Inayos na namin ang mga binili namin sa coffee shop at nag prepare para sa meeting.

As usual, meeting na naman. Kinaibahan lang, nasa condo kami.

I was busy setting up the table nang may maalala. It is that time na rito pa nag i-stay sila Dae. Ang hirap kalimutan ng mga 'yun.

"For today's meeting, we will plan what we need to do for the acquaintance party. Sa next saturday na ito kaya kailangan na nating kumilos." Maggie started.

Naka-paikot kaming nakaupo sa round table namin sa sala.

Parang noong nakaraan lang hindi pa siya pumapayag sa idea na 'yun. We are all glad that she changed her mind.

"So anong ma-su-suggest niyo?" Tanong ni Maggie.

"Wait. Formal party ba?" Tanong ni Dette. Tumingin kami sa kanya. Napairap ako sa tanong niya.

"May acquaintance party ba'ng hindi formal?" Tanong ni Dae pa balik.

"Sabi ko nga..." He whispered while scratching his neck.

"Ah so kapag formal, gowns and suits ganon?" Tanong naman ni Thyria.

"Anong gusto mo? Mag uniform tayo?" Kunot noong tanong ko.

Magkapatid talaga 'tong dalawang 'to. Umismid siya sa sinabi ko at nag tawanan naman ang iba naming kasama. Kasi naman... common sense na lang 'di ba?

"Let's start with the theme." Napatingin kami sa kambal ko nang mag salita siya.

Ayan na. 'Yan gusto ko sa kambal ko eh, pag dating sa mga ganito laging active eh. Malaking tulong din 'yun. Marami siyang alam pag dating sa mga party's and such.

Hawak ni Ysa ang ipad niya. Busy siya sa pag scroll habang kami naman ay nag-iisip ng theme.

"How about... hm... halos lahat naman tayo mahilig sa black and white... Kung black and white na lang kaya ang theme?" Suggestion ni Dae.

"Puwede rin. Kayo ba?" Sabi ni Maggie habang tumatango. I jot down the theme ng lahat ay sumang-ayon.

"Black and white tapos sa venue lagyan natin ng gold." Sabi ni Ysa. "Puwedeng gold ang upuan at lamesa or sa design ng venue. Para naman hindi lang black and white." She added.

"Ok. Sa decorations?" Tanong ni Clive.

Halatang wala siyang alam sa mga ganito ah.

"Hm... Let's use minimal decorations. The decorations also depends on the place na pag dadausan ng party." Sagot ni Ysa habang nakatingin sa ipad niya.

Tumango-tango sila.

"For the tables, and lights... uhm..." She stopped for a second. "I think it is good if we will not use bright lights. The tables, it also depends on the venue." She added.

"Dapat pala si Ysa na lang pinapagawa natin dito. Madami siyang alam." Natatawang sabi ni Yance.

Agad nag init ang ulo ko sa sinabi niya. Ano ulit iyon? Dapat si Ysa na lang ang gumawa? Wow. Ang kapal naman pala ng mukha niya.

Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya nang masama.

"What?" Nag tatakang tanong niya ng lahat kami ay nakatingin sa kanya.

"Eh kung ikaw kaya mag-isa mag plano ng lahat ng ito kaya mo? 'Yong hindi ka namin tutulungan kahit may alam ka naman sa gagawin." Taas na kilay na tanong ko.

Natahimik siya sa sinabi ko at hindi na nag salita. He averted his gaze.

"Let's move on to the budget." Tumingin si Maggie sa gawi ni Dette. "Magkano ang hawak na pera natin?"

White Sheets and Blank FacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon