Chapter 2: Baul ng kayamanan

81 42 3
                                    

#BAULNGKAYAMANAN

Attarrah's POV

"Hoy! gumising kana! Alas nuebe na" nagising ako dahil sa ingay ni Angel, putak ng putak.

"Mmm.." ungol na sagot ko, tinakpan ang mukha ng unan.

"Kumilos kana Attarrah baka malate tayo" inis na angil nya.

"Bakit parang puyat na puyat ka ata?" nagtatakhang tanong nito.

Matagal bago ako nakatulog kakaisip tungkol don sa nakita dahilan upang mapuyat ako.

Tamad akong bumangon at pumasok ng banyo. Binuksan ko ang shower at hinayaan ang malamig na tubig na dumaloy sa buo kong katawan.

Halos mapatalon ako ng kalampagin ng kaibigan ko ang pintuan ng banyo. "Bilisan mo dyan, baka natutulog ka na naman dyan ah! Naku talaga Attarrah sinasabi ko sabi ko sayo pag tayo nalate mawawalan ka ng kaibigan, i swear. Im not joking" mahabang putak nito.

Ang aga-aga, sakit sa tenga.

Napahilamos ako ng mukha nang makalabas mula sa banyo. Binilisan ko na rin ang pagkuha ng damit mula sa cloth set. Isang floral na off shoulder dress ang napili ko na pinarisan ng wedge sandals. Pinatuyo ko ang mahabang buhok gamit ang blower, matapos kong patuyin ay kinulot ko ang dulo nito. Nagpahid rin ako powder sa mukha, light lipstick naman sa labi. Mabilisan lang dahil putak ng putak ang kaibigan ko.

Pag dating namin sa simbahan bago palang mag-sisimula.

Matapos magsimba pumunta kami sa dentista upang ipatanggal ang braces na nakakabit sa aking ngipin. Ilang taon din akong nagtiis upang maayos ang mga sungki kong ngipin.

"Mag starbucks nalang tayo" yaya ko sa kaibigan. Hindi pa naman ako nagugutom dahil kumain kami bago magsimba. Papaano ba naman nagluto si Manang ng carbonara, parehas naming paburito ni Angel.

"Sige, busog pa rin ako dahil don sa carbonara na kinain natin" aniya. "Ang sakit nga ng tyan ko eh. Natatae ako Attarrah" mahinang aniya.

"Napakabastuga mo talaga. Walang preno yang bibig mo eh nu?" panduduro ko sa kanya.

Pumasok kami sa mall, unang hinanap ang comfort room. Hindi na talaga mapigilan ng kaibigan kong ilabas nag baho nya.

Napapafacepalm ka nalang talaga.

"Woooah! Success" aniya ng makalabas nang banyo habang naghuhugas ng kamay.

"Nakakadiri ka talaga" ngiwing ani ko.

"Bakit ko ba naging kaibigan ang isang weird na tulad mo?" ngising tanong ko, napangiwi ito.

"Wow huh? Sa ganda kong to?" itinuro nito ang mukha.

"Maganda nga balahura naman" ngisi ko habang papalabas ng comfort room.

"Bili muna tayo ng BFF fries sa mcdo" aniya.

San ka ba naman makakakita ng taong oorder sa Mcdo tapos kakainin sa Starbucks?

Minsan ako nalang ang nahihiya dahil sa kakapalan ng mukha ng kaibigan ko. Pero aaminin ko na kahit weird man, nag-eenjoy ako, masarap kasi syang kasama. Sya yung uri ng tao na hindi mo aakalain na may problemang dinadala dahil laging nakangiti at nakatawa but deep inside durog na durog pala.

May mga tao kasing ayaw ipakita na mahina sila. Nakakainspired, dahil kayang kaya nilang dalhin ang kahit na anong problema. Sabi nga lahat ng tao may problema pagandahan nalang ng pagdala.

"Good afternoon, welcome to McDonald's" nakangiti, magiliw na sambit ng kahera.

"One Bff fries please" ngumiti pabalik ang kaibigan ko.

That DayWhere stories live. Discover now