He snorted and laughed without a hint of amusement.

"Fuck me. Of course... he cheated! Nanliligaw pa lang niloloko ka na? Ano pa kung sagutin mo na? Hindi mo na dapat na sasagutin 'yon," niliitan niya ako ng tingin. "At umiiyak ka dahil gusto mo iyon? Gusto mo iyong gagong 'yon, Saint?"

Iyon na. Sige nga, Saint. Paano mo na ngayon sasagutin 'yan?

Paano ko ipagtatagpi-tagpi ang kuwento sa paraang paniwalaan niya ako? Kung sabihin kong umiyak ako dahil sa narinig, aakalain niyang gusto ko si Lucas. At mas lalong ayaw ko na iyan ang mangyari. Pero ayaw ko ring maging tapat?

Damn it!

Nakainsulto ang paraan ng pagtango ni Range. Animo'y may naiintindihan siya sa pagkatahimik ko bigla. Umakma akong magsasalita pero agad niya akong inunahan.

He nodded disappointingly again. "You wouldn't cry this heavily if you don't fancy that guy-"

"Hindi ko nga gusto si Lucas, Range. Ano ba! Paulit-ulit tayo ng usapan?"

"Uh-huh? Then why are you crying like someone died? Kung makaiyak ka ngayon ay parang gumuguho ang mundo mo?" iritado niyang giit, halatang napipigtas na ang pasensiya niya.

Naniniwala talaga siyang umiyak ako dahil mahal ko si Lucas?

"Ikaw..." sabay kagat ko ulit ng ibabang labi. "Hindi mo kasi ako pinapansin buong araw tapos hindi ka pa umuwi mula noong umalis ka kanina. Nag-alala ako ng husto. Uh... iyon ang rason ko kung ba't ako umiiyak. At hindi dahil sa narinig ko sa kwarto ni Lucas."

His jaw dropped. Natawa siya kalaunan pero sa paraan no'n, parang hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa akin.

"And why did you tell me that story about the phone then?" he asked while stifling a smile.

"Duh? Side story?"

After my words, his loud laugh echoed.

Pasalamat ako na medyo madilim ang kwarto at hindi niya makikita ang pagpula ng pisngi ko sa hiya. Mas uminit ang pisngi ko nang napagtanto na hubad pala siya sa ilalim ng puti niyang tuwalya! At ngayon ko pa talaga napansin ah? Kanina pa kami sa posisyong 'to!

"I was about to go home when the rain poured heavily. At mahirap mangabayo kapag malakas ang ulan. Pinatila ko muna ang ulan kaya ako natagalan sa plantasyon. Umiyak ka nang dahil doon? Did you wait, Saint?" he asked, still grinning.

Kahahahiyang tumango ako sa mga tanong niya. Totoo naman kasi na medyo nahihintay ako sa pagdating niya. Pero ang mas iniisip ko ngayon, sa segundong 'to ay kung paano ba ako makakaalis mula sa pangkukulong niya.

"Uh. Babalik na ako sa kwarto, Range..." ani ko nang binitawan niya bigla ang baywang ko.

Agad akong tumayo mula sa pagkakakandong sa hita niya. Inayos niya ang upo sa kama at tinuko ang dalawang siko palikod. Tinitignan lang ako mula ulo hanggang paa nang may malapad na ngisi sa labi. Siguro'y natutunugan niyang naaasiwa ako sa hubad niyang katawan at mas pinapalala niya ng husto.

Ngayon pa talaga ako maaasiwa ah? Ngayon pa?

"What do you mean go back to your room? Dito ka matutulog ngayong gabi," sabay tayo niya.

Napaatras ako.

"B-Bakit ba rito?" nanginginig ang boses ko. "Doon na, Range! Kung gusto mo ihatid mo ako hanggang pintuan. Feasible?"

"Nope," sabay iling.

Pilit kong pinapapirmi ang mata sa mukha niya para hindi iyon bumaba kung saan-saan. Pero hindi ko na yata kayang magpigil pa, bumaba ang tingin ko sa tuwalya niya sa baywang. Lumunok ako.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Where stories live. Discover now