Nilabanan niya ang tingin ko. Imbes na matakot sa kanya ay nginitian ko pa siya. "Sinasabi ko lang po ang naiisip ko. Hindi po kasi ako sinungaling" pagbibida ko pa sa kanya kaya naman mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Siguradong inis nanaman ito.


Sa huli napabuntong hininga na lamang siya na para bang suko na siya. Hindi na siya makikipagtalo at ako na ang panalo. Sabi na, hindi ako madaldal.


Umakyay kami sa may burol. Iniwan namin ang kabayo at tinali sa maliit na puno ng mangga. Libre tyansing ulit ako ng hawakan niya ang kamay ko habang paakyat kami duon. Kung hindi lang masyadong halata ay magkukunwari ulit akong medyo nahihirapang makaakyat para makayakap ulit.


May puno ng acasia duon, malaki iyon ay halos katabi na ng burol. Iyon din ang nagsisilbing silong sa may lugar. "Senyorito, talikod po kayo. Picturan ko po kayo" sabi ko sa kanya at ako pa mismo ang nagpwesto sa kanya sa magandang spot para mapicturan. Sinimangutan niya ako.


"Ayoko, Tathriana" matigas na sabi niya kaya naman nagpuppy eye ako.


"Baby naman..." paawa effect ko. Napangisi din ako sa dulo dahil medyo nakaramdam din ako ng kilig dahil sa sinabi ko.


Nagtiim bagang siya. Kita ko ang mas lalong pagdilim ng tingin niya sa akin. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo..." problemadong sabi niya.


Wala sa sarili niyang sinunod ang gusto ko kaya naman mabilis akong nagclick, natawa ako ng wala siyang kamalay malay sa ginawa ko. Nakasimangot siyang lumingon sa akin kaya naman mabilis kong itinago ang cellphone ko mula sa aking likuran.


"Hindi ko na din po alam ang gagawin ko sa inyo. Ang sungit sungit mo po" problemadong sabi ko sa kanya, ginawa kung paano niya iyon sinabi kanina.


Naginit ang pisngi ko ng makita ko ang bahagya niyang pagnguso, nagiwas siya ng tingin pero nakita ko pa din ang pagkakakagat niya sa kanyang pangibabang labi. Hay naku, kunwari pa itong si Senyorito.


Umupo ako sa malaking bato. Ichecheck ko kung ano ang pwede kong gawing wallpaper. Busy ako sa pagswipe sa aking gallery ng maramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Nang tingalain ko siya ay nagulat ako ng makita kong nakatapat na din ang cellphone niya sa akin. Para bang pinipicturan din niya ako.


"Pinipicturan niyo po ako?" tanong ko. Sana naman sinabo niya para naman nakapaghanda ako. Baka ang pangit ko duon mamaya, nakakahiya naman.

Nagtaas siya ng kilay sa akin, marahang umiling. Sungit!

"Naghahanap lang ako ng signal" palusot niya. Alam kong palusot lang iyon, malakas ang pakiramdam ko. Palusot.com

"Weh...weh..." pangaasar ko sa kanya kaya naman sa huli ay napahalakhak din siya.


Napangis ako. Nagawa ko pang suklayin ang aking buhok. Umayos ako ng upo at matamis na ngumiti.


"Ayan na po. Pwede mo na akong picturan" pagprepresinta ko. Ngumisi siya.


"Ang kapal ng mukha mo" natatawang sabi niya sa akin pero itinapat pa din niya ang cellphone niya sa akin. Imbes na pansinin ang sinabi niya ay mas lalo akong ngumiti sa harap ng kanyang camera.


Tumayo ako ng makita kong ibinaba na niya ang cellphone niyam tapos na siyang kuhanan ako ng picture. Lumapit ako sa kanya para tingnan ang mga kuha niyang litrato. Nagulat ako sa una kong pagdungaw ay kaagad kong nakita kung ano ang wallpaper niya. Picture namin iyon nung nasa loob kami ng sasakyan niya, yung kumain kami ng burger king.


The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Onde histórias criam vida. Descubra agora