Nakikita kita lagi, dati pa nga'y nakasabay sa daan

20 2 5
                                    

TRAVIS

"Hey guys! Welcome back to my channel!" 

Binge-watching my videos became my hobby. Ewan ko pero pag napapanood ko yung mga vlogs ko nafefeel ko na andami ko nang achievements.

I looked at the time and- SHIT I'M LATE! May photoshoot nga pala ako sa Manila!

Nag madali akong mag ayos ng sarili. Di ko alam kung may nalimutan ba akong dalhin pero what ever. 

Magcocommute lang din ako, hiniram ng kapatid ko yung kotse ko eh🙄. Pero di rin naman ako maarte, kahit sabihin nating isa akong sikat na vlogger, kahit saan naman ako sumakay ay komportable pa rin ako. 

Sabi nga ng ibang tao sakin, wala raw nagbago sakin kahit na ganto ako kasikat ngayon. Totoo rin naman, I need to treat each and every one fairly and kung sino yung may kailangan ng tulong, tutulungan. And I also believe na HELPING IS NOT A COMPETITION. 

Back to reality. At bago pa ko tuluyang ma-late, tumakbo ako ng mabilis para di ako maiwan ng UV express.

"Teka lang po!!" Napalakas yata yung sigaw ko at dahil don namukhaan na rin ako ng mga tao.

"Uy si Travis Ortega!! Papicture tayo!!" Sorry pero nagmamadali talaga ako, sa susunod nalang, pasensya na.

Pag pasok ko sa sasakyan, umandar na agad. Napansin ko na may katabi akong babae na natutulog at naiinitan dahil sa sikat ng araw. Itinaas ko yung folder na hawak ko para ipantakip sa araw. Bakit ko ba ito ginagawa? Di ko rin alam, sabihin nalang natin na concerned at matulungin ako hahahaha.

Di ko napansin na kanina ko pa pala sya tinititigan. Ang ganda nya. Para syang anghel na natutulog. Saan kaya sya papunta? Not that I care but- fine sige I care HAHAHA. Gusto kong malaman kung anong pangalan nya. 

Di ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero ngayon ko lang 'to naranasan. Is this what they call LOVE AT FIRST SIGHT? pfft. di naman siguro 'yon yung nararamdam ko🤷‍♂️. Whatever this is I need to stop it, but- okay naguguluhan na ako sa sarili ko.

Nagising na sya, bababa na yata. Napatingin sya sa gawi ko, pero di sa akin.

"Kuya para po!" saan sya bababa? Sa SM yata, nakita kong papasok sya doon.

Sabi ko sa sarili ko na hahanapin ko sya, whatever it takes. Gusto ko lang sya makilala at maging kaibigan. Hindi naman siguro masama 'yon diba?

Nakarating na rin ako sa studio ng photographer namin.

"Sorry i'm late, sir." nandoon na din pala yung manager ko.

"Okay lang. Ito yung mga isusuot mo. You can change your clothes there." sabay turo nya sa isang maliit na silid sa gilid.

Habang kinukuhanan ako ng mga litrato, hindi mawala sa isipan ko yung nakatabi kong babae. Nararamdaman kong isa syang mabait at simpleng dalaga.

"Travis, is something bothering you?" lagot.

"Nothing sir, sorry I just haven't eaten anything." Pero ang totoo, gusto ko nang matapos ito para mabalikan ko sya sa SM. Gusto ko syang makausap. oof, am I rushing and taking this too seriously?

"Let's take a break first. Madami na rin naman tayong naaccomplish." 

Nababaliw na yata ako. Sya nalang nasa isip ko.

Ilang araw na rin ang nakalipas pero di ko pa rin sya nakikita ulit. Pabalik-balik ako sa lugar na 'yon pero wala. Nawawalan na rin ako ng pag-asa kaya sabi ko titigil na ko. 

Pero tadhana nga naman, biglang nahagip ng mata ko yung mukha nyang laging nakangiti. Madami akong nabanggang tao dahil sa bilis kong maglakad para lang maabutan sya. Sinubukan ko syang habulin ngunit bigla nalang din syang nawala dahil sa rami din ng tao sa mall. Napagdesisyunan kong mag pahinga muna sa food court. 

Laking gulat ko nang makita ko si Stacey, yung matalik kong kaibigan. Agad ko syang pinuntahan. Himala! Wala yata syang kasamang lalaki ngayon. 

"Stacey!" lumingon siya sakin, namumugto yung mga mata nya.

"a-ah hi" malungkot na sabi nya. Ano kayang nangyari sakanya? Bakit sya umiiyak ng ganito?

"Ayos ka lang ba? Syempre hindi, umiiyak ka eh. Namamaga yung mga mata mo, ito panyo oh. Pwede ko bang malaman kung anong nangyari, best?" i'm concerned, really really really concerned. Ayokong nakikitang nasasaktan yung mga malalapit saakin.

"eh kasi naman Jay" Jay ang tawag sakin ni Stacey, second name basis HAHA kahit na ayaw ko sa pangalan na 'yon pinagbigyan ko na sya.

"iniwan ako" sabi na nga ba eh😢

"Lam mo Stacey, tara mag libot-libot tayo. Di mo deserve 'yang mga lalaking nang-iiwan sayo eh. Hayaan mo makakarma rin sila."

Napaisip ako. Ano bang napapala ng mga manloloko? Sinasayang nila oras nila para manligaw tas mang-iiwan rin?? At saka, nananahimik yung mga babae tas mangugulo lang sila. Hindi ko na rin alam kung bakit may mga ganoong lalaki eh🤦‍♂️. 

Hinatid ko pauwi si Stacey, alam kong di nya kakayaning mag-isa kaya nangako akong sasamhan ko siya palagi. Tutal magkaibigan naman kami. Tinuring ko na rin syang kapatid, bata pa lamang kami ay magkakilala at magkasama na kami. Kaya ngayon, sobrang malapit na ang loob namin sa isa't-isa. Minsan nga napagkamalan kaming magkasintahan HAHA tinawanan nalang namin iyon dahil alam naming imposible iyon dahil may mahal sya, at ako rin syempre, may mahal na iba. YUNG BABAENG NAKATABI KO SA UV. 

Ang weird isipin na isang beses ko palang sya nakita pero mahal ko na agad sya? Hindi ko alam, pero posible naman iyon diba? May nakita ako sakanya na hindi ko maipaliwanag. Ang gusto ko nalang mangyari ngayon ay... MAKITA AT MAKILALA KO ANG BABAENG NAKAPUKAW NG PANSIN KO.




Nahulog Nang Di NamalayanWhere stories live. Discover now