Ngayon ang unang araw ni Mayeth sa trabaho. Wala namang masamang nangyari sa kanya,taliwas sa iniisip niya kanina habang papunta sa pagtatrabahuan niya.
Nasa sala sila ngayon ng kanyang alaga. Well,base on her observation,mabait naman ang bata. Tahimik at medyo ilang sa tao.
Hinayaan na muna niya itong itrace ang mga letters ng alphabet nang maaliw naman ito.
"Mayeth,kumain na muna tayo. Tanghali na," tawag ni Mia sa kanya. Isa ding kasambahay.
"Sige,Mia. Susunod kami ni Sean," pagtukoy niya sa bata.
Tumango lamang ang isa at umalis papunta sa kusina. Doon daw sila kumakain pag wala ang mga amo nila. Taliwas sa bilin ng mga ito na doon na lamang kumain kahit wala sila.
Niligpit na muna niya ang mga gamit ng bata bago niya ito inaya kumain. As usual wala pa din itong imik. Hindi siya sanay. Sa probinsya kasi nila,ang mga bata dun pumuputak-putak na ang bibig. Hindi katulad nitong alaga niya.
Napabuntong-hininga na lamang siya at binuhat niya ito papunta sa kusina.
"Sean,what do you like to eat?," tanong niya rito nang nakaupo na sila.
"It's up to you,ate," sagot nito.
Napailing na lamang siya at sinandukan ito ng kanin. Pinarisan niya ito ng sinigang. Kumain naman ito ng subuan niya. Hindi rin mapili sa pagkain.
"Mia,nasaan pala si Aling Anita?," takang tanong niya rito.
"Ah,martes kasi ngayon. Schedule niya sa pamamalengke," sagot nito.
Tumango na lamang siya.
Nasa kwarto sila ngayon ng kanyang alaga upang patulugin ito.
"Ate,ayokong matulog. Di ako sanay," sabi nito.
"Kailangan mong matulog nang tumangkad ka," sagot niya rito.
"Matangkad naman kami,ah," nakalabing sagot ng bata sa kanya.
"Iba pa rin pag natulog ka sa tanghali," sagot niya rito. "Pikit mo na mata mo."
Sinunod naman siya nang bata.
Hayy,hanggang ngayon namamangha pa din siya sa mga nakikita niya.
Kung nakatapos lang ako sa pag-aaral,hindi kami magiging ganito.
Sabi niya sa sarili. Bothered na bothered siya sa pamilyang iniwan niya sa probinsya nila.
Namimiss niya din ang mga ito.
Kung sana nga lang biniyayaan sila ng marangyang buhay.
"Ate,why did you leave me," antok na tanong ng alaga niya. Bagong gising pa ito.
"Gising kana pala. Tinulungan ko lang kasi silang mag-ayos ng garden niyo,"pagtukoy niya kay Mang Pido. Hardenero nila.
"You're suppose to be by my side until I wake up!," umiiyak na itong sumagot sa kanya.
"Hala,'wag kanang umiyak. Tahan na. Di na mauulit. Tara na sa loob," yaya niya rito. "Mang Pido,pasensya na po. Tutulungan ko nalang kayo ulit. Aasikasuhin ko muna si Sean," pagpapaalam niya dito. Tumango na lamang ang matanda.
"Sean,what do you like to eat?," tanong niya rito. Dinala niya kasi ito sa kusina.
"Cuddle. I want cuddle,"naglalambing na sagot nito.
Kinarga na lamang niya ito. Pumunta na muna sila sa may pool area at doon umupo. Ayaw pa ding bumaba ng bata.
Nagtataka na lamang siya sa inaasta ng bata. Di pa naman siya nakakaisang araw sa kanila pero kung makalambitin sa kanya parang matagal na silang magkakilala. Naging madaldal na din sa kanya ang bata. Madaling nakapagpalagayan ng loob.
Naaalala na naman niya ang kapatid niya rito.
" Mayeth,tulog na tayo. Maaga pa tayo bukas,"sambit ni Mia sa kanya. Nasa iisang kwarto kasi sila. Sina Aling Anita at Mang Pido ay umuuwi na lamang gawa ng may mga sariling pamilya ang mga ito at malapit lang din naman ang mga bahay nila.
Habang nakahiga'y binabalikbalikan niya ang nangyari kanina.
Napagtanto niyang sobrang bait ng mga amo niya. No wonder nagtagal si Aling Anita sa kanila.
Nabanggit rin kanina nang mga amo niya na may isa pang kapatid ang alaga niya. Kaya nga lang nasa ibang bansa pa ito upang doon tapusin ang pag-aaral.
Nagse-self pity na naman siya. Ibang-iba kasi ang buhay ng mga ito sa kanya. Gusto lang talaga niyang makatapos at matupad ang kanyang mga pangarap para sa kanyang pamilya.
Nakatulog na lamang si Mayeth kakaisip. Mahimbing ngunit may luhang pumatak gawa ng kalungkutan.
YOU ARE READING
String attached
Short StoryHow could it be possible if an ugly duckling was married to the most handsome swan in the lake? Mayeth Dela Fuente,23 years old,maganda,mabait,maaalahanin at matulungin. Posible kayang magustuhan siya ng kanyang amo kapag nalaman nito ang kanyang tu...
