7: Surrender

26 9 0
                                    

MAGGIE DIAZ

Bunot na lahat ang mga damong nasa paligid ko dahil sa panggigigil. Dito ko nilabas ang galit ko dahil sa sinabi ni Clive.

How dare him!

Akala niya ba nakikipagbiruan ako sa kanya kaya ako hindi sumasang-ayon? That's bullshit!

Palibhasa kasi parati niyang isinisingit ang mga naging away namin noon! Lahat ng gagawin eh nakabatay sa away! What a dumb kid.

Muli kong kinuha ang letter na padala ng board.

"Greetings!

I would like to inform the chief executive of the student body, Maggie Diaz, about the news we've received. Many of the students are now going against the laws of the school and this is quite alarming. We do not want to hear news similar to this. Another reason is that we received a letter containing a message, more of a threat and I'm worried about the wellbeing of Lanchester University. In line with this, I would like you to open another ranking in representatives. A male one to be exact who is capable of securing the safety of our beloved students. He will also be in charge of protecting your group. Choose wisely! Goodluck!

-Board of Council"

Inis ko nanamang binunot ang damong naabot ng kamay ko.

Ngayong ipinaalam ni Clive sa board of council ang magaganap na acquaintance party, which I haven't approved if I may add, magkakaron nanaman ng expectations ang board at kung hindi namin ito mamimeet, disappointment ang matatanggap namin. At iyon ang iniiwasan ko.

Bakit hindi ko sinasabi sa kanila?

Tss. Isa pa 'yon sa iniiwasan ko.

Years ago, nakatanggap din kami ng threat. Directly itong binigay sa amin. Pagdating na lang sa office ay may papel na sa sahig malapit sa pinto na para bang nilusot lang ito doon.

At imbes na magtulungan kami para mahanap kung sino ang may pakana non? Nagturuan lang naman sila.. And yes, panibagong away.

Naisip ko din na baka ngayon ay magtulungan na sila at hindi na magturuan pero sa nakita ko nong nakaraang araw.. I don't think it's a good idea.

Ngayon, hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko ma-weigh kung ano ang mas magandang gawin dahil sa kada solusyong maiisip ko, panibagong away ang magiging dead end.

Iniisip ko rin, paano na lang kung mapunta kami sa 'worst-case-scenarios' na na-iimagine ko? What if totoo ang threat? What if madamay ang students? What if kumilos siya sa acquaintance party?

Puro na lang what if!

Napabuga ako ng hangin at sumandal sa puno na nasa likod ko at pumikit. Nandito ako sa ilalim ng isa sa mga pinakamatataas na puno sa Lanchester. It's located at the corner of the University kaya 'di masyadong dinadayo ng mga estudyante.

May klase din kasi ata sila kaya walang tao.

"I always envied your uniform."

Nantili akong nakapikit pagkatapos kong marinig ang boses na iyon. Lalaki 'yon alam ko. Pero wala akong oras makipagtalo sa nagcucutting na estudyante.

"Really?" walang kabuhay-buhay kong sambit.

"That shade of green suits your personality. You all look calm and peaceful.. But yeah, deadly."

Unti-unti kong minulat ang mata ko. I stared at him blankly

Nakalagay sa bulsa niya ang parehong kamay at nakatingala siya sa matayog na punong kinasasandalan ko. Binaba rin naman niya ang tingin niya pagkatapos ng ilang minuto.

White Sheets and Blank FacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon