Chapter 4

4 1 0
                                    

Ivan's POV

             Matapos makapili si Ma'am ang mga grupo ay agad kaming pinapunta ni sir.Ovela sa training field, pagkarating naming tatlo ruon ay wala kaming kibuan ang kasama ko ay isang lalaki muka syang malungkot pero mukang matalino rin. Ang isa naman ay isang babae maganda siya at mukang mabait dumating naman na si sir Ovela
            
          "Nandyan napala kayo" tamad na sabi ni sir Ovela
          "Kayo na lang po yung hinihintay namin" sabi naman nang babae
         
          "Gusto ko sana munang makilala kayo. Sabihin nyo lang sa akin ang pangalan ninyo. Abilidad ninyo, pati ang pangarap ninyo"
         
          "Ako na po ang mauuna" sabi nung babae "ako po si Faye San Jose, Energy Healing po ang abilidad ko. Pinag aralan ko po iyun kasi, nung bata ako nagkasakit yung isa kong kapatid at ayun ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Kaya ayoko na pong mangyari sa isa ko pang kapatid ang nangyari sa kanya."malungkot niyang sabi" Ang pangarap ko po ay maging Magaling na Medical at magaling na Martial para maprotektahan ko ang kapatid ko" sabi niya
         
          "Oh, ikaw naman" turo ni sir Ovela dun sa lalaking tahimik
         
          "Ako si Jack Alcantara, fire control kaya kong kontrolin ang apoy ng hindi napapaso ang balat ko, pangarap ko? Wala akong pangarap ang gusto ko lang ay..."
         
         Hindi nya tinapos ang sinabi nya, may problema kaya iyon
         
          "Ikaw naman" sabi saakin ni sir ovela
         
          "Ako si Ivan Sanchez, Air release, kaya kong mag palabas ng hangin sa lahat ng butas ng katawan ko, ang pangarap ko ay kilalanin ng buong mundo ang pangalan ko hindi bilang isang pulubi kung hindi bilang isang magiting na MARTIAL" sabi ko naman
         
          "Ngayon ay kilala nyo na ang isa't-isa ako naman ang magpapakilala, Ako si Ovela Salve kapatid ako ng Guro ninyong si Teresa, at kagaya ni ate, Yarn control din ang abilidad ko, kaya kong kontrolin ang mga hibla ng sinuld sa damit ko, pero ang sinulid ng damit ko ay gawa mismo sa enerhiya ko kaya ito lang ang maaari ko kontrolin" sabi niya
        Ang akala ko ay mahina sya pero kung kagaya niya si Ma'am Teresa siguradong magaling din siya sabi ko sa sarili ko
       
        "Ngayon gusto ko namang subukan ang abilidad ninyo, sa pamamagitan ng laban, kayong tatlo laban sa akin, bibigyan ko kayo ng tig iisang etiketa (sticker) kailangan maidikit ninyo ito sa akin. Hanggang bukas ng umaga lang,  kung sino man ang hindi makakapag dikit neto ay babagsak na at matatanggal dito sa Mayari Academy" Seryosong sabi ni sir Ovela
       
        "Ano, sir, ibigsabihin kung ako lang ang hindi makakapag lagay ng sticker, hindi na ako na makakapag aral dito" natatakot kong sabi
       
        "Parang ganon na nga"
        "Pero sir...." Magsasalta pa sana si Faye pero di na niya naipapagpatuloy
       
        "Wala ng tanong tanong, magsisimula na ngayon at hanggang bukas lang ng 6:00 ng umaga, kapag hindi nyo pa yan nailalagay" ngumiti lang saamin si sir
       
  Nag hihintay lang sa harap si sir. Umalis naman yung dalawa sa gilid ko, sa tingin ko nagpaplano na yung dalawa kailangan ko na ring gumawa ng paraan
 
      Nag labas ako nang malakas na hangin sa likod ko para mabilis na maka sugod kay sir pero agad nya akong na depensahan. Lahat nang kilos ko ay nasasangga niya hanggang sa lumabas si Jack mula sa may damuhan at sinubukang lumapit kay sir napansin naman iyon ni sir at agad niya akong binalutan ng mga sinulid niya at itinali sa may puno masyadong mahigpit yung pagkakatali kaya hindi ako makawala
     
      Si Jack naman ay lumalaban kay sir pero kahit gumamit siya ng apoy wala siyang magawa at napatumba sya ni sir sa lupa ng dahil sa pagod at itinali nya rin ng sinulid niya. Ilang sandali lang ay may nahulog na napakaraming sticker mula sa taas at napatingin si sir duon sa taas at agad niya itong nilayuan para hindi madikitan.
     
      Nagulat ako ng dumating si Faye mula sa damuhan at agad niyang kinuha si Jack at sunod ay ako naman. Nang maitago na nya kami sa ligtas na lugar ay tinanggal niya ang tali sa aming dalawa
     
      "Nanghiihina ka Jack masyado mong inubos ang Enerhiya mo, mag pahinga muna kayo
     
      "Teka, saan naman galing yung napaka raming sticker na iyon?" Tanong ko
     
      "Pekeng papel lang iyon habang nakikipag laban kayo ay ginawa ko iyon, dapat ay gagawin kong pang lito kay sir Ovela yun kaso pareho naman kayong bulagta" sabi ni Faye
     
      "Pano na yan, muka yatang walang makakapasa sa atin" sabi ko
     
      "Hindi ako papayag, kailangan nating gumawa ng plano yun lang ang mgandang paraan para makapasa tayong lahat" sabi ni jack
     
      "Oo nga kailangan nating pagsamahin ang pwersa natin"sabi ko
     
      "May naisip ako" sabi ni Faye
   Pinakinggan naman namin yung plano ni Faye at agad kaming sumangayon
  
   5:55 na nang umaga, kaya napagplanuhan na naming sugurin si sir Ovela. Habang nakatayo si sir dun sa training field, ay sinimulan na namin ang plano
  
       Agad na sumugod si faye kay sir at sinubukang idikit ang sticker kay sir habang sinusubukan ni faye na ilagay ang sticker nag abang na kami ni Jack para sumugod, umatras naman si Faye hudyat ng pag atake namin ni Jack. Umatake ng mabilis si Jack sa unahan gamit ang apoy at dahil sa apoy naging mas kapansin pansin sya. Sumugod naman ako sa likod naglabas ako ng matinding pwersa ng hangin sa paa ko para bumilis ang atake ko papunta kay sir Ovela bago ako makalapit kay sir napansin niya ako at agad nya akong pinigilan. Pero huli na ang lahat naidikit ko na ang sticker kay sir sakto namang ubos na ang oras. Napaupo nalang kaming tatlo sa pagod at napangiti ako sa tuwa
      
       "Ubos na ang oras, at si Ivan lang ang nakapagdikit nang sticker ibig sabih..." Pinutol ko ang sasabihin ni sir Ovela
      
       "Nagkakamali ka sir buklatin nyo po yung sticker"
      
     Nang buklatin ni sir ang sticker ay magkakadikit ang tatlo na sya namang ikinagulat ni sir
    
       "Mukang naisahan nyo ako, magaling, dahil sa pag tutulungan ninyo nakapasa kayong tatlo, ok tapos na ang training natin ngayon umuwi na kayo" sabi sa amin ni sir
     At pagkatapos umalis ni sir, ay agad na tumayo si Jack malungkot itong naglalakad. Kaya nilapitan ko si Faye
    
      "Bakit, mukang malungkot yun samantalang nakapasa naman tayo" tanong ko kay Faye
     
      "Ewan ko, tara sundan natin para malaman natin" sabi ni Faye
     
     Sinundan namin si Jack. Huminto sya sa may tapat nang dagat at umupo sa may bato. Agad naming nilapitan ni Faye si Jack
    
     "Paborito mo ba tong lugar?" Tanong ni Faye
   Ngumiti lang si Jack umupo naman kaming dalawa ni Faye sa tabi ni Jack. At pinag masdan ang unti-unting pagangat ng araw
  
     "Napakaganda talaga ng sunrise, gusto kong maging kagaya nya. Na kahit unti-unti ang pag angat niya patuloy pa rin ang pag liwanag niya at habang umaangat mas tinitingala siya ng mga mirasol(sunflower)"sabi ni Faye
    
     "Salamat sa inyo,at nagkaruon ako ng mga kaibigan" masayang sabi ni Jack
    
     "Ano ka ba wala iyon mag ka team tayo dapat lang na maging magkaibigan tayo" sabi ni Faye
    
     "Oo nga" sabi ko naman nag tawanan na lang kaming tatlo
    
     Duon na nga kami inabutan ng umaga, di nagtagal naghiwa-hiwalay na rin kami patungo sa sarili naming tirahan
     
     Ito na nga ba ang simula?
   
         

MartialsWhere stories live. Discover now