagsarado.

"putangina naman nakakasira ng araw"

quarter to 1 pm na kaya nagmadali akong sakay sa jeep na nag aantay sa labas ng subdivision. bigla akong nag crave sa iced coffee kaya bababa nalang muna ako sa R. Magsaysay para sa iced coffee na hinahanap ng dila ko.

"ano ba naman tong dila na to kakainom lang kanina ng frappe e naghanap nanaman ng iced coffee." napasapo nalang ako sa noo ko.

almost 30 minutes pa ang byahe dahil sa traffic. kinuha ko muna airpods ko at nagpatugtog ng Eraserheads songs sa Spotify. tanging mga kanta lang nila ang nakakapag pa-relax sakin pag stressed ako. nag shuffle ng songs at binulsa ko na phone ko.

Kay sarap sariwain ang
Malayang kahapon
Ang hirap-hirap isipin
Kay layo ng noon

Tama ka nga
Walang saysay kung
Ibabalik pa
Hayaan na natin ang bukas

Ngunit sa gabing ito
Hawakan ang aking kamay
Muling sundan ang mga unang yapak
Ng ating pagmamahalan

Tama ka nga
Walang saysay kung
Ibabalik pa
Hayaan na natin ang bukas

Minsan nagtatanong
Kung saan, kailan, paano nasimulan
Ang katapusang mahirap takasan
Pero wag na, Ibato mo na lang sa ulan

Tama ka nga
Walang saysay kung
Itutuloy pa
Hayaan na natin, hayaan na natin, hayaan na natin ang bukas

Kay sarap sariwain ang
Malayang kahapon
Ang hirap-hirap isipin
Kay layo ng noon.

Bib Stud 9/26/17 Vianca Louisse Perez is video calling you on messenger. sinagot ko na para matapos na agad ang video call.

"amputa naman e panira ng soundtrip" iritang sambit ko sa videocall. kasali sa video call sila Antoinette, Marian, Kate, Kim at Vianca.

"asan ka kase?" tanong ni Kim.

"nasa R. Magsaysay ako bibili ng iced coffee. bakit ba?" tanong ko.

"yayayain ka sana namin hangout sa SM. vacant kasi kame, at hoy vacant ka rin" pag sisigurado ni Vianca.

Chasing StarsWhere stories live. Discover now