“Is there other strategy to win the game aside from being silent?” tanong ko.

I saw Larra smiling again but this time, sa akin na din siya nakatingin kaya para maibsan ang takot na naramdaman sa mga ngiting iyon binaling ko ulit ang paningin kay Mira at Josh.

“Yes, at iyon ang dapat niyong malaman.” Sabi ni Mira.

The cards are properly pilled at hawak hawak iyon ni Josh.

“Kayo kasali din kayo?” tanong ni Annie habang pumuwesto na din ang dalawa sa circle kasama naming.

“Oo naman dahil kailangan na kompleto ang 42 players.” tumango tango kaming lahat.

Umayos na ako nang upo. They already turn off the lights. Isinara na din nila ang mga pinto at bintana at kahit maliwanang pa sa labas ay wala talaga kaming makita sa loob nang silid.

Tahimik na tahimik ang lahat kaya gumalaw ako ng kaunti para malaman kung may katabi pa ba ko. Napahinga ako ng maluwag nang maramdaman kong may gumalaw pa naman at narinig ko din ang pabulong na saway ni Amos sa akin.

“So let’s start the game. Silent cards, move!” sa pagkasabi nun ni Josh ay pumikit na din ako. Medyo nagtaggal ang paglilibot ng card bago napunta iyo sa aking mga kamay. I concentrated sa pagpili nang card by feeling it.

At the end, pinili ko ‘yung nasa may pinaka gitna at ipinasa na iyo sa nasa right side kong si Amos.

“Kung sino man ang huling tao na mapapasahan nang card. You must say the word “game”.” Rinig kong sabi ni Mira.

Maya maya lang ay narinig na namin ang hudyat kaya mas lalong nadepina ang pagkatahimik nang classroom.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako makarinig ng sari saring boses at kaluskos. Napangiwi ako doon at nagtataka bakit may ganung mga naririnig. Ito na ba ang simula nang larong ito?

Ramdam ko ang panginginig nang katabi ko sa kaliwa, may naririnig na din akong mahihinang hikbi. Gusto kong magmulat nang mga mata ngunit may kung ano sa akin na hindi magawa iyon.

“Mira, Josh ayoko na. Hindi na ako sasali sa laro.” si Fiona iyon ah? Pero bakit parang may kakaiba sa boses niya?

Naramdaman ko ang mga pagkilos nang iba at habang patagal nang patagal kami sa classroom na iyon ay samu’t saring ingay na ang aking naririnig at halos papalapit ang mga iyon. Hindi ko na rin alam kung nakalabas na ba si Fiona nang classroom o kung ano ba ang nangyari pagka atras niya sa laro.

May kapalit kaya nun?

Nagsimula na ulit akong kabahan lalo na nung may narinig akong sigawan galing sa labas. Halakhak ang sumunod ngunit hindi ko mawari kung kanino iyon kaya mas lalo akong nangilabot. Bumilis na ang aking pag hinga lalo na nung maramdamang wala na akong katabi at para bang may kakaiba sa aking mga kamay na parang basa. Humigpit ang kapit ko sa baraha. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin sa card na ito pero puti ang background nun at may mata sa gitna.

Mas lalong nadepina sa pandinig ko ang sigawan ngunit ngayon may bahid na takot iyon. Marami din akong naririnig na hagulhol at pagmamakaawa. Ramdam ko ang mga yabag ng paa kahit saan at maging ang mga nagtatakbuhan sa hallway.

“Kahit anong mangyari, sa akin ka making.” May mahinang boses akong narinig at malamig iyon.
Umihip ang hangin.

Napatakip ako nang tenga dahil sa biglaang may nagsisigaw nang malakas. Sobrang lapit nun sa pandinig ko at naiyak na ako na sa pagmamakaawa na tama na.

“AYOKO NA! ITIGIL NA NATIN ANG LARONG ITO. MIRA! JOSH!” nagmamakaawang sabi ko ngunit wala akong narinig sa kanila.

Umiyak pa ako lalo dahil sa sobrang takot na nararamdaman. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa buong klase dahil sa larong ito. Ako ang President kaya sa akin din nakasalalay ang lahat ng ito lalo na ang kaligtasan nilang lahat.

BMLS-1C (Rtrmf Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang