"Just stay with me. Iyon lang Miguel." this time I grabbed the collar of his polo shirt and kissed him angrily. Ang manatili lang siya sa tabi ko ay wala na akong mahihiling pa. Mapusok ko siyang hinalikan, I even bit his lower lip and he groaned. Mabilis niya akong inilayo na parang napapaso kaya naman napaawang ang bibig ko.

"We can't do this Yvette. Kakatapos mo palang sa D&C." inirapan ko siya at humalukipkip.

 Nakalimutan ko nga palang hindi pa ako maaaring makipag-sexual intercourse kaya nanghihinayang akong nagpapadyak habang sumisilay naman ang aliw na aliw na ngiti ni Miguel. Sa sobrang seryoso ng mukha niya ay minsan natatakot akong baka mabasag iyon dahil ngumiti siya. Ganoon siya kaseryoso tignan! Minsan iniisip ko kung ano ba iyong tumatakbo sa utak niya, if nagpaplano ba siya ng isang krimen o isang bagong tuklas na sakit dahil sa sobrang lalim niyon.

 Ngumuso ako at siniko lamang siya sa tagliran hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Natutuwa akong napapatawa ko ang isang katuald niya kahit hindi naman talaga ako nagjojoke.

"Let's make out, iyan lang ang maiaalok ko sa iyo ngayon darling." yakap niya sa akin mula sa likuran at ipinatong ang baba niya sa may balikat. Bigla akong natawa sa posisyon namin dahil matangkad si Miguel at nakakangalay ang ginagawa niya lalo pa at 5 flat lang naman ako. He's a foot taller than me.

"I want you." nakasimangot kong saad subalit hinalikan lang niya ako sa may pisngi at pinagdikit ang mga mukha namin.

"Anong diversion ba ang gusto mo? Pwede nating libutin itong Baguio City kung gusto mo?" saglit akong nag-isip ng maaaring gawin rito sa Baguio ngunit sumuko rin ako dahil ayokong lumabas ng hotel room naming dalawa. Imbes na sagutin siya ay hinila ko na lamang siya sa may kama at pumaloob ako sa may comforter. Tinapik ko pa ang bakanteng bahagi ng kama senyales na pinapahiga ko siya sa tabi ko.

 Nang makahiga sa tabi ko ay mabilis akong pumaloob sa kanyang bisig at ang marahang tibok ng puso niya ay mas lalo pang nagpapakalma sa akin kasabay ng mainit na hatid ng kanyang balat sa akin. I could stay like this forever. I drew sweet nothings on his chest at mukhang hindi man lang siyang nakikiliti. Walang salita ang namagitan sa amin, it's quiet but not awkward. Nang tingalain ko siya ay nakamasid lamang siya sa may kisame at mukhang nasa malalim na naman na pag-iisip. Magbabayad ako ng ilang milyon malaman ko lang kung ano yang iniisip mo Miguel.

I poke his cheek kaya naman nabaling sa akin ang atensyon niya.

"Tell me about your family Miguel." ilang gabi ko na rin kasing tinatanong sa sarili ko kung alam ko na nga ba lahat kay Miguel. Mararami akong naririnig mula sa ibang tao ngunit gusto kong malaman mismo ang lahat ng iyon mula kay Miguel. He's still a complete stranger for me, kahit simple lang ang mga iyon ay nais ko pa ring malaman.

 Ang payo sa akin noon ni daddy ay kung magmamahal ako ay sana iyong mapagkakatiwalaan ko. Kahit daw pangalawa na lang ang love basta laging nasa top list ay ang trust and faith. I still don't know if I love him because I trust him enough or it should be the other wat around. Para sa akin ay dapat na laging balanse si love at faith, kung wala ang isa hindi magtatagal ang isang pagmamalan.

 Palalagpasin ko na sana ang tanong ko kay Miguel ng ilang segundo na ang nakakalipas ay hindi pa rin siya sumasagot kaya naman napaangat ang tingin ko sa kanya ng magsalita siya habang nakatingin pa rin sa may kisame, sinasariwa ang mga ala-alang sana'y hindi ko na pala itinanong.

"My mother was a prostitute." halos ibulong ko na lamang ang "was".

"Kilala mo na ang ama ko. Nabuntis niya ang nanay ko habang sila pa ng mama mo. See, noon pa lang ay niloloko na niya ito. Siya ang pinakatusong taong nakilala ko na ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ako magiging tulad niya." mabilis akong sumang ayon na hindi siya katulan ni Steven. Definitely not! Iyong mga tao pa lamang sa Malabrigo ay sapat ng ebidensya na mabait siya at malayong malayo sa kanyang ama.

"Walang akong ina, wala rin ang ama ko para alagaan kaming magkapatid...." wait? What? May kapatid siya?! Pinigilan ko ang sarili kong magtanong siguro'y mamaya na lamang dahil baka maudlot pa itong kwento ni Miguel. Minsan lang siyang mag open up kaya ayokong masira iyon.

"Nabuhay kaming dalawa sa may lansangan, ang kapatid ko katulad siya ng ama ko. Ganid at tuso para mabuhay. Habang ako ay naglalako ng sampaguita siya naman ay naging miyembro ng mga batang nagnanakaw sa may Quiapo. Hanggang sa huli ay nahuli siya dinala sa Boys Town, kahit na ganoon siya walang makapaghihiwalay sa aming dalawa.

Aniya'y kami lang daw ang magkakampi sa malupit na mundong ito kaya ano pa ang dahilan para maghiwalay kami. Sumama ako sa kanya, pinag-aral kaming dalawa hanggang sa nakatapos ako ng highschool at nakakuha ng scholarship sa UP. Sinikap kong baguhin ang kapalaran ko, hindi ako tutulad sa ama at kapatid ko. Habang ang kapatid ko ay nilulustay ang buhay niya sa alak at sugal ako naman ay hayun nagsusumikap makaahon sa lugar na ayoko ng balikan." dahil sa kwento ni Miguel ay mas lalo yata akong humanga sa kanya. Noong bata ako walang ibig ko ang hindi naibibigay sa akin nila mommy yet pakiramdam ko ay pinagdadamutan pa rin ako habang siya nagpapakahirap para lang makaahon sa hirap.

"Nang makalaya si Papa ay pinag-aral niya ako ng medisina, iniahon niya kami sa hirap ng kapatid ko. Hindi siya perpektong ama, sinasaktan niya kaming magkapatid kapag nagagalit siya ngunit masasabi kong minahal niya kami. Pinakain, pinag-aral at binihisan iyon pa lamang ay bayad na siya sa ilang taon naming paglalaboy sa lansangan, bayad na iyon sa ilang gutom at lamig na tiniis namin ni Kuya.

Malaki ang utang na loob namin sa kanya kaya lahat ay gagawin namin para sa ikasasaya niya. You won’t understand it Yvette, magagawa ko ang lahat para sa kanya kahit kabaligtaran pa sa lahat ng pinaniniwalaan ko." What a grateful child. Iyan lang ang kaya kong i-komento sa kwento niya. Marunong siyang tumanaw ng utang na loob sa ama niya hindi katulad ko na naiinis pa kapag pinoprotektahan ng sariling ama. I must say na lumaki nga si Miguel na mabuting tao at may malambot na puso. Ang respeto niya sa Papa niya kahit na dati pa itong kriminal ay nagpapakita na nagtagumpay siya sa nais siya. Hindi siya naging katuald nito.

Hindi na ako nagtanong pa at nagpadala na lamang sa pagsusuklay ni Miguel sa aking buhok gamit ang kanyang daliri. Iisipin ko na lamang na bed time story iyon dahil unti-unti na akong iginugupo ng antok. Ang malamig na hangin, malambot na kama, yakap ni Miguel ay nagdadala ng comfort sa akin. Sa loob ng ilang buwan na puno ng tensiyon ay nakahanap ako ng pahingahan at iyon ay sa bisig ng taong pinakamamahal ko.

Alas kwatro na ng hapon ng magising ako at wala si Miguel sa tabi. I felt a sudden hollow on my chest, sa tuwing nagigising na lamang ako sa isang masarap at payapang tulog ay wala naman siya sa tabi ko. I tried to reach for my jacket ngunit wala iyon sa bedside table kaya napagpasyahan kong tumungo sa may maleta upang kumuha ng panibago, hapon na at kumakapal na rin ang hamog sa labas kaya mas lalo akong nanginig sa lamig. Una kong hinalughog ang maleta ni Miguel dahil mas gusto ko iyong mas malaking jacket at napangisi ako ng makita iyong itim niyang jacket, branded iyon at nang amuyin ko ay naroon ang amo niya. Pinaghalong farbric conditioner at ng kanyang Armani Code na pabango hindi ko tuloy maiwasang amuyin iyon. I look fetish. Haha. Isusuot ko na sana iyon ng may kung anong kuminang mula sa hood kaya naman mabusisi ko iyong sinuri. I gasped in horror, pilit kinilala ang isang maliit na bagay na iyon. Hindi ako maaaring magkamali, that’s the same earring. Mabilis ko pang tinungo ang bag ko at hinalughog ang kaparehas na iyon. Sa nanghihinang mga tuhod ay napaupo na lamang ako sa sahig at isang malaking katanungan ang pumaloob sa utak ko.

“Anong ginagawa nito sa jacket ni Miguel?”

to be continued...

4 chapters to go...

FB: BonitaBabyy WP

Instagram: asdfgaile

Twitter: BonitaBabyy

The Virgin's First Night 8: Had No MercyWhere stories live. Discover now