IX

428 12 0
                                    

Angel's POV 

Naandito ako kina Kurby ngayon. Bakit? Wala lang. ewan ko. Iniwan ko muna 'yung mga anak ko kay Shasha. 

"Ah, Kurby. Busy ka ba? Pasensya ka na ha?" 

"Busy? Kelan pa ko naging busy pagdating sa'yo?" 

"sus! Jessica! Hahaha!" 

O, 'wag kayo. Nang-aasar lang ako. Hindi ako nagseselos. Bakit ko nasabing Jessica? Paano ba naman kasi, diba dumating 'yun galing U.S? Alam niyo naman siguro 'yung nangyari sa first meeting namin, diba? May pa childhood childhood crush pa siyang nalalaman diyan. O? Anong panama niya sa first and last love? Hahaha! Pero seriously, nainis ako nun dati sa kanya. Kapag chinecheck ko 'yung phone ni Kurby, ang dating messages ko lang ang laman, nahaluan ng JESSICA. Pati sa call log! The nerve! Ang tagal pa nilang mag-usap. Minsan pag tinatawagan ko si Kurby, hindi pwede dahil kausap pa niya 'yung Jessica na 'yun. Syempre masakit 'yun para sa isang girlfriend. Pagpalit ka ba naman sa childhood friend/CRUSH? 

Tapos nung nalaman ni Kurby na pinopormahan ni Patrick si Jessica? Nako! Halos maging harang na siya ni Jessica! Para na nga siyang aso non! Paano ba naman kasi, kung nasaan si Jessica, andun din siya. Nawawalan na siya ng time sakin non. Okay lang sana kung dahil sa mga activities, requirements, basta 'wag lang dahil sa babae! Kainis! E halata namang may gusto sa kanya si Jessica. Naiisip ko nga rin nun kung gusto pa ba niya nun si Jessica e. Or what if bumalik pala 'yung feelings niya? Tinanong ko nga siya kung bakit siya ganon. Sabi niya, natatakot lang daw siya para sa "KAIBIGAN" niya. Kasi baka daw kung anong gawin ni Patrick. Baka daw masaktan lang si Jessica. Heller! Bakit ba siya mangingialam sa buhay nung dalawa? Kaibigan lang naman siya? Hindi naman siya tatay or kuya? Dapat hayaan niya kasi dun sasaya 'yung Jessica na 'yon! Kasi 'yun 'yung gusto niya! Okay na 'yung nasabihan na siya ni Kurby or nawarningan na kesyo ganito at ganoon si Patrick. Para siyang boyfriend ni Jessica! Tsaka diba, may utak naman 'yung Jessica na 'yun?! E ang gaga! Nag-eenjoy pa atang laging nakasunod sa kanya si Kurby! Kaya nainis na talaga ko non. Lagi kong kasama si Patrick. Bakit ko pa hahabulin 'yung Kurby na 'yun?! Kung mas gusto niyang kasama 'yung Jessica na 'yon, edi magsama sila! 

Pero inilayo rin ako ni Kurby kay Patrick. Asar! Ano ba siya? Diba kaibigan niya si Patrick?! Kaya ganito ang eksena... lagi kaming magkakasama nina Kurby at Jessica! Pero ang masama, si Jessica ang laging sinusundan! Punyet*! 

Nung isang beses, hindi talaga ako nakapagpigil. Sinampal ko si Kurby. Lakas loob ko siyang pinapili sa amin ni Jessica. At ang g*go! Hindi sumagot! Kaya umalis nalang ako. Masakit kaya 'yun! Ano? Naguguluhan na siya? Hindi na niya ko mahal? Edi magsama sila nung Jessica na 'yun! Hindi naman sila kawalan! 

Dahil don, si Patrick na ang lagi kong kasama. Wala na kami ni Kurby non. Walang maayos na closure, pero ramdam mong wala na. Minsan nagkakatinginan kami. Pero wala sa amin ang naglalakas loob na ngumiti. Ayun, lagi parin niyang kasama si Jessica. Siguro nga si Jessica talaga 'yung gusto niya. Kaya naman pumayag na rin ako magpaligaw kay Patrick. 

"You're my Angel..."Where stories live. Discover now