Chapter 9

4 1 0
                                    

Teresa's POV

Ngayon ay naghahanda ako dahil pipigilan ko na ang mga plano ng samahan ng APA. Nag report ang kapatid ko ng mga impormasyon tungkol sa APA at ang ilang impormasyon na nakuha namin mula sa mga rebeldeng martials na dinala ni Ovela sa amin. Matagal ko nang minamatyagan ang samahan ng APA may iilang impormasyon na rin akong nasagap tungkol sa APA, at sa tingin ko ay sapat na ang mga impormasyon na nalaman ko para mapigilan ang plano ng APA.

Minsan ko na rin nakalaban ang leader nila pero muntik na akong mamatay ng dahil sa kapangyarihan niya na hanggang ngayon ay hindi ko parin nalalaman kung anong klase nang enerhiya at kapangyarihan meron sya, pero isa lang ang alam ko tungkol sa kanya kaya nyang kontrolin ang katawan ng isang tao yun ang nalaman ko nung naglaban kami pero hindi ko parin alam kung ano ang eksaktong kapangyarihan niya. Kaya ngayon na ang oras para malaman iyon at tapusin na ang pangugulo nila

Habang nag lalakad ako palabas ng bayan ay nakasalubong ko naman ang Raja

"Teresa, saan ang punta mo lalabas ka ba ng bayan" Tanong saakin ni Rico(ang ikaapat na Raja, isang wood control kaya niyang kontrolin ang lahat ng klase ng kahoy)

"Pupuntahan ko ang Organisaston ng APA marami na akong nakalap na impormasyon tungkol sa kanila kaya ngayon na ang oras para magharap ulit kami ni Amel(leader nang Organisasyong APA)

"Ano? Ikaw lang magisa hindi kita papayagan sa gusto mong gawin"sabi ni Rico

"Ako lang ang maaring kumalaban sa kanila, nakalaban ko na sila 11 taon na ang nakakalipas 20 taon pa lang ako nun kaya masasabi kong mas malakas na ako"

"Pero sa tingin mo hindi rin sila lumakas. magpapadala ako ng backup para tulungan ka"

"Hindi na, magpadala na lang kayo pag nakapagbigay na ako ng impormasyon sa inyo delikado silang kalaban. Pero kabisado kona ang pakikipag laban nila kaya sa ngayon ay ako muna ang kakalaban sa kanila" sabi ko

"Pero"

"Sundin mo na lang ako" at lumakad na ako papaalis

"Hoy, baka nakakalimutan mo ako ang Raja dito..."

"Basta sundin mo nalang ako!!!" Sigaw ko at saka ngumiti

Nagpatuloy na ako sa pag lalakad. Si Rico ay isang matalik na kaibigan ko, kamiyembro ko pa sya dati sa team. tatlo kaming miyembro nang team ako si Rico at saka si Ian. Si Rico at. Ian ay laging magkakumpitensya at sa tuwing nag aaway sila ay ako ang sumasaway lagi naman silang sumusunod sa akin pangarap namin dati ang maging katulad ng Tatlong Ranin kaya di kami sumuko na abutin ang pangarap na iyon pero isang araw bigla nalang nawala si Ian. Ikinabigla na lang namin na naging kasapi na pala sya ng Organisasyong Pulang Buwan.

Isa kami ni Rico sa napasama sa magpapabagsak ng Organisasyong Pulang Buwan kaya nag handa kaming dalawa. Dahil alam naming makakalaban namin si Ian dun pinaplano rin naming itakas si Ian duon.

Nang magkaharap kaming tatlo ay hindi sumangayon saamin si Ian mas pinili nyang kalabanin kami nuon tumagal ng tatlong oras ang labanan naming tatlo kami ni Rico laban kay Ian. Walang nagpapatalo saamin ubusan nang enerhiya ang labanan.

Kung ikukumpara kasi saaming tatlo di hamak na mas malakas saaming dalawa si Ian di nagtagal ay umatras ang organisasyon ng Pulang Buwan simula nung araw na iyon ay hindi na namin nakita si Ian hanggang sa nabalitaan namin na patay na pala siya masyado naming ikinalungkot iyon ni Rico pero nangako kami sa isat-isa na hindi namin kakalimutan ang kaibigan naming si Ian

Third person's POV

Nang makarating si Teresa sa isang maliit na bayan na tinatawag na Saka( maliit na bayan malapit sa Timog) agad siyang nag tanong tanong tungkol sa organisasyong APA halos lahat ng pinagtatanungan niya ay hindi siya sinasagot dahil takot silang pag usapan ang Grupo nang APA

Samantala....

Sa isang maliit na kwarto ay may apat na taong naguusapusap

" Amil mukang kumikilos na naman si Teresa, may nakakita sa kanya sa isa sa mga tauhan natin at nandito na siya sa bayan. Bat di nalang natin patayin yung babaeng iyan" sabi nang isang lalaki

"Nasisiraan kana ba, nakalaban ko na si Teresa 11 taon ang nakakalipas at pareho kaming nag kritikal ang kalagayan, at kinailangan ko pang hanapin ang isa sa pinakamagaling na healer na si Isable ang isa sa Tatlong Ranin nuon ay hindi nya pa ako kilala kaya hindi sya nag alintanang gamutin ako pero kung hindi dahil sakanya baka patay na ako ngayon. At sinisigurado kong mas lumakas pa si Teresa ngayon" sabi naman nang kanilang leader

"Bakit di nalang natin sya kalabanin ng sabay-sabay para sigurado na ang panalo natin" sabi naman nung babae

"Iyan din ang pinaplano ko" sabi ng kanilang leader

Pa vote po hihi

MartialsWhere stories live. Discover now