“Dito, andito ako.” Nakahinga ako ng maluwag nang ,mahawakan ang kamay ni Larra.
At sa pagdidikit ng aming mga palad ay nagliwanag ulit ang baraha na hawak ko maging ang kanya.
“Bakit umiilaw?” tanong ko habang nakatingin doon.
“Simbolo iyan na nahanap na ang isang may kakayahan at ikaw iyon.” Nalilito ako sa sinabi ni Larra.
“Anong kakayahan? At bakit ako?” tanong ko ulit.
“Ikaw kasi ang napili ng silent card dahil sayo ipinasa ang ikatlong mata ng nagmamay ari nito.” At pagkasabi ni Larra ng mga iyon ay may naramdaman akong kaonting kirot sa aking noo.
“Bumukas na sya.” Nakangiting sabi ni Larra habang nakatingin sa aking noo. Doon ko lang din nakita na may ikatlong mata din siya na nasa gitna ng kanyang noo.
“Mayroon ka rin?” namamangha kong sabi. Tumango ito at ngumiti sa akin.
“Kung ganoon, alam mo ang lahat?” natigilan siya sa tanong ko.
“Alam ko na mangyayari ito, ilang dekada na din ang lumipas bago nasundan ang nangyari noon. Itong mga barahang ito ay may mga nakatadhana. Dalawa ang may hawak nang ikatlong mata at dalawa din ang may hawak nang pulang bato.” Paliwanag niya.
“Bakit daladalawa?” gulong gulo ako sa mga nalalaman ko.
“Dahil ang silent card ay may mga taong itinakdang magmamana sa mg kakayahan. Ngunit sa pagkakataong ito lalo na dahil natagpuan kita, isa lamang sa atin ang magpapatuloy sa larong ito. At ikaw iyon. Sa iyo nakasalalay ang buhay ng mga tao sa apat na sulok ng silid na ito ngunit mag iingat ka, dahil nasa paligid lamang ang salarin. Magagawa mo lamang ang misyon kung makukuha mo ito sa kamay nang tagapagmana at tuluyang masisira ito.” Nakinig ako nang maigi sa mga sinasabi ni Larra sa akin at pilit iyon inintindi.
“At kapag hindi ko iyon magawa? Anong mangyayari?”
Seryoso ako nitong tinitigan.
“Mananatili tayong lahat dito at tuluyan na tayong mabubura sa mundo. Sa madaling salita, ang red stone card nalang ang maipapamana at maraming dugo ang patuloy na dadanak sa silid na ito. Bawat limang dekada na darating, kung sino mang mga estudyante ang nakatadhana na gagamit sa classroom na ito ay mas malala ang sasapitin.”
“Dahil ang third eye card ay siyang nagdadala sa kakayahang makita kung ano ang tunay na nakapalibot sa classroom na ito at higit sa lahat, siya lamang ang makakapag sabi kung sino ang may hawak ng pulang bato.” Hinawakan ni Larra ng mahigpit ang aking mga kamay at mataman akong tinignan sa mata.
“Kaya sana, magawa mong makuha ang isang card para matapos na ang larong ito.” dugtong niya.
“Pero, paano ko mapapagtagumpayan ang larong ito, Larra?” takot na tanong ko sa kanya.
“Tatlong paraan lang, Narize. Iyon ay masigurado na ang hindi ka malinlang ng kahit na sino sa silid na ito, hindi mabahiran nang dugo ang iyong mga kamay at pang huli, pagkatapos nang laro ay mananahimik ka at hahayaan sa normal ang lahat.” pagkatapos sabihin ni Larra iyon ay unti unti na syang naglaho sa aking paningin.
Tinawag ko siya nang maraming beses ngunit hindi ko na ulit siya makita. Napa takip ako ng tenga dahil sa sunod sunod na malakas na sigaw ang aking narinig. Parang mababaliw ako.
At kahit hirap na hirap ako ay sinikap kong aninagin ang buong classroom. Napaatras ako ng sa pagbaling ko sa aking likuran ay nandoon lahat ang aking mga kaklase, nakatayo at nakangiti sa akin.
Mas lalong lumakas ang ulan at muli ding kumulog at kumidlat.
Katulad ko ay duguan na din ang kanilang puting uniform. Nakita ko si Mira sa aking harap at napasigaw ako ng umikot ikot ang ulo niya habang nakangiti pa rin sa akin. Patuloy lang ang pag iyak ko at hindi alam kung saan magsisimula.
At kahit na nanginginig sa takot at isa isa kong tinignan ang mga card na hawak nila. Mas lalong lumalakas din ang pagsambit nila sa aking pangalan at halos silang lahat ay nagsisimula na ding umikot ikot ang mga ulo habang nakangiti pa rin. Tatlo nalang ang natitira kong lalapitan at iyon ay si Amos, Mira at Larra. Dahan dahang akong lumapit sa kanila nang biglang huminto ang pag ikot nang ulo ni Larra at tumapat ang mga paningin nito sa akin. She smile wider at me at nanlaki ang mga mata ko nang saksakin niya sa mata si Amos. Dililaan nito ang kutsilyo hawak niya na may tumutulong pang dugo.
“Ang sarap nang dugo ni Amos. Gusto mo bang tikman?” nanginig ang labi ko at hindi na makagalaw.
“Larra, tama na. Itigil na natin ‘to.” umiiyak kong sabi.
“Narize, tulungan mo ako.” Nabaling ang atensyon ko kay Mira na ngayon ay na unti unting hinahati ang ulo. Napatakip ako ng bibig at pinigilan ang hagulhol at pagsigaw nang makita si Sir James ang gumagawa nun.
Hindi ko na alam ang susunod kong gagawin habang tinitignan ang matalik na kaibigang nalilgo sa sariling dugo.
Napapikit ako ng mariin at ginawa ang kanina pang nasa isip.
Pinunit ko ang ang card na hawak ko kasabay nang pagkuha nang kutsilyo sa kamay ni Larra at isinaksak iyon sa aking sarili. Napasigaw ako sa sakit na aking naramdaman hanggang sa unti unti ay namanhid ang buo kong katawan. I slowly fell into the ground and naramdaman nalang ang lamig nang tiles sa aking likuran.
Hanggang sa tuluyan na ding pumikit ang aking mga mata at naghari na ulit ang kadiliman.
“Hoy Narize! Gising na! May naghahanap sayo sa labas.” Naalimpungatan ako dahil sa pagyugyog ng kung sino sa akin.
Pagkadilat ng aking mga mata ay napabalikwas ako sa aking upuan. Nilibot ko agad ang aking paningin sa buong classroom at isa isang tinignan ang aking mga kaklase habang nanlalaki ang mata.
Nang makita si Mira sa aking harapan ay agad ko itong niyakap kaya nagulat ito at tinampal ang braso ko.
“Ano ba Narize, para ka namang tanga diyan! Alis nga I can’t breathe!” reklamo nito ngunit tumawa lang ako.
Nakarinig kami nang hiyawan sa labas at tugtog ng gitara. Hinawakan ni Mira ang kamay ko at nakangiti akong iginiya sa may pinto.
Naguguluhan akong sumunod sa kanya at bago makalabas ng classroom ay binigyan ako ng bouquet of roses ni Larra, nakangiti din ito sa akin. At kahit nagtataka ay tinanggap ko iyo dahilang ng pagkakilig niya.
Tumawa ako.
O kay sarap sa ilalim nang kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa
Napakagat ako ng pang ibaba kong labi nang matanaw si Amos doon. He is so handsome on his white uniform. And the way he sings for me ay para bang lumilitaw ako sa mga ulap.
Nakangiti itong lumapit sa akin habang nag gigitara pa rin.
“Ang corny mo!” sabi ko pagkalapit niya.
Tumigil siya sa pag tugtog at tumawa.
“Uhm, Narize noon ko pa balak sabihin ito pero pwede ba kitang ligawan?” nangiti ako sa sinabi niya and I can feel the heat on my cheeks dahil sa sayang nararamdaman ng puso ko.
I only nodded at him at naghiyawan ang lahat ng nasa hallway dahil doon.
“TALAGA?!” paninigurado niya at hinawakan ang aking mga kamay.
Tumawa ako at niyakap na lamang siya. He also embrace me kaya hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
Bibitaw na sana ako sa pagkayapos ng matigilan ako dahil sa may nakitang naka itim sa may gilid. Nangilabot ako ng makita ang nakakatakot nitong ngiti, hindi ko maaninag ang mukha niya dahil naka hoody jacket ito.
Humiwalay na sa yakap si Amos sa akin kaya nawala saglit ang atensyon ko doon sa taong naka itim sa may gilid at nang ibinalik ko na ulit ang mga mata doon ay wala na na siya.
I was bothered but pilit ko iyong iwinaksi lalo na nung napagpasyahan nang buong klase na mag class picture.
“Okay set na ang timer! So let’s say BMLS-1C in 1, 2, 3 go!” sabi ko.
At kasabay ng pag click nang camera ay ang pagsigaw din naming lahat sa huling salitang sinabi ko.
End
YOU ARE READING
BMLS-1C (Rtrmf Series #1)
Short StorySa apat na sulok ng classroom sari saring karanasan ang ating nasasaksihan. May mga taong nakakasalamuha bawat araw. May kanya kanyang pananaw, pagkakakilanlan sa bawat bagay na pilit inuunawa ng bawat isa. Mga alalang nabubuo sa pamamagitan ng pagk...
