Chapter 8: I will protect you

15 5 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung aalis ba ako para tawagin ang mga kasama namin o tatawag ng bouncer.

"Bakit sino kaba sa inaakala mo?" tanong ung isang lalaki na tadtad ng tatoo at hikaw, parang adik.

"Kilalanin mo muna ang kaharap mo bago ka magmayabang dahil baka wala kapa sa kalingkingan ko" mayabang na sabi ni Aarron.

"Aarron, tara na" hinawakan ko ang kamay nito at niyaya.

"Lets go" aniya at kinuha ang kamay ko.

Nakakadalawang hakbang palang kami ng dakmain si Aarron patalikod nang lalaking puro tattoo. Sinipa naman patalikod ni Aarron sa dibdib ang lalaki dahilan upang tumilapon ito. Ang matangkad naman na lalaki ay umaktong susuntok ngunit naunahan ito ni Aarron sinipa nya ito sa dibdib. Smooth ang bawat galaw nito, swabeng-swabe.

Mas lalo akong humanga.

Tumayo ang dalawang lalaki. May binunot silang patalim nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong balisong ito. Parehas nilang nilaro-laro sa kanilang kamay ang patalim.

"Tingnan natin yang tapang mo" sagot ng mukhang adik na lalaki.

Halos mapatili ako ng humakbang ito ng isang beses papalapit sa amin. Napapangisi ito habang winawasiwas ang balisong na dala.

"Wag kang lalapit" banta ni Aarro.

Nagsitilian ng mga babaeng nakakakita sa amin.

Nasan ba ang mga bouncer sa bar na to?

"Bakit natatakot ka?" ngising aniya.

"Binabalaan kita" matigas na sambit ni Aarron ngunit hindi nakinig ang lalaki at patuloy ang paglapit nito dahilan upang mapaatras kaming dalawa.

"Takot pala to pre" aniya sa kasama at parehas silang natawa.

Halos nauubusan na rin ng pasensya si Aarron nag-iigting ang panga nito sa bawat paglapit ng lalaking adik.

Muling winasiwas ang lalaki ang kanyang balisong na para bang nag eexhibition. Halos mapatili ako ng dukutin ni Aarron ang baril sa loob ng kanyang jacket at itinutok sa kanila.

"Sino sa atin ang takot.? Wag nyong ubusin ang pasensya ko dahil baka tumama ang isang bala ko dyan sa ulo mo" matikas na sabi ni Aarron.

Dali-daling tumakbo ang dalawa.

Sa likod namin ay naroon pala ang magpipinsan, nanunuod sa amin.

"Lets go home" yaya ni Aarron sa mga pinsan nito.

Nawala ang sistema ng alak sa katawan ko dahil.sa nangyari.

"Maaga pa para umuwi" maktol ni Clau ng marating namin ang parking lot.

"Ganito nalang bumili nalang tayo ng alak sa tapos dun tayo mag-inom sa unit ni Aarron" sambit ni Nijie at tinapik-tapik ang balikat ng katabi ko.

Nadaanan namin ang bukas na convenience store at duon bumili ng alak.

"Kumuha ka ng beer Nijie ako ang kukuha ng yelo" rinig kong sabi ni Christian.

"Kuya smirnoff at san mig" sabi ni Claudine habang pumipili kami ng mga chips.

Binuksan ko ang chiller at kumuha ng dalawang choc-o.

"Pwede bang palagay sa freezer?" sambit ko ng makarating kami sa unit ni Aarron. Kinuha nya sa kamay ko ang dalawang choc-o at inilagay sa freezer.

"Angel kailangan nating umuwi hindi tayo pwedeng matulog dito mayayari tayo parehas" bulong ko nang nasa kalagitnaan kami ng pag-iinom.

"Akong bahala, wag ka ng mag-alala" aniya at tinungga ang san mig na hawak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That DayWhere stories live. Discover now