Maagang nagising si Mayeth araw ng Linggo,mag-iisang linggo na siya ngayon dun sa tiyuhin niya ngunit wala pa din siyang nakikitang trabaho na babagay sa kanya.
Education ang kinuha niyang kurso sa college,kung tutuusin madali lang siyang makapasok sa pinagtatrabahuan ng tito niya,sa katunayan nga inalok siya nito,si Mayeth lang yung tumanggi. Nahihiya lang kasi siya sa tito niya,marami na itong naitulong sa kanila ng mama niya simula nung namatay ang tatay niya.
Nahirapan lang siya kasi naiwan niya sa dati niyang school ang mga records niya,kaya di niya magawang mag-apply sa mga malalaking company na nasa Manila.
Nagdaan pa ang tatlong araw ng may bumisita sa bahay ng tito niya,kamag-anak ito ng tita niya,naghahanap daw ito ng maipapasok na kasambahay dun sa pinagtatrabahuan nito. Nakikinig lang si Mayeth ng mga oras na iyon,nasa papag siya naglalaro sa bagong cellphone na binigay ng tito niya sa kanya.
"Mayeth,may ipapakilala ako sayo,halika dito,"tawag ng tita niya sa kanya. Tumayo siya dun sa papag at pumunta sa sala kung saan nandun ang bisita nila.
"Siya ang pamangkin ng asawa ko,galing probinsya,"pagpapakilala nito sa kanya.
"Narinig ko sa tita mo,nagcollege ka raw,bat di mo tinapos?"tanong nito sa kanya.
Sinabi niya dito ang dahilan kung bakit ganun ang nangyari,tanging tango lang ang sagot niya rito.
"Okay lang ba sayo na ikaw kuhanin kung maging yaya sa anak ng amo ko,malaki naman pasahod dun,10k yung starting. Tuturuan mo lang naman yung bata,3 years old pa lang di pa nag-aaral. Yaya/tutor ka niya,tamang tama kasi sa course mo,okay lang ba?,"sabi nito sa kanya.
"Uhm kung ganun naman po ang pasahod okay lang po sa akin. Mabait naman po ba sila,"sagot niya dito.
"Aba,syempre mababait sila,"sabad ng tita niya sa usapan,nangaling din pala dun tita niya dati.
"Go po ako diyan,kailan po ba?,"tanong niya dito.
"Sa susunod na Lunes kita pupuntahan ulit dito ,kakausapin ko muna sila,"pagsasabi nito sabay paalam sa kanila.
Nang makaalis na ito'y kinausap siya ng tita niya about dito. Desidido ma talaga siya,kailangan na niyang makapagtrabaho,iniisip niya yung nanay at kapatid niya sa probinsya.
Dumating ang araw ng lunes,gayak na gayak na si Mayeth para sa unang trabaho niya.
" Mayeth,tapos kana ba? Papunta na daw rito si Anita para sunduin ka," tawag nito sa kanya mula sa sala.
"Opo tita,tapos na po ako. Aayusin ko lang po ang pinaghigaan namin," sagot niya rito.
Pagkatapos niyang mag-ayos lumabas agad siya at sakto namang pagdating ng susundo sa kanya.
Umalis agad sila upang mas maaga siyang mapakilala sa mga amo niya.
Pagdating sa bahay ng amo niya,namangha siya sa nakita niyang karangyaan. May malaking garden,may swimming pool na nakikita niya ng maayos kahit malayo ang kinatatayuan niya. Glass yung wall kasi.
"Oh,Mayeth pasok na tayo. Nag-hihintay na sila ma'am at sir sa atin," ayaw pansin ni Aling Anita sa kanya.
"Ahh,O-opo," nauutal niyang sagot. Nahiya ba naman siya. Nahuli ba naman siya nitong nakatulala sa kabuuan ng bahay.
Pumasok na sila't dumiretso sa living room,kung saan nandun nakatambay ang mag-asawa kasama ang babantayan ni Mayeth.
"Ma'am ,sir,magandang araw po. Ito po si Mayeth,ang pamangkin ng asawa ng aking pinsan. Siya po yung tinutukoy ko kahapon," pagpapakilala ni Aling Anita sa kanya.
"Magandang araw po sa inyo," pagbati niya sa mga ito.
"Good morning din sa inyo. Oh,Mayeth. Right?," pagtatama nito sa pangalan niya. "Okay lang ba sa iyong stay in ka dito? Alam mo naman maliit pa itong anak ko at kailangan ng magbabantay talaga," sabi nito.
"Okay lang po ma'am ," pag-sang-ayon niya rito.
"Oh sige, bukas bumalik ka dito,magsisimula kana," nakangiti nitong saad.
"Talaga po ma'am ? Maraming salamat po," sobrang galak na sambit niya.
"Oh siya,bukas niyo nalang pag-usapan ang dapat na gawin niya,Carms,may pupuntahan pa tayo," sabay tayong sabi ng amo niyang lalaki sa asawa nito. " Mayeth, feel free dito sa bahay,pag nagstart kana. 'Wag kang mailang,pamilya tayo dito. Okay,"nakangiti nitong sabi bago umalis.
Nang makaalis na ang dalawa. Niyakap ng mahigpit ni Mayeth si Aling Anita.
"Maraming salamat po,nang dahil po sa inyo may trabaho na ako," masayang turan niya dito.
"Wala iyon,sino pa ba ang magtutulungan," ganting yakap nito sa kanya. "Oh siya,umuwi ka muna at magpahinga,aayusin ko lang iyong higaan mo," saad nito habang hinahatid siya sa gate.
"Maraming salamat po ulit,alis na po ako," pagpapaalam niya dito.
Sa byahe pauwi ,hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi. Masayang-masaya siya sa trabaho niya. Nang nasa bahay na siya'y kaagad na ibinalita niya ito sa tita at tito niya. Katulad niya'y masaya din ang mga ito sa una niyang trabaho.
Hanggang sa kanyang paghiga,hindi pa rin nawala ang saya sa kanyang puso. Nagpaplano na siya ng mga bagay-bagay para sa pamilyang naiwan sa probinsya. Hindi muna niya ipinaalam sa mga ito na may trabaho na siya. Balak niyang sa araw ng sahod na lamang niya ang mga ito pagsasabihan.
Nakatulog na lamang siyang may ngiti sa labi.
-----------
KAMU SEDANG MEMBACA
String attached
Cerita PendekHow could it be possible if an ugly duckling was married to the most handsome swan in the lake? Mayeth Dela Fuente,23 years old,maganda,mabait,maaalahanin at matulungin. Posible kayang magustuhan siya ng kanyang amo kapag nalaman nito ang kanyang tu...
