Pahina 1

3.4K 51 1
                                    

ANDREA ^^

" Anak, ika'y maghain na ng umagahan at ng tayo ay makakain na . Pupunta pa tayo sa bukid upang magtanim ng palay ", wika ng aking ina ng ako ay matapos magluto ng agahan .

" Opo inay , kayo'y umupo na lang muna at ako ay magsisimula nang maghain ", aking sambit at naghain na sa maliit naming lamesa .

Tatlo kaming magkakapatid at ako ang pangalawa , ako'y nag iisang babae , ang aking nakakatandang kapatid ay si Kuya Mikael , labing pito ang kanyang edad.  Si Rafaela naman ay ang aming bunso , anim na taong gulang . Ako naman si Alex Andrea , labing lima ang edad.

Naghain ako ng kanin na aking sinangag at pritong talong na ang sawsawan ay bagoong . Naghain din ako ng saging at kamote mula sa aming tanim .

" Ito na ho inay , tayo ay kumain na at ng maaga tayong makapag simula sa pag tatanim ng palay ", wika ko at lumapit na sila .

" Dreah (dreya) , anak , kayo ng kuya Kael mo ay magtanim na lang dito sa bakuran ng sitaw at okra .Kami na ang bahala sa palayan ",sambit ni itay .

" Sigurado po ba kayo itay ? Baka po kayo ni inay ay mapagod ", saad ko naman .

" Wag na kayong mag alala anak , kami naman ng inyong tatay ay malakas ", sambit ni inay .

Kami ay nagkwentuhan lamang habang nakain , masaya ang pamilya namin at kuntento na ako dun . Mahal ko ang inay at itay kahit kami ay hindi nila kayang pag aralin . Oo kami'y huminto na sa pag aaral sa kadahilang humadlang samin ang kahirapan .

Natapos na kami sa pagkain at ang aking mga magulang ay nag tungo na sa palayan upang magtanim ng palay . Ang lupang kinatatayuan ng aming bahay at pinagtataniman ng palay ay hindi sa amin . Tauhan lang kami ni Don Hanzo at Doña Guinevere . Hacienda ang tawag nila sa lupaing aming pinagtatrabahuhan. Marami kami dito sa lupaing ito .

" Dreah ! Ako baga ay may napapansin ", wika ni kuya kael at lumapit sakin habang ako naman ay nagtatanim ng buto ng sitaw .

" Ano naman kuya ang iyong napapansin ? ", aking wika sa kanya .

" Tingnan mo ang kaibigan kong si Ricardo , aking napansin lamang na siya'y kanina pa nagnanakaw ng sulyap sa iyo ", pang aasar na sambit ng aking kuya .

" Ay kuya naman , ako nga ay iyong tigilan ", saad ko .

" Iyo din namang gusto areng si Ricardo ", wika ni kuya .

Ganyan talaga kami magsalita dahil kami ay may lahing Batangueño ngunit hindI namin ito laging ginagamit .

" Kuya naman ako'y iyong tigilan , wala pa sa aking isip ang mga ganyan ganyan , ala e mauna na ako sa iyong pumanhik sa bahay . Magluluto pa ako ng ating tanghalian e ", sambit ko at pumasok na sa bahay .

Nagluto na lamang ako ng kanin at nanguha ako sa bakuran ng mustasa upang ilahok sa sardinas . Natapos ako nang pagluluto at iginayak sa basket ang dadalhin kung pananghalian sa aming mga magulang .

" Ate , saan ka patungo ? ", tanong sakin ni Rafael .

" Doon lamang ang ate sa palayan , ako'y magdadala lang ng tanghalian ni itay at inay .", aking sagot sa bunso namin .

" Maaari ba akong sumama sa iyo ate ? ", pagsusumamo ni Rafa .

" Oh ay sige , tatanggihan ko ba naman ang aking bunso ", wika ko at ngumiti sa kaniya .

Naglakad kami sa palayan upang marating ang puno ng makopa . Doon kasi naglalagi ang aking mga magulang kapag sila at nagpapahinga .

" Inay , itay .  Ang inyong pananghalian ay aking dala na . Kayo ay kumain muna para magkaroon ng lakas ", wika ko at ibinaba ang dala kung basket saka inihain ang pagkain nila .

" Swerte talaga namin sa iyo anak , masipag na , maalaga pa ", pambobola naman ng aking tatay .

" Naku naman ang itay ", nakangiting saad ko .

" Ay totoo ang sinabi ng itay mo anak , pero buko sa nabanggit ng itay mo ikaw syempre ay maganda din ", pang aasar naman ni inay .

" Ay ina ko nga ikaw inay ", pagbibiro ko .

" Totoo naman ang winika ng ating mga magulang ate ", sabat ni Rafa .

" Ayy naku kayo , kami ni Rafa ay mauna na inay , itay. Ako ay maglalaba pa ng damit natin doon sa batis ", aking paalam .

" Ay sige anak, mag ingat kayo ", wika ni inay .

" Opo inay ", sambit ko at umalis.

Naglakad na kami sa tabi ng palayan . Nagkekwentuhan lang kami ni Rafa sa daan.  Di namin namalayan na andine na kami sa aming bahay  .

Kinuha ko ang sisidlan namin ng damit at kumuha ng sabon . Ipinatong ko ang radyo namin sa aming damit. Ako'y nagpalit ng sando at nagtapis ng tela sa aking baywang .

Nagpaalam na ako sa aking dalawang kapatid at tumungo na sa batis.  Nasa taas ng bundok ang batis kaya ito ay medyo malayo .

Masaya ako dahil nakarating na ako sa batis . Nagbasa muna ako ng kaunti at ipinatong ang radyo sa pantay na bato.  Ganito talaga ako pag naglalaba . Ala e mahilig akong kumanta. Binuksan ko ang radyo at inilagay sa signal .

'Di ko mapigilang mapanakaw tingin
Simple mong ngiti ay sadyang agaw pansin
Tahimik na minamasdan ang iyong bawat galaw
Sa isip ay nilalarawan ang ako at ikaw

Kanta ko habang sumasabay sa kanta ni Julian Trono . Paborito ko ang kantang ito , kaya naman aking sinasabayan .

Isang tingin mo lang bumabagal ang mundo
Isang tingin mo lang kumakabog ang puso .

Awit ko ulit habang kinukusot ko aming mga damit .
Maingat kong binanlawan ang aming damit upang ito ay maging malinis.

"Miss , ikaw ba yung naririnig kong kumanta ? ", napaatras ako ng marinig ko ang tanong ng isang ginoo na sumulpot na lamang .

" Ako nga , bakit iyong natanong ? ", wika ko naman sa kanya.

" Nothing , angelic voice ha ", nakangisi nyang saad .

Naintindihan ko naman ito dahil nakapag aral ako at naka graduate ng elementarya .

" Salamat sa iyo , ngunit ano ang ginagawa mo dito sa batis ? ", tanong ko sa kanya.

" Namamasyal lang ,  then I heard your voice so umupo muna ako dun sa puno at pinakinggan kita ", pangangatwiran nya .

" Ahh ganun ba , ngunit ngayon lamang kita nakita dito ", sambit ko naman .

" I came here for summer vacation , by the way , can I ask your name ? ", muli nyang tanong .

" Alex Andrea Magsaysay  ang aking ngalan , ikaw ba ginoo ? ", aking tanong sa kanya .

" Tristan Gail Fuego", pakilala nya sakin .

" Ano ang iyong relasyon kina Don Hanzo at Doña Guinevere '?", muli kong tanong .

" Ako ang bunso nilang anak ", wika nya .

Siya pala ang bunso ng Vilarosa . Ang tagapagmana nitong hacienda .

" Kaya pala iyong kamukha si Don Hanzo , paumanhin ginoo ngunit ako ay maliligo lamang", sambit ko .

Nakita ko namang naintindihan nya ang nais kung ipahiwatig at naglakad sya palayo .Tumubog ako sa tubig na malamig at aking hinilod ang katawan .Habang umaawit .

" Kaibig ibig ang kanyang wangis at ito ay nakaka akit , ang kanyang matang parang nagniningning , ang kanyang pilik na matataas , ang labi nyang parang rosas , at ilong nyang kay tangos . ", sambit ko sa aking sarili .

Natapos na ako sa aking paliligo at binuhat na ang sisidlan . Nilabit ko na lamang ang dala kung radyo at umuwi na sa aming bahay.

^^^ END .

Her Choice ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon