Pahina 6

675 30 0
                                    

TRISTAN ^^

" Aray , Gail , tigilan muna ang pagpisil sa pesnge ko ", inis na sambit ni Alex sa akin .

" Sorry na ", paghingi ko ng tawad sa kanya .

" 'wag muna ulit gagawin iyon ", wika nya sakin .

" For you , happy birthday Alex ", masaya kong bati at binigay sa kanya ang tatlong pulang lobo saka bouquet ng bulaklak .

" Salamat Gail , akala ko ay iyo ng nakalimutan ang aking kaarawan ", kita sa mata nya ang saya ng binigay ko ito sa kanya .

" Makakalimutan ko ba naman yun ", wika ko at nilagyan sya ng piring sa mata .

" Bakit mo nilalagyan ng taklob ang aking mata ? ", inosente nyang tanong .

" Basta , surprise ", wika ko .

Inilalayan ko sya maglakad papunta sa manggahan na lagi naming pinupuntahan .

" Tagkalin mo na yung piring mo ", wika ko at sinunod nya ang sinabi ko .

Pumunta na ako sa pwesto namin para sabay sabay namin syang batiin pero failed .

" Gail , ayaw matagkal ",sambit nya .

Nilapitan ko sya at napatakip ako sa noo , naibuhol ko pala yung panyo na pinang blindfold ko sa kanya .

" Ayan na tagkal na ", wika ko ng matanggal ang blindfold .

" Happy 17th Birthday Alex Andrea ", sabay sabay naming sambit at inabot ko sa kanya ang cake .

Kasabwat ko ang mga magulang ko at magulang nya sa pag gawa ng surprise na ito , tumulong na din ang mga kaibigan namin .

" Ohh Alex , bakit ka umiiyak ? ", tanong ko sa kanya ng lumandas ang luha nya .

" Ngayon lang ako nagkaroon ng handa sa aking kaarawan , ngayon ko laang naranasan ang ma sorpresa ", umiiyak nyang wika .

" Hayaan mo na yun Alex , make a wish na and blow the candle ", wika ko at inilapit sa kanya ang cake .

" Yeyy ! ", sigaw ni Yzel at pumalakpak sila .

" Kain lang po kayo ", wika ni Mommy sa mga pumuntang bisita.

" Gail , maraming salamat sa iyong ginawa , lubos mo akong napasaya ", wika nya sakin at hinalikan ako sa pesnge .

Natulala ako sa kanyang ginawa at naramdaman kong uminit ang aking pesnge sa ginawa nya.

Ninakaw nya ang first kiss cheeks ko , joke walang ganun.

" Pasensya na kung hindi mo nagustuhan ", paumanhin nya .

" Gustong gusto ko nga e, nabigla lang ako , bakit mo yun ginawa ? ", nakangiti kong tanong .

" Iyan ang regalo ko sa iyong kaarawan , hindi ba't bukas na iyon ?", paliwanag nya .

" Oo nga pala ,salamat Alex ", nahihiya kong pasalamat .

" Dreah , mauna na kami ni Tristan , happy birthday ulit ", paalam sa kanya ni Mommy at nagpasalamat si Alex sa kanila .

" Good morning Tristan ", masayang bati ni Mommy sakin na may dalang cake .

" Good morning Mommy ", balik kong bati sa kanya.

" Blow your candle anak ", masayang wika ni Daddy .

Nag wish ako at hinipan ang kandila saka kumain kami ng almusal .

Hindi ako pumayag sa plano nina Mommy na party dahil ang gusto ko lang naman ngayong birthday ko ay makasama si Alex .

Hindi ko maintindihan pero gusto ko talagang makasama sya ngayon .

" Sayang naman anak kung sana nag pumayag kang magkaroon ng party , miss ko na yung mga amega ko ", reklamo ni Mommy .

" Gusto ko lang talaga makasama ngayon si Alex Mommy e , sorry po ", paghingi ko ng paumanhin .

" Okay lang anak , ang mahalaga ay kung saan ka sasaya ", wika ni Mommy at ngumiti ako .

" Una na po ako Mommy , Daddy ", paalam ko sa kanila at lumabas na ng bahay para pumunta sa aming tagpuan .

" Wala naman sya dito , himala yuna ah , nauna ako sa kanya pumunta dito ", wika ko sa sarili ko nang makarating na sa manggahan .

" Happy Birthday ", nagulat ako ng may yumakap sa akin mula sa likod .

Napangiti ako dahil kahit nakatalikod ako ay kilala ko ang maganda nyang boses .

" Salamat Alex ", nakangiti kong wika .

" Para sayo ito , sana alagaan mo ", wika nya at binigay ang isang paso na may nakatanim na maliit na puno ng mangga.

" Bonsai ang tawag diyan ", wika nya .

( Nasa cover yung gift ni Alex kay Tristan )

" Ang cute naman ", tuwa kong sambit .

Maghapon kaming namasyal sa aming hacienda at hindi sya nabigong pasayahin ako .

Dumating ang hapon at tumungo kami sa manggahan upang panoodin ulit ang sunset .

" Bye Alex ",paalam ko ng umuwi na kami .

Hindi ko alam ang nararamdaman ko dahil parang nasaktan ako nung nag paalam ako sa kanya .

Inalis ko na lamang ang iniisip ko na yun at masayang sinaluhan sa pagkain ang aking mga magulang.

" Good morning Mommy , Daddy ", masaya kong bati sa kanila ng ako ay magising .

" Mommy , Daddy , may problema po ba ? ", tanong ko dahil napansin ko ang pagkatahimik nilang dalawa .

" Anak , alam kong ayaw mo na halos umalis sa lugar na ito pero kailangan na e ", malungkot na wika ni Daddy .

Parang nanghina ang tuhod ko ng sabihin ni Mommy ang katagang iyon .

" Mommy bakit ? ", paiyak kong tanong .

" May nakabili na ng hacienda natin anak ", sambit ni Daddy .

" What ?! Pumayag kayo ? ", tumaas ang aking boses na pinagsisihan ko naman .

" Kung hindi natin ibebenta ang hacienda ay ibabagsak nila ang kompanya natin anak , hindi pwedeng bumagsak yun dahil pinaghirapan yun ng lolo at lola mo ", paliwanag ni Daddy .

" Pano po sina Alex ? ", naiiyak kong tanong .

" Napag usapan na namin yan , nangako silang hindi sila magtatanggal ng tauhan natin , don't worry , kapag nakabayad na tayo ay mababawi na natin itong hacienda ", seryosong sagot ni Mommy.

" Bukas din ay aalis na tayo at babalik sa Laguna , no worries dahil na'transfer na kita sa dati mong school ", wika ni Daddy .

Sa pagkakataong yun ay hindi ko na napigilan ang luha ko at lumandas ito sa aking pesnge .

" Alis lang po ako ", umiiyak kong paalam sa kanila at tumakbo palabas .

Kaya pala nasasaktan ako kahapon ng walang dahilan.

Updating...

Her Choice ✔Where stories live. Discover now