"Ano pa, Sir?" Si Selene na ngayon ay na kay Drain na ang tingin.

He stared at me for a moment before looking at my employee. "Wala na."

Makahulugan na tumingin sa akin si Selene. "Alis po muna ako. Kunin ko lang order ni Sir."  saka nakangising tumalikod sa amin.

Ang babaing 'yon!

Humarap ako kay Drain na ngayon ay nasa akin na naman ang mga mata. Ngumiti ako.

"You're not busy?" I raised a brow. I looked at his suit.

"I am. I just want to have breakfast here." He said.

"Oh." Napatango ako at nagkalikot ng kung ano-ano. Pumunta pa siya rito para mag breakfast? Ang layo ng cafe ko sa building nila ah?

Nangunot ang noo ko. "It's far from your building right? Wala bang mas malapit na cafe roon?"

He blinked twice. Mukhang nagulat siya sa tanong ko. Napaayos siya ng tayo. "There is." Tumango-tango siya. "But my car brought me here."

My eyes widened. Seriously, Drain?

He narrowed his eyes. "Why? Am I not allowed here?"

I quickly shook my head. "H-Hindi naman. It's just that..hmm...nevermind."

Tumaas ang kilay niya at hindi na nagsalita nang lumabas na si Selene. Inirapan ko ang babae. Puwede niya naman na ipagawa sa iba pero siya pa talaga ang kumuha ng mga 'yon.

"This way, Sir." Ngisi ni Selene.

Tumango lang si Drain. Lumingon siya sa akin. "Can you join me?"

"W-What?" Gulat na ani ko.

"I'm asking you to have a breakfast with me." He licked his lower lip.

Napatigil sa paglalakad ang chismosang si Selene. Ngunit tumuloy rin naman habang sumisipol pa.

Hindi ako nakasagot. Tumitibok na naman ng mabilis ang puso ko.

Nakakatakot na.

"Why?" Tulalang tanong ko.

Nangunot ang noo niya na parang hindi naintindihan ang sinabi ko. Hindi ko rin naintindihan!

Pinilig ko ang ulo ko at seryoso siyang tiningnan. Uunahan na kita sa kung ano mang ginagawa mo sa akin, Drain.

"What are you doing?" I took a deep breath. "What are you planning to do? Alam ko 'tong mga galawan mo, Drain. Kaya please lang, tigilan mo na ako."

Nagulat siya. "Jerace.."

"Bakit? Ano na naman bang kailangan mo?" Mahinang tanong ko. "Kung may plano ka sa amin, dahil nakalaya na si Daddy. Please lang. Ako na ang nakikiusap, Drain. Tama na." Pinilit kong hindi mabasag ang boses.

He was stunned for a moment. Napayuko siya at huminga ng malalim.

"I don't have any plans to your family, Jerace. I'm sorry if you misunderstood me." Umiwas siya ng tingin sa akin.

Napalunok ako. Mas mabuti na ang diretsahan kaysa magpakatanga na naman. Hindi ko na hahayaang madurog niya na naman ako.

Hindi ko na siya pinansin nang bumukas ang glass door at iniluwa no'n si April na ang angas sa suot na damit.

Saan naman ang lamay nito? Bakit black na black?

"Oh! Hi my friend!" Pinasayad niya pa talaga ang boots sa sahig habang naglalakad palapit sa akin.

Napanguso ako. Kawawa naman ang sahig ko!

"Saan ka? Bakit ganiyan ang suot mo?"

"Ang angas ko ba?" Inayos niya ang sleeveless na black saka ngumisi sa akin.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now