“TULONG! PARANG AWA MO NA! TULUNGAN MO KAMI!”
Lumakas na ang iyak ko at napasigaw na rin ako habang tinatakpan pa rin ang dalawang tenga gamit ang aking mga kamay. Mas lalong dumami ang mga boses na aking naririnig maging mga ingay na halos ang pagkakarinig ko ay nasa loob ito nang aking tenga.
“Makinig ka, kailangan mong malaman ang isang strategy sa larong ito. Nasa baraha mo ang sagot. Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo para makaalis ka sa silent card game na ito.” rinig kong sabi ng isang mahinang boses.
Isang nakakapangilabot na halakhak ulit ang narinig ko at kasabay nun ay malakas na pagbuhos nang ulan na may kasamang kulog at kidlat.
Sa pagkakataong iyon, pinilit kong magmulat nang mata at napatakip ako ng bibig nang makita na puno nang dugo ang puti kong uniform. Medyo madilim pa ang buong silid kaya nung kumidlat mas lalo akong natakot at napasigaw na rin nang may tumambad sa harap kong duguang katawan na nakasabit sa ceiling maging ang mga nakahandusay sa sahig na katawan ay hindi nakaligtas sa aking mga paningin.
“MIRA?! NASAAN KA BA?! TAMA NA PLEASE!” umiiyak kong sigaw.
Narinig ko ulit ang halakhak kaya napalinga linga ako sa paligid ngunit wala na akong makita.
“Muli mong alalahanin ang rules nang laro sapagkat iyon ang magdudugtong sayo sa lahat. May isang tao din sa silid na ito na may kakayahang katulad mo, kagaya nang sabi ko kapag naalala mo ang rules ay malalaman mo kung sino siya.” muli kong rinig sa boses na iyon.
“SINO KA BA?! BAKIT ALAM MO ANG LAHAT? IKAW BA MAY PAKANA NITO?!” galit kong saad at tumayo na sa pagkaka upo.
Lalo pang tumindi ang ingay sa paligid na halos dumugo na ang aking pandinig ngunit pilit kong nilakasan ang loob ko at mas lalong nag concentrate sa larong sinimulan.
Rules? Ang manahimik lang iyon at isang tao na may pareho nang akin kakayahan? Sino iyon?
Manahimk. Ibig sabihin tahimik lang ang taong iyon?
Si Larra. Si Larra ang tahimik sa klase!
Nabuhayan ako ng loob at walang atubili na kumilos para hanapin si Larra.
“Larra, andito ka ba?” pinunasan ko ang luha sa mga pisngi ko at dahan dahang humakbang. Napapasigaw ako tuwing may naaapakan akong parte ng katawan. Hindi ko alam kung sino iyon at kapag naiisip na bangkay iyon nang kaklase ko ay napapahagulhol ulit ako ng iyak.
“Tama na please. Ayoko na sumali sa laro.” Hindi ko alam kung nasaan na ako na parte nang room ngunit sigurado ako na si Larra iyon.
“Larra! Andito ako, nasaan ka?!” deperada kong tawag sa kanya. Humigpit ang hawak ko sa baraha ng mapansing nagliliwanag iyon.
“Narize? Ikaw ba ‘yan? Andito ako!” umiiyak na sambit ni Larra.
May liwanag akong nakita sa kaliwang bahagi nang kinatatayuan ko kaya dali dali akong dumako roon.
“Larra, halika na. Tapusin na natin ang laro.” Humuhikbi kong sabi ngunit ng ilang dangkal nalang ay mahahawakan ko na ang kamay niya ay biglang binalot pa ang buong silid nang makapal na dilim.
Wala na akong makitang liwanag kahit saan.
“Narize!” sigaw ni Larra sa pangalan ko.
Malapit lang ang pinanggalingan nang boses kaya dahan dahan kong hinakbang ang aking mga paa at nangapa.
“Larra, wag kang aalis dyan nasa malapit mo lang na ako.” Tinatagan ko ang loob ko at kahit matindi na ang sakit sa aking tenga dahil sa sari saring malalakas na ingay ay hindi na ako nagpakain sa takot at pangamba.
YOU ARE READING
BMLS-1C (Rtrmf Series #1)
Short StorySa apat na sulok ng classroom sari saring karanasan ang ating nasasaksihan. May mga taong nakakasalamuha bawat araw. May kanya kanyang pananaw, pagkakakilanlan sa bawat bagay na pilit inuunawa ng bawat isa. Mga alalang nabubuo sa pamamagitan ng pagk...
