Larra is so silent in the class at nakakapanibago kapag nakikisali siya sa usapan ng lahat. They find her weird too kaya minsan, wala talagang kumakausap sa kanya but for me, there’s no wrong with her. She’s so kind din naman kasi.

"Ikaw Larra, pwede ka nang umalis.” maarteng sabi ni Grace kaya nagsimula na naman silang mag ingay sa panunukso.

I feel bad for Larra dahil ayaw sa kanya nang iba kaya to save her, I decided to stay and makipag laro nalang sa buong klase.

“We can skip them, if you really want to go home.” Amos whispered, magkatabi kasi kaming naka upo sa sahig.

Mira and Josh were at the center, bale pinapalibutan naming silang dalawa since we made a circle within the room.

“No. I will stay. Tsaka bonding na din ‘to with our section. I think naman, it’s fun.” bulong ko pabalik.

We’re too close to each other para masigurado na kaming dalawa lang talaga ang magkarinigan.
Nakarinig ako nang tikhiman kung saan kaya napabaling ako sa buong klase. Doon ko lang napagtanto na nakatingin na pala sila sa amin ni Amos.

“Aba Narize hinulaan ko lang ‘yung lovelife mo tapos naglalandi ka na diyan?” panimula ni Mira. Everyone teased me and Amos kaya medyo lumayo ako sa distansya namin.

“Ikaw Mira ang issue maker mo talaga kahit kelan, noh?” I glared at her pero tumawa lang ito kaya binato ko siya ng empty bottle.

“So the game will be like this……,” si Josh nang humupa na ‘yung ingay “everyone will close their eyes habang umiikot ‘yung baraha. Kayo na ang bahala kung saan kayo banda bubunot basta walang magmumulat ng mata.” pagpapatuloy ni Josh.

Umihip ang pang hapong hangin. May halong lamig iyon na nakapanindig nang aking balahibo. Sumasabay sa ihip nang hangin ang pagsayaw nang kurtina sa silid. Sobrang tahimik nang lahat at nakikinig nang Mabuti sa sinasabi ni Mira at Josh.

“Kailangan nating patayin ang ilaw para ramdam natin ‘yung thrill.” bungisngis na sabi ni Mira.

“Luh, nakakatakot na masyado ‘yun!” umaapilang sabi ni Noeh.

“Bakla ka kasi, tss! Epal mo talaga kahit kelan!” nagpatuloy na ulit sa pag iinstruct ang kaibigan ko sa harap kaya napakamot nalang ng tenga si Noeh.

“So, kung may nabunot na kayong cards. Kailangan kayo lang ang may alam kung ano ‘yung hawak niyo. In short, mananahimik ka kahit anong mangyari dahil kung hindi at malaman iyon ng iba. You will receive a bloody punishment.” Makahulugang saad ni Josh sa amin.

Nakaramdam ulit ako ng kaba. Hindi ko alam kung saan galling iyon this time.

“Anong punishment naman ‘yun?” Amos asked.

I saw Larra smiling at the side. Hindi ko mawari kung para saan ‘yung ngiti niya pero kinilabutan ako.

“Malalaman niyo nalang ito pagkatapos nang laro. Sa ngayon, ang kailangan niyo lang gawin ay makita kung ano ‘yung cards na mayroon kayo at patuloy lang na manahimik kahit may nagpupumilit na sabihin niyo iyon. Since we will turn off the light and nakapikit din kayo, within just 3 seconds kailangan ay magmulat kayo at tignan nang mabilisan kung ano ang card mo at pagkatapos ay ipikit niyo ulit ang inyong mga mata. Kailangan nakita mo ito nang maigi at hindi mo makalimotan dahil sa huli, ito ang magliligtas sayo sa larong ito.”

“Paano kung hindi nakita kung anong card ‘yung hawak? Kasi ang bilis ng 3 seconds eh!” seryosong tanong ni Chrivian.

Tiningnan kami ni Mira isa isa.

“Then, diyan palang talo ka na. Mawawala ka na ng tuluyan.” Nag tagal ang titig ni Mira sa akin kaya bahagyang kumunot ang noo ko.

“Kaya kung ako sa inyo, para maligtas kayo. Sundin niyong mabuti ang instruction. Bawal ang madaya! At higit sa lahat, kahit anong mangyari manahimik ka. Kahit pa magulo na, nakakarindi na ang ingay MANANAHIMIK KA.”

BMLS-1C (Rtrmf Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora