Ramdam ko ang titig ng bawat estudyanteng aking nadadaanan. Panay ang ngiti ko sa kanila ngunit takot ang nakikita ko sa kanilang mga mata at sapag kuwa’y agaran ang pag alis ng tingin sa akin kapag nahahagip ko sila. Nabapuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagtahak ng pasilyong papuntang classroom.
“Narize! Tagal mo! Kanina pa ako dito” basungot na mukha ang sinalubong ni Mira sa akin. Tinawanan ko lamang siya dahilan ng pagmamaktol nito lalo.
“Sorry na, kasi naman traffic eh. Malay ko ba na totoong excited ka sa mga barahang ‘to?” I handed her the cards immediately pagka upo ko sa aking upuan.
“Talaga bang di ka marunong gumamit nito?” tanong niya ulit sakin kaya iniripan ko sya.
Kagabi pa sya panay tanong sa akin niyan eh.
“Mira, sabi ko naman sayo diba hindi ako interesado sa mga ganyan ganyan? Atsaka ano ba kasi ang gamit ng mga ‘yan?” hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa akin o ano, dahil focus siya sa pagtingin tingin sa mga baraha.
I just rolled my eyes at her at umiling nalang sabay upo. Hinayaan ko siyang tingnan ang mga baraha doon. Nakuha ko lang kasi iyon sa lumang bahay na nilipatan naming nung nakaraang linggo. I find it creepy kaya instead na sundin ‘yung sinabi ni Mama na wag mangialam ng mga gamit doon at hayaan nalang sa bahay ‘yung mga naiwan ay hindi ko ginawa. Isa pa, mahilig din si Mira sa mga bagay na mga ganyan, at noon pa siya nangungulit na samahan ko daw siya bumili ng mga baraha. Hindi ko naman alam din kung anong baraha ba ‘yung gusto niya pero dinala ko pa rin baka sakaling magustuhan niya since wala ding gagamit niyan sa bahay, mabuti pang ibigay ko nalang din iyan sa kanya.
“Nari, dito ka. Huhulaan ko lovelife mo dali!” excited na sabi ni Mira at nilapitan ako.
“Ayoko nga, hindi naman kasi ‘yan totoo eh!” ngunit wala akong nagawa ng magsimula na nga siya sa pagbabaraha.
Napakamot nalang ako ng ulo at hinayaan ang kaibigan na gawin ang gusto niya. Total, ako lang din maririndi sa pangungulit nito.
Napangalumbaba ko siyang pinagmasdan sa aking harapan na seryosong seryoso sa pag aayos ng mga iyon.
“Ano na naman ba ‘yan Mira? Nag eexperimento ka na naman ba?” sabay lapit ni Amos sa gawi namin.
He glances at Mira who is busy doing her own business ngunit mas lalong nag tagal ang titig niya sa akin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.
He only smile shyly and looked away after.
“Ito na, pili ka isa. Bawal manilip ha! Hindi na ‘yun magiging accurate sige ka!” nalipat ang tingin ko sa kaibigan at kahit labag sa kalooban ko na gawin ‘tong gusto niya ay sinunod ko pa rin.
“Nagpapaniwala ka talaga sa kaibigan mo?” huhugot na sana ako ng baraha nung magsalita si Grace sa gilid ko. Doon ko lang din napagtanto na nakapalibot na din pala ‘yung iba naming mga kaklse sa amin.
“Oo nga Narize, di rin naman ‘yan totoo eh.” sabi ni Noeh na ikinatawa ng lahat dahil alam naming nang aasar na naman 'to kay Mira, alam ko lang may gusto din ito sa kaibigan ko.
Tinignan ko si Mira ngunit irap lamang ang natanggap naming reaction dito.
“Hindi daw totoo, eh bakit ka andito?!” bulyaw ni Mira kay Noeh. Nagsimula na ‘yung kantyaw sa kanila kaya naki sali na ako sa tawanan lalo na nung namumula na ang mukha ni Noeh at hindi na nakapagsalita pa.
“Bakla bakla mo talaga, ew!” Mira flipped her hair and inayos na ulit ang baraha.
“Sige na, kuha kana Narize.” kumuha na nga ako at hinayaan si Mira ang magbuklat nun.
YOU ARE READING
BMLS-1C (Rtrmf Series #1)
Short StorySa apat na sulok ng classroom sari saring karanasan ang ating nasasaksihan. May mga taong nakakasalamuha bawat araw. May kanya kanyang pananaw, pagkakakilanlan sa bawat bagay na pilit inuunawa ng bawat isa. Mga alalang nabubuo sa pamamagitan ng pagk...
