“Dalawa. Dalawa sila na umiibig sayo. Ngunit ang isa iba ang pakay.” napakunot ang noo ko doon.
“Paanong iba ang pakay, Mira?” Darlene curiously asked kaya tumingin ulit ako kay Mira sa harap.
Ngumiti ito nang kakaiba sa akin at titig na titig ang mga mata kaya napakurap ako dahilan nang pagkakalito kung totoo ba ‘yung nakita ko kanina sa kaibigan o guni guni ko lamang dahil pagdilat ng aking mga mata ay hindi naman ganun ang ekspresyon niya.
“Hmmm, sabi dito…..,” naningkit ang mata ni Mira sa pagtingin uli ng baraha “may nangyari noon na siya ‘yung sisingilin.”
Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi ni Narize ngunit agad din itong nawala nang magtawan ang lahat pero hindi ko alam kung bakit hindi maalis alis ang mga salitang iyon sa aking isipan.
Maniningil? Atsaka, anong nangyari noon?
“Hey, malalim ata ang iniisip mo ah?” napatingala ako ng may magsalita. Di ko namalayan nakatulala na pala ako magbuhat nang matapos ‘yung hulang naganap kanina.
“Uhmm, wala wala.” I said and laughed awkawardly.
“Tungkol ba sa hula ni Mira sayo?” natigilan ako sa sinabi ni Amos.
“Well, hindi naman talaga ako naniniwala doon, eh.” I’m sure may halong kaba ko iyon sinabi. Kaya napa iling iling ako.
“Kahit sa part na may nagkakagusto sayo?” napakurap kurap ako sa sinabi ni Amos, hindi ko inaasahan na iyon ‘yung sasabihin niya.
Natawa na ako nang tuluyan dahil doon and he only give me an amused smile.
“What? It’s not impossible, right?” sabi pa nito sakin nang naka ngiti na ngayon.
“Bakit interesado ka doon?” humilig ako ng bahagya sa aking upuan at matamang tinitigan si Amos sa aking harapan.
Ngunit bago pa siya makapag salita ay nag ring ‘yung cellphone ko kaya agad nabaling ang atensyon ko doon.
“Excuse lang, tumatawag si Sir James.” Napabuntong hininga siya at nakangiting tumango.
“Yes, Sir?”
“May emergency po? So, uuwi nalang po kami ngayon?” I bit my lower lip.
“Opo sige, Sir. I’ll send the activity po to the class. Ingat po kayo, Sir!” I ended the call pagkatapos kong magpaalam.
“Anong sabi?” napatalon ako nang magsalita si Amos kaya bahagya niyang hinawakan ang bewang ko dahil tumama ang likod ko sa kanya, hindi pa pala ‘to umalis.
Napatikhim ako ng maramdaman ang init nang mga palad niya sa aking bewang.
“W-e don’t have a class for Anaphy today.” Agad akong lumayo sa malapitang distansya namin pagkasabi ko nun.
Kaya para maibsan ang nararamdamang pagkailang ay tinawag ko na lamang ang atensyon ng klase.
“Nice! Nice! Makakapaglaro tayo ngayon!” Josh said at naghiyawan ang iba sa tuwa at may iba ding nagreklamo na pumasok pa sila.
“Uuwi kana?” I glanced at Mira na nasa tabi ko na pala.
Tumango ako at nagligpit na ulit nang mga gamit.
“Uy, uuwi na si President guys! Ayaw ata sumali sa laro natin.” Mira shouted.
“Ow, uuwi na din naman si Narize edi uuwi na din ako. Tss!” si Grace na handa nang lisanin ‘yung room.
“Huh? Bakit ano meron?” naguguluhan kong sabi kaya tinignan ko sila isa isa.
“They want to play a game. Using the cards na dala mo.” Natahimik ang buong klase nang si Larra ang magsalita.
YOU ARE READING
BMLS-1C (Rtrmf Series #1)
Short StorySa apat na sulok ng classroom sari saring karanasan ang ating nasasaksihan. May mga taong nakakasalamuha bawat araw. May kanya kanyang pananaw, pagkakakilanlan sa bawat bagay na pilit inuunawa ng bawat isa. Mga alalang nabubuo sa pamamagitan ng pagk...
