Pahina 13

609 24 2
                                    

TRISTAN ^^

Masaya ako dahil muli kaming nagkita ni Alex at gumaan ang pakiramdam ko nang humingi ako sa kanya ng tawad ngunit hindi ko maintindihan yung sinabi nya sakin na hindi ko daw alam ang totoo .

" Babe , malunod ka sa iniisip mo ", nabalik ako sa reyalidad nang tumabi sakin si Lyanna .

" Masaya lang ako ", wika ko at ngumiti sa kanya .

" Masaya ka dahil nakita mo si Alex ", pang aasar nya .

" Dahil malapit na tayong ikasal , kung ano ano iniisip mo ", nakangisi kong wika .

" I want to meet her again , ang ganda nya pala para syang perfect ", mangha nyang sambit .

" Pagtapos ng kasal natin uuwi tayo ng Batangas pero ngayon magpasukat ka muna ", utos ko sa kanya .

" Una kana ", pabalik nyang utos sakin .

" Tinotoyo ka na naman , sige na pasukat kana ", nakangiti kong sambit .

" Ayaw ko na nga magpakasal sayo ", nakanguso nyang sambit .

Babae nga naman .

" Sabay nalang tayo , papakasalan mo ako diba ", lambing ko sa kanya .

" Ayoko , pasukatan mo yang manikin , yan ang pakasalan mo ", inis nyang sambit .

" Heto na nga papasukat na po madam ", nakangiting saad ko at tinawag ang magsusukat .

Sinukatan ako ng babae at nakita kong masama ang tingin ni Lyanna sa nagsukat sakin .

" Ikaw na po ", sambit ko sa kanya .

" Pilitin mo ako ", nakanguso nyang sambit .

" Sige na babe please , ayiee papayag na yan ", pamimilit ko sa kanya na madalas kong gawin .

" Hindi ako napilit ", masungit nyang sambit .

" Babe please , marry me , love mo ako diba ? ", paglalambing ko at napangiti ako ng tila lumalambot na sya .

" Napaka mapilit mo , ate, sukatan muna ako ", masaya nyang sambit at sinukatan sya ng babae .

Nakangiti sya habang nagpapasukat , kitang kita sa kanya ang saya , sayang lagi kong nakikita sa mga mata nya kapag magkasama kami .

Matapos syang sukatan ay namili na kami ng mga design na gagawin sa simbahan at reception .

" Kain na tayo ", wika ni Lyanna .

" After that pupunta tayong fast food ha , for now , mamili ka muna ng bouquet mo ", wika ko sa kanya na parang bata na nakasubsob sa mesa .

" I want that ", wika nya habang nagniningning ang mata na nakatingin sa picture ng isang bouquet .

Pinaghalong puti at pink ang bulaklak na napili nya , naalala ko tuloy si Alex na paborito din ang ganyang kulay ng bulaklak .

Nakonsensya ako dahil sya ang pinangakuan ko ng kasal pero sa iba ko naman ito tinupad .

Nakakalungkot man pero tinanggap ko na ang katotohanang kami ni Lyanna ang itinakda ng tadhana , ang bading ko .

Makalipas ang ilang linggo ay masaya akong gumising ng maaga at -

" This is it ! ", tuwa kong sigaw .

" Tristan , late ka gumising ", sermon sakin ni Mommy.

Her Choice ✔Where stories live. Discover now