I take a deep breathe and face him with a warm smile on my face.

"I thought...I saw something in you, Jed. But I was clearly wrong." I pause for a while, "You proved me wrong." Nakaramdam ako ng di maipaliwanag na sakit sa puso ko ng makita ko ang pag sisisi sa mukha ni Jed. Pero hindi na ako mag papaloko sa mga tingin na iyan dahil nadala na ako. Hinarap ko si Lindon at tinanong ko siya kung ayos lang siya.

"T-thank you, Lindon. I am free now." humalik ako sa pisngi niya saka tumayo at nilagpasan silang dalawa. Huminto pa akong sandali saka nag salita.

"Just so you know, ang lahat ng nakita mo ngayon ay plano ko. Lindon just helped me, kaya huwag kang magalit sa kanya. Put the blame on me, magalit ka sa akin hangga't gusto mo. I don't really care now. We are so over, Jed. Kalimutan mo na nagkakilala tayo at gagawin kong maayos ang mga nalalabi nating pagkikita sa school na ito." hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ng puso ko sa isiping hindi ko na siya makikita. Pero pinakatatagan ko ang sarili ko. Hindi na niya ako kayang saktan ngayon.

Napansin ko na lang na may masaganang tubig sa mga mata ko na nagiging sanhi ng pag labo ng mata ko. I am again crying, for him! Dammit! Agad ko itong pinunasan at walang pag aatubiling umalis ng lugar na iyon.

_____________

Cass

MABILIS na lumipas ang anim na taon. I based myself now here in the Philippines. It wasn't my plan after all but it happened.

After Phyllis died. I was in a hunger for revenge, I never stopped until I saw that bastard's dead body lying on the floor. Pero sa kabila non, I gained friends. Mga kaibigan na nag turing sa akin bilanh isang tunay na pamilya. Amanda thought me how to live a life out of insecurities and anger. She became my bestfriend eventhough at first, that was never my intention. Her family became my family and I loved them. Biruin mo! I thought again how to love?

Not until we crossed our paths. Again.

"Ma'am Cassie?"

"Yes, May?" Napukaw ang pagbabalik-tanaw ko sa mahihinang katok ng secretary ko.

"M-May problema po kasi tayo eh." mahinang sambit ng secretary ko.

"Problema? Tungkol saan?" nangunot na ang noo ko.

I have problems and complications, lalo na kapag sa trabaho. I managed a newly arised modelling agency. Tapos na ako sa pag-rampa at ngayon naman, naisipan kong magtayo ng agency slashed school para sa mga bagong aspirant models. Itinayo ko ito with the help of my friends; Mira and Amanda. Minsan, hinihingi pa rin ng pagkakataon na makita ko ang entablado lalo na kapag ganitong may mga pasaway talagang modelo. Nakisosyo din kami sa isang kilalang entertainment magazine kaya mas naging popular ang modeling school namin.

"One of our client wants to have a part two of Mr. Oncologist's cover, gusto po raw niya na madaliin ang pag aasikaso at g-gusto rin po niyang kayo mismo ang mag–approach kay Dr. Lopez para daw m-mas mabilis." Detalyadong salaysay ng secretary ko.

"Ano!? Bakit ako?! May department naman tayo na gumagawa niyan diba? Tell to that client of ours that we will do that shoot but we need time. Ang tagal magpa–appointment sa hayop na doktor na iyon no!" nakita kong napanganga na lamang sa gulat yung sekretarya ko. Napapikit ako ng mariin saka pilit kinalma ang inis ko.

Damn! Kundi lang talaga iyon napaka-importanteng kliyente nungkang makikipag-kita ako sa lalaking iyon.

"Naging maayos naman ang una nating appointment sa kanya, Ma'am, but it took us four months para lang mapapayag siya sa ilang pages para sa magazine at hindi po nagustuhan ni Mr. Tan iyon." Mahabang paliwanag ni May sa akin.

What else would I expect? The same asshole like Jed, he's too happy making other people's life miserable. Masiyado kung magpa–importante.

"O-okay. Do-doblehin natin ngayon ang sipag para mapapayag si Dr. Lopez sa lalong madaling panahon, iyan ang sabihin mo kay Mr. Tan." mariin kong utos sa kanya.

"B-but Ma'am..."

"Ano na naman ba, May?" naiirita ko ng tanong. Kilala na nila ako sa pagiging ganitong mainitin ang ulo. Ayoko kasing naaagad sa pag ta-trabaho.

"M-Mr. Tan gave us time limit."

"What!!" hindi ko na napigilang mapasigaw at malakas na inihampas ang dalawang kamay ko sa lamesa.

"T-two weeks, Ma'am. After two weeks at hindi pa nakukuha ang sagot ni Dr. Lopez na mag-cover ulit ng magazine, ibibigay daw niya sa ibang company."

What the F*! Now what?! I needded to face that bastard now huh?

Sumasakit na ang ulo ko sa pag iisip. Maybe, Mira and Amanda can help me with this.

"May, tell to our client that we will do our best to have that cover, okay? You may go." dismiss ko sa kanya saka niya ako iniwanang nag-iisip sa opisina ko.

I hate to see him. The first time na ni-cover namin yung magazine shoot niya hindi talaga ako nagpakita. I trusted my people so much na hindi na sila kailangan i-supervised. Naging patok naman sa madla yung magazine kaya lalo siyang sumikat.

Kailangan ko na namang magkipag-set ng appointment sa bakulaw na iyon.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

A/N

Waaaaaa..... Pressure overload!

Salamat po sa mga nag basa ng Man on Fire. Sana magustuhan din ninyo ang kuwento na ito!

Ms.Therapeutic*

Medical Batchelor Series 3: A Love to Last Where stories live. Discover now