Chapter Twenty-six

70.2K 1.3K 86
                                    

Pinagmasdan ko lang ng tingin ang papalayong lalaki sa aking harapan.  Ilang beses ko pa lang ito nakita ay ilang parte na nang aking pagkatao ang nabuo. Ang bagong pakiramdam na humahaplos sa aking puso tuwing nakikita ko siya.

“Ayos ka lang, Trixie?” Awtomatiko na nilingon ko si Alice na galing lamang sa banyo. Tumango lang ako rito bilang sagot. “Anyway, hindi naman pwede na laging mga lalaki ang ku-komontrol sa katulad nating mga babae, kailangan din nating maging malaya.”

“Ano’ng gagawin natin dito sa labas? Baka hanapin nila tayo.”

“Ako ang bahala sayo. Call your friends, hindi masaya kung tayong dalawa lang ang mag-ba-bonding.” Hinila niya na ako palabas ng tuluyan. Pumangeywang pa ito at pabaling-baling ang tingin sa paligid.

“Puntahan na lang natin sila, tutal naman gabi na siguradong nasa kanilang room na ang mga iyon.” At Malabo ring matawagan ko ang mga iyon, wala akong dala bukod sa sarili ko nang umalis kami.

“Sigurado ka bang naririyan ang mga kaibigan mo?” Mahinang usal sa akin ni Alice nang makarating kami sa mga kahalerang rooms, kung saan ang room nang tatlo.

“Oo, wala rin naman silang pupuntahang iba. Kung minsan ay patay na ang ilaw nag-kwe-kwentuhan pa rin ang mga iyon.”

“Paano mo naman nalaman ‘yon? Minsan ka na bang natulog d’yan?”

“Oo, chambermaid ako rati, kaya ko rin sila naging kaibigan.” Kunot-noo niya akong tinignan at maya-maya rin ay tumango.

“T-trixie?” Nagtatakang tanong ni Diane ng tumambad ako sa harapan niya. Naka-pantulog na ito at mukhang ina-adjust pa ang paningin sa liwanag na tumatama sa kanyang mukha.

“Nakaka-istorbo ba ako?”

“Hindi naman.” Humaba ang leeg nito at nagtatakang tumingin sa likuran ko.

“Ah, si Miss Alice nga pala.” Wika ko. “Ahm. Alice si Diane nga pala, kaibigan ko.” Ngumiti si Alice kay Diane.

“Tuloy kayo.” Saad ni Diane, nilakihan niya ang pagkakabukas ng pintuan at tuluyan na kaming pumasok ni Alice. Bumungad sa aking harapan ang mga nakaupong kaibigan ko. Si Nina na nasa harapan ng salamin at si Emma na yakap-yakap ang unan niya.

“Girls, si Trixie naririto.” Awtomatiko namang lumingon ang dalawa sa aming kinatatayuan. “At may kasama siya si.. si Miss Alice!” Tumili na si Diane at tumakbo papunta sa kanyang kama. Yumuko ito at para bang may kinukuha sa ilalim ng kanyang kama.

“Alice? Alice Hernandez?” Tila hindi makapaniwalang sabi ni Emma. Tumayo pa ito at tinitigang maigi ang babaeng katabi ko.

“Hello!” Ngumiti si Alice at kumaway sa tatlo na parang hindi makapaniwala.

“Nina akin na ang upuan, paupuin mo na muna si Miss Alice.” Ani Diane. Pumunta ito sa pwesto ni Nina at kinuha ang upuan at ipinuwesto ito sa gitna. “Miss Alice pasensiya na, ito lang ang maiaalok naming upuan para sayo.”

I'm His Private DancerWhere stories live. Discover now