Chapter Twenty-eight

74.4K 1.4K 163
                                    

Matapos ang isang buong araw ay umuwi na rin kami nang gabi rin iyon. Umayos na ang pakiramdam ko lalo na’t nasa tabi ko lang si Liam, kahit na kaharap niya ang kanyang laptop para doon na lamang makipag-usap sa aming sinadya rito, ay naging maasikaso pa rin ito. Kahit na sabihin kong ayos na ako, upang puntahan niya na ang kausao niya, ay hindi niya pa rin ako hinayaan na mapag-isa.

Nasa hapag kami ngayon ni Liam, ako na ulit ang nagsisilbi sa kanya tutal maayos na ang aking pakiramdam.

“Liam.” Pukaw ko rito.

Umangat ang kanyang ulo, at sinubo ang pagkain na nasa kanyang kutsara at tumingin sa akin. Kumunot-noo lang ito, at sinasabing ipagpagpatuloy ko ang aking sinasabi.

“Kung maaari sana, pwede ba akong umuwi sa amin. Tutal naman ilang buwan na rin akong hindi nakakadalaw sa kanya.”

                                                                                               

Sinundan ko lang ng tingin ang pagkaka-inom sa kanyang tubig.Inilapag niya ang basong ginamit, pinagsiklop ang mga kamay at itinuon ito sa mesa.

“Iyan din sana ang sasabihin ko sayo, mas makakabuti pa nga siguro kung umuwi ka na muna. Ilang araw ba ang gusto mong manatili tayo doon?”

“Tayo? Hindi, Liam. Kung maaari sana ay ako lang mag-isa. May kailangan akong malaman na sa aming pamilya lang ang pwedeng makaalam. Pasensiya na.” Yumuko ako para hindi masalubong ang kanyang mga matang mapanuri.

“Ganoon ba ka-sikreto iyan, para hindi ako isama?”

“Hindi naman sa ganoon, Liam, ang gusto ko kasi ay alamin ko na muna nang sarili bago ko sasabihin sayo.”

At mas makakabuti kung iyon ang aking gagawin, mahirap kung bibiglain ko siya tungkol sa aking sarili. Na kahit ako sa sarili ko ay hindi makapaniwala at mahirap intindihin.

“Are you ashamed of me, Trixie?”

Awtomatikong umangat ang aking ulo sa kanyang sinabi. Kunoot-noo itong nakatingin sa akin at naka-sandal sa kanyang kinauupuan. May kung anong himig sa kanyang pananalita ang sumakit sa aking puso.

Kinagat ko ang aking labi at tinitigan siyang maagi. “Hindi, Liam. Masaya ako tuwing kasama kita, lagi mo akong inaalagan at hindi mo sa akin pinapadama na iba ako, na mahirap ako at mayaman ka. Hindi mo man sabihin ang salitang mahal mo ako ay ipinapadama mo naman sa akin na mahalaga ako sayo. Ako pa ang dapat na magtanong niyan sayo, kinakahiya mo ba ako? Dahil sa kainosentehan ko?”

Napag-isip-isip ko rin ang mga dati kong nagawa. Ang mga maka-mundong bagay na ako lang ata ang hindi nakakaintindi, ay nakakatawa para sa karamihan. Na kahit ako sa sarili ko ay natatawa.

Sumeryoso ang mukha ni Liam. “Kung ganoon man ay hindi mo ako pinagkakatiwalan, Trixie, ano pa ang pinagsamahan natin sa loob ng maraming buwan kung hindi mo man lang ako ipakilala sa magulang mo.”

Huminga ako ng malalim sa kanyang pahayag. Hindi niya na naman sinagot ang itinatanong ko sa kanya. “Pasensiya na, Liam, gustuhin ko mang makasama ka sa aming barrio ay mas makakabuting ako na lang muna. Iba ang ugali ng pamilya ko doon, ibang-iba sa inaasahan mo.”

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon