VI

349 10 0
                                    

Nakakapagod kasi ang kukulit talaga nila. Minsan ay nakikipaghabulan pa. Syempre, nakikihabol nalang rin ako. Kasi nga gusto kong masulit itong bonding namin. Ayako namang maging KJ. 

Ngayon, nagpapahinga na kami sa resthouse... Nagluluto ako, sila Angelyne at Angelo naman, nanonood ng cartoons. 

"Angelyne! Buksan mo 'yung pinto! May nakatok!" 

"Yes ma!" 

Halos ilang minuto na ang nakalipas. Sino ba 'yung kumatok? 

"Angelo!!!"

"Angelo! Tignan mo nga 'yung kapatid mo dun! Baka kung napano!!!"

"Angelo!"

"Anak!"

Pero walang nasagot. Kinakabahan na ako. 

Hinanap ko sila sa bawat sulok ng bahay pero wala akong nakita. Ano nang gagawin ko?! Nawawala mga anak ko!!! 

"Mommy!" 

"Angelo?!" dali-dali akong bumaba.

"Angelo bakit ka naiyak?!" 

"M-mommy!!"

"Angelo bakit?!" 

"Si Angelyne po! Kinuha mo nung lalaki!" 

"Alam mo ba kung saan nila dinala si Angelyne!?" 

"Opo. Malapit po dito! Mommy!" 

"Anak, dito ka lang. Pupunta lang si Mommy dun, ok?" 

"NO mommy! Sasama ako!" 

"No! Baka mapahamak ka pa Angelo!"

"Sasama ako Ma!!"

"Okay!! Pero promise me na hindi ka bibitiw sa akin, ok?!"

Takot na takot ako habang itinuturo ni Angelo sa akin kung saan dinala si Angelyne. Jusko po! Sana naman walang nangyaring masama sa anak ko! Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala siya sakin! 

Kahit natatakot, tinapangan ko ang loob ko. 

Bigla namang tumakbo si Angelo papunta dun sa bahay na pinagdalahan kay Angelyne. 

"Angelo!!! Intayin mo si mommy!!!" pero parang wala siyang narinig. Pumasok pa siya doon sa bahay. "Angelo!!!" 

Ang dilim dito sa loob ng bahay. Nakakarinig ako ng mga kaluskos. Paakyat na sana ako ng hagdan nang maalala ko 'yung papel na nakuha ko dito sa may tapat ng pinto bago ako pumasok.

Gosh! Nawawala! Ano kaya 'yun?! 

Sh*t! gusto kong tumakbo pero hindi pwede!! Natatakot ako! 

Ano 'yun?! Parang may naglalakad! Umakyat na ako at nilapitan 'yon. Sh*t! Manika lang!!! Kinikilabutan na ko! Tinignan ko 'yung manika. Walang ulo! Pero may nakasulat sa damit. 

ANGEL? 

ANGELo?

ANGELyne?

Diba dapat nasa langit na 'yun? 

Sa langit? 

Baka pwede rin sa impyerno?

Sh*t! Ano ba 'to!!! Feeling ko namumutla na ako!!! 

"Aray!" may nagbato sa akin! Anu ba 'yan! Saan naman galing 'yon?! 

Tinignan ko kung ano 'yon. 

Shocks!!! Sapatos ni Angelyne! 

"Angelyne?! Angelo?!" Kahit takot na takot ako. Naglakas loob akong sumigaw. 

"Mommy! Here!!!" 

Hindi ko alam kung saan ako papasok! Ang daming kwarto dito! 

Pero may kwartong biglang nagbukas ang ilaw. 

Lumapit ako...

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. 

Pagkakita ko kung anong nasa loob...

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. 

Magagalit? Malulungkot? Matutuwa?! 

Ang alam ko lang, 

nanlumo ako sa nakita ko. Parang babagsak ako. 

"AAAAAAH!!!!!!" 

"You're my Angel..."Where stories live. Discover now