Chapter Twenty-eight

Magsimula sa umpisa
                                    

At ayaw kong makuha ka. Makuha ni Karen mula sa akin. Kinuha niya na ang bagay na ibinigay mo sa akin, at hindi ko hahayaan na ikaw naman ang makuha sa akin. Ikaw na lang ang totoo na nakasalamuha ko at ang mga kaibigan ko rito sa Resort.

“Malala pa ugali mo ngayon? Ano sila mas inosente at walang muwang sa mundo?” Tumawa ito ng mahina at humalukipkip pagtapos.

“Tulad ng sinabi ko sayo, iba ako sa kanila. Kung ‘yun ang maitatawag mo sa akin na walang muwang sa mundo at inosente, ay ibahin mo sila, hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin pero masama ang ugali ng aking nanay at ng aking kapatid. Si tatay lang ang mabait sa akin sa bahay na iyon.”

“Minamalupitan ka ba ng iyong ina at kapatid? Kung ganoon pala ang ugali ng iyong pamilya ay makakabuti na sumama na ako sayo.”

“Mali ang iniisip mo, hindi. Hindii nila ako minamalupitan,hindi sila ganoon, pinaparamdam lang nila na iba ako, na hindi ako nababagay sa bahay na ‘yun.” Huminga ako ng malalim at tinitigan si Liam ng masinsinan. “Please Liam, ako na lang. Uuwi rin ako kaagad ‘pag nakuha ko na ang sagot sa mga tanong ko.”

Itinaas ko pa ang aking kanang kamay na parang isang bata na nangangako.

Kinabukasan ay napag-pasyahan kong dalawin ang tatlo, hinintay ko na munang maka-alis si Liam bago ko napagpasyahang umalis na rin. Alam naman nito na aalis ako, pero naisipan ko na huwag na lang sumabay papuntang Resort si Liam.

Marahan ang pagkatok ko sa pintuan sa quarters bago ako tuluyang pumasok. Hindi naman na ito sarado dahil nag-text ako rito na huwag pumasok at ako’y makikipagkita sa tatlo. Naabutan ko ito na nag-aayos pa lamang.

“Magandang umaga!” Bati ko sa mga ito.

“Morning.” Sunod-sunod na wika ng mga ito.

Umupo lang ako sa kama at kinuha ang unan ni Diane para yakapin. Pinapanuod ko lang ang mga ito habang nag-aayos.

“Ang aga mo naman yata ngayon o sadyang tinanghali lang kami ng gising.” Maya-maya’y tanong ni Emma sa akin.

“Siguro nga tinanghali lang kayo ng gising, ano ba ang ginawa niyo kagabi at ganun na nga ang nangyari?”

“Ginawa talaga?” Patawang pagtatanong niya. “Wala naman.”

Iiling-iling naman ang dalawa sa sinabi ni Emma. Matapos ang ilang minuto ay umalis na rin kami. Biglaan lang ang pagpapakita ko sa mga ito, kailangan ko lang ng paghihingan ng payo. Kahit na ilang buwan lang kaming magkakakilala ay naging malapit na sila sa akin, at tinuturing ko na silang mga kapatid kaya hindi magiging mahirap ang magsabi ng sikreto. Kung sikreto nga ba na maitatawag sa aking alaala.

“Ang dami naman yata nito, Trixie, birthday mo?” Ani Diane. Sinusundan niya lang ng tingin ang bawat lapag ng waiter sa aming mesa.

“Hindi pa.” Ngingiti-ngiti kong sagot sa kanya.

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon