PANAGINIP

89 6 0
                                    


Isa 'tong kakaibang magandang mundo
Sa pagpikit pa lamang ng mga mata ko
Pansamantala munang makikigulo
Katumbas ay sobrang sayang dulot nito

Buhusan man ng tubig na isang litro
Huwag lamang ang tubig na puno nang yelo
Hayaang matikman ko ang aking gusto
Pag-uulit ay hindi pa sigurado

Muling may pumasok sa isipang ito
Pag-alis ay huwag lang sana mula sayo
Unang beses para talagang totoo
Sulitin na lang na parang may okasyon

Tititigan ka sa ganitong sitwasyon
Tatabihan ka kung may pagkakataon
Maglalakbay kahit abutin ng alon
Buhay ay gusto dito lang nakatuon

Pagkatapos namulat ang mga matang to
Ngiti'y hindi maalis sa labi ko
Na kahit sa panaginip lamang ito
Tuwa at galak na mula sa aking puso.













In my dream you are mine, but in My life You are my dream. (aray krass)
-unknown













DON'T FORGET PO TO CLICK THE ⭐STAR⭐ TO VOTE IF YOU ENJOYED READING OR LOVE THE POEM.

🔸KUNG MERON PONG WRONG GRAMMAR PAKI NOTICE NA LANG PO SA COMMENT 👇🔸

POEM for you (fallen)Where stories live. Discover now